Chapter 51

86.5K 4.8K 4K
                                    

I WAS NOT HERE FOR HIM.


Nandito ako para kay Vien. Para sa anak namin. Tinalikuran ko na siya para tumuloy sa bahay nila nang muli niyang hulihin ang aking braso. Gulat na napatingala ako sa kanya dahil nasa harapan ko na siya.


Ang mga mata niya na kakulay ng kalangitan sa gabi ay malamlam na nakatunghay sa akin. Wala naman siyang sinasabi kaya naguguluhan ako. Ano ba ang problema niya?!


Hihilahin ko na ulit sana ang aking braso nang bumukas ang screen door sa bahay nila. Lumabas mula roon ang mama niya. "Ano ba 'yan, Isaiah? Ang ingay-ingay mo!" May sasabihin pa ito pero napatingin sa gawi ko. "Vivi, nandito ka pala. Anong nangyari sa 'yo? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko?"


"Pasensiya na po kasi—"


Napatingin din ito sa aking braso na hawak-hawak ni Isaiah. Napalapit ito bigla nang makita ang mga galos at pasa sa balat ko. "Anong nangyari sa 'yo? Sino ang may gawa niyan?!" Mas galit pa pa ito at tila handa nang manapak.


Si Tita Roda sa katapat na bahay ay napalabas na rin. Nakiusyoso ito at nang makita rin ang aking braso ay nagalit na rin. "Aba'y sino ang tampalasan na nanakit sa 'yo, Vivi?!"


Nagkagulo-gulo na sila dahil pati ang papa ni Isaiah at si Tito Kiel ay nagsilabasan na rin. Si Vien ay napalabas na rin at nang makita ang mga galos ko ay nagsimula na itong umatungal.


"Mommy ku!" Nagpapasag ito. Napahiyaw si Isaiah nang kagatin bigla ng bata ang kamay niya. "Daddy ku, baket mo bugbug Mommy ku?! Bad ka!"


"Hindi ako!" Impit na kandamura si Isaiah dahil kinagat ulit siya ni Vien. Kundi pa ito nadakma ni Tito Kiel palayo ay uulit pa ulit.


"Hindi si daddy mo ang may gawa nito, baby," nagpa-panic na paliwanag ko dahil pulang-pula na si Vien. Talagang galit ito. Pero dahil sa sinabi ko ay napakalma na ulit ito.


"Ay, hinde pow ba?" Umamo na ulit ang mukha ng bata parang mabait na tuta. "Daddy ku, sowrry!"


Ang mama ni Isaiah ay bubulong-bulong sa gilid ko, "O ano, Isaiah? Kung sakali, alam mo na kung kanino sasama ang tiyanak niyo!"


Madilim pa rin ang mukha ni Isaiah pero hindi naman nito pinagalitan si Vien.


Sa bahay nila ay pinanood muna ng papa ni Isaiah si Vien ng TV, at pagkuwan ay saka nila ako kinausap. They asked me why I was gone for two days. They were worried, so I told them the reason. That I got sick.


"Naku, wala man lang kami kaalam-alam na nagkasakit ka. Akala namin ay OT ka lang sa trabaho mo." Napaling ang mama ni Isaiah. "Sino ang umasikaso sa 'yo? Ayos ka na ba?"


Si Isaiah pala ay kanina lang ding madaling araw dumating. Nag-aalala na kasi ang mama niya kung bakit hindi ako nakakapunta at bakit hindi rin ako sumasagot sa mga chat at tawag. Kaya tinawagan na siya nito para alamin kung ano ang nangyayari sa akin.


Napayuko ako dahil naistorbo pa ang trabaho ni Isaiah. Napauwi pa tuloy siya nang wala sa oras dahil sa akin. Kung hindi pa ako dumating ngayon ay baka pumunta na siya sa bahay.

South Boys #3: Serial CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon