TRIGGER WARNING: This chapter contains strong implications for the following: anger, strong words, and violence, which may trigger memories and emotions from traumatic events.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
"OKAY KA LANG?"
Pagpasok sa kuwarto ni Isaiah ay hinawakan niya ako sa pisngi. Pinunasan niya ang pawis ko gamit ang laylayan ng suot niyang shirt.
Kimi akong tumango. Ngayon ako nahimasmasan. Bakit ako sumama hanggang dito? Hindi naman mabilis ang pangyayari kaya wala akong magiging dahilan.
"Saglit lang." Hinalikan niya ako sa noo saka iniwan sandali. Nagligpit-ligpit siya sa paligid kahit wala naman gaanong kalat maliban sa tuwalya niya na nakasampay sa headboard ng kama.
Ang mga mata ko ay napamasid sa kabuuhan ng kuwarto ni Isaiah. Mas malaki sa kuwarto ko ang kuwarto niya. Sumakto lang ang dami ng gamit dahil malaki naman ang pahabang sukat ng kuwarto. Isang anak lang siya kaya wala siyang kahati sa espasyo.
Light blue ang pintura ng mga dingding. Jalousie ang bintana na may screen at blinds na kulay itim. Dalawa ang gitara niya na nakasabit sa dingding. Isang electric guitar at isang hindi.
Ang uluhan ng double bed niya ay may malaking poster ng cartoonized na mukha ni Bob Marley. Sa kabilang gilid na dingding naman ay maliliit na poster at mga pangalan ng Amerikan rapper na sina Eminem, Jay-Z, 50 Cent, Snoop Doog at Tupac Shakur.
May malaking estante na kadikit ng closet niya. Doon ay maayos na nakalagay ang patong-patong na mga CDs. Nakaayos din doon ang mga lumang songhits at comics.
May parte ng kuwarto na sabitan ng sombrelo. Anim ang sombrelo na halos ang kulay ay pare-pareho. Black na may maliit na check ng Nike, meron ding sombrelo na white Adidas at ang iba ay purong plain black na.
May lugar din ang lalagyanan niya ng sapatos. Ang dami niyang sneakers. May Nike, Adidas, New Balance. Mukhang bago pa iyong iba. Puro puti ang karamiha ng kulay.
Matapos magpagpag ni Isaiah ng kama niya ay hinila niya ako roon. Nakaupo lang kami nang una, nagpapakiramdaman. Hanggang sa inaamoy-amoy niya na ang buhok ko.
"Anong shampoo mo?"
"Dove pink. Conditioner ba itatanong mo rin?"
Pilyo ang naging pagngisi niya. "Kung gusto mo bang sabihin, pati sabon mo na rin."
Nag-init sa pamumula ang pisngi ko.
Nahiga siya sa kama. Niyaya niya ako na tumabi sa kanya. Ayaw ko sana kaya lang nakakailang na makita siyang nakahiga habang siya naman ay nakamasid sa akin.
Tumabi ako sa kanya pero may pagitan. Nakatagilid kami paharap sa isa't isa. Ang mga mata niya na kasing kulay ng kalangitan tuwing gabi ay parang mas lalong gumanda sa paningin ko. Kakulay rin niyon ang kanyang makakapal na kilay at mahahabang pilik-mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/289058514-288-k171506.jpg)
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...