ISAIAH!
Isang matigas at malamig na boses ang nagpaangat sa mukha ko. Ganoon na lang aking gulat nang makita ang matangkad na lalaki na nakatayo sa may pinto. Si Isaiah! Anong ginagawa niya rito? Bakit wala siya sa school?!
"Anong sinasabi mo kay baby?!" ulit niya sa tanong.
Napatayo ako mula sa kama at agad na nagpunas ng luha. "B-bakit ka nandito? Di ba dapat nasa school ka pa?"
3:00 p.m. pa lang. Bakit ang aga niyang umuwi ngayon? Dapat mamaya pa siya. Dapat gabi pa. At narinig niya ba ang lahat ng mga sinabi ko kanina?
"Nag-half day ako," sabi niya na pormal pa rin ang mukha.
Isinabit niya ang kanyang backpack sa pinto ng cabinet. Ang polo na uniform ay hinubad niya at nilagay sa basket ng marumihan. Humakbang siya palapit sa akin.
"So, ano nga iyong mga sinabi mo kanina kay baby?" Ang boses niya ay bagaman hindi galit, seryoso naman at malamig.
Ngayon niya lang ako kinausap nang ganito. Alam ko naman na, e. Galit talaga siya. Ayaw niya na. Ang sakit lang kasi umabot na kami sa ganito. Gusto kong bumunghalit ng iyak sa harapan niya at sumbatan siya, pero para saan pa?
Para saan pa na awayin ko si Isaiah? Kung aawayin ko ba siya ay magugustuhan niya ba ulit ako? Ayaw niya na nga, e. Nagising na siya na pangit na nga ako, malas pa, at pabigat pa.
Ang magagawa ko lang ngayon ay magpakatatag. Hindi ako puwedeng maging mahina. Saan ako pupulutin kapag umalis ako rito?
Tumingala ako sa kanya. "G-gawin mo ang kung anong gusto mo," sabi ko sa pilit pinapatatag na boses. "H-hindi ako makikialam sa 'yo. G-gawin mo kahit ano..."
Nagsalubong ang makakapal na kilay niya.
"K-kung gusto mong mag-girlfriend sa school mo, okay lang. H-hindi kita pipigilan at hindi ako makikialam. Naiintindihan ko naman kung bakit. P-pero sana... sana kung may balak kang paalisin ako, hintayin mo sana muna na makapanganak ako."
"Anong sinasabi mo?!" napasigaw na siya. Pulang-pula ang kanyang mukha hanggang sa leeg niya.
"B-bakit? Hindi ka na ba makapaghintay na paalisin ako?!" Napasigaw na rin ako sa basag na boses. "Hindi naman kita pakikialaman, ah! 'Wag mo lang sana muna akong paalisin dito! Wala akong ibang mapupuntahan. Wala na akong pamilya, wala na sina Mommy. Wala na rin sina Eli, wala na akong kaibigan..."
Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking mga luha. Napaupo ako sa gilid ng kama at napasubsob sa aking mga palad.
"Isaiah, saan ako pupunta kapag pinaalis mo ako? Wala na... Wala na akong mapupuntahang iba..."
Naramdaman ko ang pagluhod niya sa aking harapan habang umiiyak ako.
"Isaiah, k-kahit si baby na lang..." garalgal na usal ko. "K-kahit siya na lang ang isipin mo... K-kahit 'wag na ako... Wala kaming mapupuntahan..."
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...