Epilogue

141K 6.6K 8.8K
                                    

"PINSAN MO SIYA."


Tiningnan ku si Ate Angel. Mas matanda lang siya sa akin nang onti. Anak siya nina Tita Roda at Tito Kiel. Ate siya ni Arkanghel. Iyong kalaro ku, kaya lang lang nasa heaven na. Basta mahabang story, basahin niyo na lang sa book ng Kiss Master. Maraming special chapter.


Back to Ate Angel. Tinanong ku siya kasi may batang lalaki na inuwi si Tito Kiel sa bahay nila. Kulay grey iyong mata. Parang pusa. "E anu pangalan niya?"


Bumulong sa akin si Ate Angel, "Arkanghel."


Luh? Arkanghel den? Astig naman!


Ganun na nga, nagkaroon aku ng bagong pinsan na Arkanghel den ang pangalan. Akala ku happy-happy na, pero hindi pa pala. Palage kase naiyak 'yung bagong Arkanghel, e. Palage natakbo sa labas. Isang beses, hinabol siya ni Ate Angel. Sakto na may dumaang sasakyan. Nahagip si Ate Angel. Ayun, angel na talaga tuloy si Ate Angel!


Kame na lang ni Arkanghel ang natirang bata rito sa compound. Masunget ang mama niya na si Tita Roda. Palaging galet. Aku alam ku kung baket. Takot kase siguro siya na mawala rin pati si Arkanghel.


Ayaw ku ren mawala si Arkanghel dahil kalaro ku siya. Siya ang pinaka-love ku sa mundo. Paglake ku, gusto ku magkasama pa ren kami. Papakasal kame para di na kame magkahiwalay na dalawa.


Oo nga pala, nadaguan aku ni Mama nang sabihen ku iyon sa kanya. Kaya change plans. Hinde ku na pakakasalan si Arkanghel, ditu na lang kame sa compound titira forever!


..............................................................................................................................MARAMI DAW MAGAGANDANG NURSE.


Iyon ang panghikayat sa amin ni Mama para lang pumunta kami sa center ni Arkanghel dahil kailangan na raw naming matule. By the way, milky way, eleven years old na nga pala kami. 


Dapat last year pa kami magpapatule ni Arkanghel, pero sabay kaming nilagnat nang araw na dapat ay tutuliin na kami. Ewan ko kung bakit pati siya nilagnat, e ako naman ang nauna. Gaya-gaya talaga siya kahit dati pa.


Iyong sinabi ko pala dati na gusto kong makasama si Arkanghel forever, binabawi ko na. Ayaw ko na sa kanya. Noong isang beses na nakitulog siya sa amin, naihi siya sa higaan. 'Tapos habang tulog ako, pinagpalit niya iyong sapin namin. Ayun, ako lang naman iyong napagbintangan!


Balik tayo sa usapan. Ayun nga, nakaligtas kami sa tule last bakasyon, pero hindi na uubra ngayon. Kahit daw kumbulsyunin pa kami sa lagnat, dadalhin pa rin daw kami nina Mama sa center, sa ayaw man namin o sa gusto. Ito na nga, dumayo pa kami sa center ng Buenavista, dahil dito may tule ngayong araw na ito.


Maganda nga ang nurse na natapat sa hilera namin ni Arkanghel, hindi nga lang nakakabawas ng kaba.


"Ang sisiga niyo sa elementary, pero mga takot kayo sa tule," parang armalite ang bibig ni Mama habang sinasamahan kami ni Arkanghel sa pila.


"Siya nga," segunda naman ni Tita Roda. "Kayayabang pa, mga duwag naman. Ang gusto pa yata ay kumunat na ang mga balat ng pototoy nila bago patapyasan!"

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon