NAGPATANGHALI na ako sa paghatid kay Vien sa PK2.
Wala na ang motor ni Isaiah paghatid ko sa bata. Ang nasa garahe ngayon ay iyong van nila at saka isang itim na kotse. Mukhang mamahalin, at hindi nga ako nagkamali. Lambo . Kay Arkanghel siguro.
"Wow, ke Titu Ninowng na tsikot 'to o!" Nanakbo agad si Vien sa kotse at pinaghahaplos iyon. "Mommy ku, bili mu ku nito paglaki ku!"
Ngumiti lang ako. Iyon ang unang hiling ni Vien sa akin. Medyo imposible kong matupad dahil sa aking pagkakaalam ay nasa twenty million ang halaga ng ganitong kotse. Sana ay magbago pa ang isip ng bata. O kaya baka puwedeng miniature na lang imuna.
"Halika na, baby. Paglaki mo at nakatapos ka na ng pag-aaral, makakabili ka rin niyan. Susuportahan at ipagpi-pray ka ni Mommy para matupad iyon, kaya dapat iangkas mo ako, ha?" Tinawag ko na ito dahil baka magasgasan ang kotse. Tumuloy na kami sa bahay sa dulo.
Dahil wala na ang motor ni Isaiah ay marahil nasa Manila na siya. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang pagpasok sa loob ng bahay nila ay makita ko siya na nakahiga habang nagse-cell phone sa sofa.
"Ay, ditu Daddy ku!" Tinakbo ni Vien si Isaiah, at biglang tinalunan sa sikmura. Kandaubo siya na napabangon.
Ang mama niya ay nasa sala rin. Nasa kabilang upuan habang nagpapamasahe ng binti sa papa niya. Napalingon sa akin ito. "Vivi, nandito ka pala. Hindi ka na pumapasok sa pabrika?"
"Opo, hindi na po." Alam nito na hindi na ako pumapasok dahil nasa akin si Vien ng dalawang gabi. "Sa bahay na lang po. May nagbabagsak po sa akin ng tahi."
Tumayo naman ang mama ni Isaiah dahil kumandong na ngayon si Vien sa lolo nito. "Vi, maganda 'yan, 'wag ka nang magtrabaho sa malayo. Pero ayos ka naman ba? Hindi ka naman ba nagigipit sa pera?"
"Okay lang po." Ngumiti ako rito. "Kakayanin naman po. Saka, nag-iipon din po ako para sa birthday ni Vien."
Si Isaiah ay nasa sofa pa rin. Naririnig ang usapan namin bagaman wala siyang reaksyon. Nakayuko siya sa cell phone niya. Naalala ko kanina nang magising ako, nasa center table sa sala ang isang libo na ibinayad ko kagabi sa kanya. Hindi niya kinuha.
"Aba'y, anak, mauuna ang birthday mo," sabi naman ng papa ni Isaiah. "Sa sunod na buwan na. May plano ka ba?"
Uminit ang puso ko sa isiping natatandaan nila. Totoo na mauuna nga ang birthday ko, pero hindi naman iyon ang mahalaga. Kimi na ngumiti ako. "Sa bahay lang po ako. Marami po ako tatanggapin na tahi sa sunod na buwan."
"Pumunta ka rito, anak. Ipagpapansit ka ng Mama Anya mo. Saka 'wag ka munang umalis ngayon. Palagi kang nagmamadali. Minsan ka na lang naming makita. Nami-miss ka na namin ng mama mo o."
Tinawag ako ni Mama Anya sa kusina. Nagpatulong na magbalot ng shanghai. Iyon daw ang ulam sa hapunan. Gusto rin ako na makakuwentuhan. May mga tanong sa akin tungkol sa huling trabaho ko. Kasi nagreklamo raw ito sa backer na nagpasok sa akin.
BINABASA MO ANG
South Boys #3: Serial Charmer
RomanceShe may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haughty façade. Then she meets Isaiah, who sees through her from the get go, an existence that threatens...