Chapter 15

55.6K 3K 2.3K
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains strong implications for the following: anger, abuse, and domestic violence, which may trigger memories and emotions from traumatic events.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"TAYO NA BA ULIT?"


Napakagat labi ako, "Tatanggapin mo ba ako ulit?"


"Oo naman, marupok ako sa 'yo e."


Napangiti na ako. "Sorry, Isaiah. Sorry kasi ang gulo-gulo ko."


Hinawakan niya ako sa ulo. "Wag mo nang uulitin iyon. Sira ka, makikipag-break sabay tatalikod. Ni hindi mo man lang ako pinag-speech. Hindi ako nakatulog magdamag, baka di mo alam."


Nag-peace sign ako sa kanya. "Sorry."


Nang first break at lunchbreak ay ganoon ulit kami ni Isaiah. Balik sa dati. Parang walang nangyari. Parang hindi kami nag-break. Madalas sa bench kami, nakasandig sa balikat ko ang ulo niya habang hinahaplos ko ng aking mga daliri ang malambot na buhok niya.


Sa last break naman ay pinadala niya sa akin ang notes ko sa Filipino dahil may quiz kami bukas. Habang nagkakabisado ako ay tahimik lang siya sa tabi ko. Nakikinig lang siya, tapos kapag noong matatapos na ay tinanong niya ako sa mga nakabisado ko.


"Galing naman," nakangising puri niya sa akin. "In ten minutes, nakakabisado ka na ng dalawang pangalan."


Lumabi ako. "Dalawa nga lang."


"Kaysa wala. O di ba, sa 1-10 na quiz bukas, may sure 2 score ka na."


Mahina ko siyang tinampal sa pisngi. Hinuli naman niya ang kamay ko at nakangiting dinala niya sa kanyang mga labi.


Napapitlag naman ako dahil doon. Nahila ko ang kamay ko palayo sa kanya. "M-mag-reviw na nga lang ulit ako. May 2 minutes pa."


"Pag-pi-pray na lang kita sa quiz niyo."


"Baliw..." Inirapan ko siya bagamat nakangiti.


Inubos ko nga ang huling mga minuto sa pagbabasa na kasama si Isaiah. Effective pala mag-review na kasama siya. Feeling ko ay makakakuha ako ng 8 sa up to 10 na quiz bukas ng umaga.



PAGTUNOG ng bell ay excited akong tumayo. Bumalik ang sigla ko na nawala kahapon. Naunang pinalabas ang section namin kaysa sa section nila. Kanina ay siya ang sumusundo sa akin tuwing break, ngayon ay ako naman ang susundo sa kanya.


Nakatindig ako sa labas ng pinto nila habang hinihintay siyang lumabas. Nang makita ako ay hindi na siya mapakali sa upuan niya. Patingin-tingin siya sa akin. Sa loob-loob ko ay gusto kong matawa, ang cute-cute kasi niya.


Paglabas niya ng room ay napakamot siya ng pisngi habang pinamumulahan. "Bakit mo ko sinundo?"


South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon