CHAPTER 8

267 25 4
                                    


"Tal!" Sigaw ni Khaleesi sa labas ng room ko.

I sighed before closing my laptop, standing up I walked to the door and opened it just enough to see her standing in front of my door, arms crossed and brows furrowed.

"Anong problema?" I asked and studied her.

"Goodness, Taleigha Svetha, nandito tayo para mag relaxed hindi para mag trabaho!" Parang nanay na saad nito sa'kin.

Tumaas ang kilay ko. "I'm relaxing." Kalmado kong sagot.

Nalaglag ang panga nito sa sinabi ko at napahilamos pa ng mukha, tinitigan ko naman s'ya wala namang masama sa sinabi ko, I'm relaxing inside my room reading some cases.

Nothing new.

"Relax? Kagabi ka pa nasa loob ng kwarto, what if mag enjoy ka diba? Diba? Agent Taleigha Svetha." Puno ng sakrasimo ang boses nito.

Maliit akong natawa. "You're being sarcastic, Atty. Iverson."

Tumawa s'ya. "I just want you to experience having fun, Agent Svetha."

"I told you I'm already having fun, Atty. Iverson." Pangagaya ko sa boses n'ya.

Umirap s'ya pero agad ding tumawa, hinawakan n'ya ang kamay ko saka muling umirap.

"Tara na, breakfast tayo." Pag aaya nito.

"Okay, let me get change first." Saad ko tumango naman ito.

Pumasok s'ya sa loob na parang bahay lamang n'ya, umupo s'ya sa may couch at pinaandar ang tv naghanap ng channel bago binuksan ang cellphone, sumulyap ito sa'kin at pinanlakihan ako ng mata.

"They're waiting for us, dalian mo mag bihis,"

"Sige, Mahal na prinsesa," Malaki ang ngiti kong saad pabalik.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko para magbihis binuksan ko ang traveller bag na dala ko, Nagpalit lamang ako ng isang sweat pants, isang shirt at isang oversized hooded jacket hindi ko tinaas ang zipper n'ya para hindi ako mainitan, kinuha ko ang phone ko at wallet saka lumabas ng kwarto.

Naabutan kong prenteng nakaupo si Khaleesi sa couch kung saan ko s'ya iniwan nang maramdaman ang presenya ko ay agad s'yang sumulyap sa gawi ko, pinasadahan n'ya ng tingin ang suot ko.

"Pwede na," Saad n'ya sabay tango tango.

Tumayo s'ya at inayos ang buhok n'ya nakasuot lamang s'ya ng A line long sleeve chiffon dress, isang sandal na kulay puti rin at dala n'ya ang kanyang purse lamang at cellphone.

Lumabas s'ya, sumunod din ako at saka sinara muna ang pinto bago kami nag lakad, hindi na kami sumakay sa elevator nag hagdan na lamang kami, may tumawag sa kanya sa cellphone n'ya, sinagot n'ya naman ito kaya habang naglalakad kami ay tahimik lamang ako sa likod n'ya.

Pagbaba namin ay dumiretso kami sa loob ng restaurant, Natanaw ko agad si Izan na nakaupo, si Annistyn naman ay nakahilig sa likod ng upuan n'ya, prente lamang silang nag aantay sa pag dating namin, ipinalibot ko ang paningin ko ng makitang kulang kami ng isa.

Paglapit namin sa kanilang table ay naghila na kami ng upuan, nag antay ako ng ilang minuto pero walang Kaito na dumating.

"Where's Kaito?" Tanong ko sa kanila.

"Wala pa, Baka pababa na 'yon," Si Annistyn.

Dumating ang isang waitress at tinanong kung anong order namin, naunang nag salita si Annistyn at sinabi ang gusto nyang orderin na agad naman isinulat ng babae sa papel na hawak n'ya.

"Give me, one fried egg & toast with fried vegetables,"

"Fried eggs & toast with steamed vegetables,"

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now