PARANG HINDI NA OKAY SINA ISAIAH AT ELI.
Mula nang sa bakuran na namin tumatambay si Isaiah at hindi na kami roon kina Eli, ay hindi na sila nagkakausap na dalawa. Sa school naman ay tamang tanguan na lang sila sa isa't isa. Hanggang sa matapos ang schoolyear, pati kaswal na tanguan ay nawala na. Parang bigla ay hindi na sila magkakilala.
Okay naman sila noong una kaya hindi ko alam kung ano ba ang nangyari? Iyon ba iyong tinatawag na maternity?
Maternity nga ba? Napailing ako. Maturity pala. Ah, basta, nagbago na sila.
Nakakalungkot lang at nakakapanghinayang dahil ang akala ko ay magtutuloy-tuloy ng friendship nina Isaiah at Eli. Pero ganoon nga yata talaga. May mga tao talaga na hindi puwedeng magkasama dahil sa magkaiba ang pag-uugali at mga gusto sa buhay.
Nagsuot ako ng headband para maghanda na sa pagpasok sa school. Unang araw ng bagong schoolyear. Grade 12 na ako at graduating senior high school student.
Hindi katulad noong nakaraang taon na bago lahat ang aking gamit. Ngayon ay maski mga notebooks ko ay recycled lang. Hindi ako binilhan at hindi rin naman ako nanghingi ng pambili. Sakto lang ang budget namin sa bahay dahil busy sa pag-aasikaso sa pagpunta ng Australia si Daddy.
Nag-check ako ng phone bago lumabas ng kuwarto. Sabay pa ang text nina Isaiah at Eli.
Boo ❤:
Morning, Boo. Mag-drive na ako. Kita na lang tayo sa school. I love you!
Sumaya agad ang umaga ko pagkabasa ng text ni Isaiah. May tawagan na nga pala kami. Palagi niya kasi akong kinukulit kung ano ba ang tawagan namin, mabuti na lang at nag-suggest ang isa sa tropa niya na si Miko. Cute daw ang 'Boo'. Bagay daw sa amin.
Sa tingin ko ay bagay nga ang 'Boo'. Cute pakinggan at hindi masyadong obvious. Isa pa, favorite color ko ang fuchsia na malapit sa kulay na pink. 'Tapos favorite anime naman ni Isaiah ang Dragon Ball Z, kung saan isa sa character ang pink na si Majinboo. Oh, 'di ba? Ang galing mag-isip ni Miko!
Matapos kong mag-reply kay Isaiah ay text naman ng kaibigan ko na si Eli ang aking tiningnan.
Eli:
Saan ka na? Kanina pa ako sa gate. Baka tulog ka pa? Siguro nagpuyat ka na naman sa kaka-text. Bahala ka! Bibilang ako ng 100, tapos iwan na kita pag wala ka pa!
Hindi kaya ako takot. Alam ko naman kasi na kapag natapos ni Eli ang pagbibilang ng up to one hundred na wala pa ako, ay uulit siya sa pagbibilang. Hindi niya ako iiwan.
Sa pagpupuyat sa pagti-text ay aminado ako. Nasanay na kasi ako na buong bakasyon ay ka-text si Isaiah. Kahit madalas naman kaming nagkikita sa gabi, miss pa rin namin palagi ang isa't isa. Ganoon yata talaga kapag in love. Hindi iyon naiintindihan ni Eli kasi hindi pa naman siya na-i-in love sa buong buhay niya!
Bumaba na ako sa sala. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan nang aking marinig ang malakas na boses ni Daddy.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...