HINDI SIYA TALAGA UMALIS.
Umakyat na ako sa itaas para balikan si Vien. Nakahiga na ako sa tabi ng bata pero nakadilat pa rin ang aking mga mata. Ang hirap makatulog knowing na narito sa bahay si Isaiah. Nasa baba sa sala.
Sumilip pa ako sa bintana. Tumila na ang ulan pero walang mga nagdaraang sasakyan, kahit tricycle sa labas. Wala ring nakaparadang motor sa tapat ng gate kaya siguro ay nag-commute lang siya sa pagpunta. Hindi niya man lang naisip na baka sa pag-uwi ay wala siyang masakyan.
Nakatulog ako bandang madaling araw na. Nagising na lang ako sa mahihinang ingay. It was refreshing to have noise in this house again because I was used to it being so quiet every time I wake up.
When I opened my eyes, my son was no longer beside me. Mag-isa na lang ako sa kama. Sa kulay pink ko na wall clock ay past 10:00 a.m. na. Napabalikwas agad ako ng bangon. Tinanghali na ako. Hindi pa nag-aalmusal si Vien, at baka gutom na iyon.
Pagtayo ko ay pumasok agad ako sa banyo na meron sa aking kuwarto. Mabilisang nag-toothbrush at hilamos ako. Ang buhok ko ay hindi ko na sinuklay, basta ko na lang itinaas into a bun. Lumabas na agad ako para hanapin sa kabahayan si Vien.
Nasaan na ba iyon? Malamang gutom na talaga iyon dahil anong oras na. Nasa hagdan ako nang marinig muli ang mga boses na naulinigan ko kanina. Parang nagbabangayan. Isang boses na buo at baritono at isang boses na maliit.
"Lintek, saglit lang ako nakalingat, may ginawa ka na agad na kalokohan! Bilisan mo, maghugas ka ng kamay mo kung ayaw mong paluin kita sa pwet!"
Sumunod ay ang maliit na boses na nangangatwiran, "E Daddy ku, 'di pa nga ku tapos sa gagawa ku!"
"At anong ginagawa mo? E nagkalat ka lang o! Kapag naabutan tayo ng mommy mo, ibibitin kita nang patiwarik!"
Napatanga ako pagbaba. Sa kusina ay nagkalat sa ibabaw ng mesa ang mga basag na itlog, harina, at ang kahon ng ready made pancake ay nasa sahig. Hindi iyon ang gumulat sa akin kundi ang bata na mukhang espasol na nakaupo ngayon sa lababo.
Bumuka ang bibig nito at lumitaw ang maliliit na ngipin na ang iba ay missing. Bungi-bungi kasi. "Mowning, Mommy ku!"
Si Vien ito pero bakit punong-puno ng harina ang mukha pati buhok? Ang damit ay may mantsa ng chocolate syrup.
Ang matangkad na lalaking na nag-upo kay Vien sa ibabaw ng lababo ay napalingon sa akin. Ang magandang uri ng mga mata na kakulay ng madilim na langit sa gabi ay nanlaki. Bumadha ang gulat sa guwapong mukha nang makita ako. "Vi..."
Nang bumaba ang aking paningin sa kanyang suot na ts-hirt ay katulad kay Vien ay meron din iyong mantsa. Naghalo ang chocolate syrup at nagkalat na harina. Pati ang makinis na pisngi niya at gilid ng kaliwang kilay ay meron.
"Anong nangyari?" tanong ko kay... Isaiah.
Napakamot siya ng leeg bago sumagot. Tuloy nagkaroon din ng harina ang makinis na leeg niya. "E ito kasi Kulitis. Igagawa ka raw niya ng breakfast in bed."
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...