CHAPTER 7

278 28 2
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising, maaga naman akong nagigising pero mas maaga nga lang ngayon dahil alas singko pa lamang ng madaling araw ay gising na ako at nag aayos, pumasok ako ng banyo at naligo, mabilis lamang ang ginawa kong pagligo dahil bukod sa wala pa akong maayos na tulog ngayong mga nagdaang araw ay malamig pa ang tubig.

Nagpalit ako ng isang small black shirt, it was almost a crop top but not a crop top, I layered it with a steampunk shoulder leather pauldron, wearing a black high waist cargo pants as my bottom.

Lumapit ako sa mga lalagyan ko ng sapatos, kinuha ko ang isang black lace up leather buckle boots, lumapit naman ako sa vanity table ko at naghila roon ng upuan, sa gilid nito ay isang malaking drawer, kumuha ako roon ng isang half finger leather gloves at saka sinuot 'yon sa kamay ko.

Huli kong kinuha ay ang aking susi ng motor at ang cellphone ko, lumabas ako ng apartment ko dala ang aking traveller bag, Paglabas ko ng apartment ay saktong nakita ko agad si Kaito na nakasandal sa isang Van, gaya ng palaging gawi nakasuot na naman ito ng kanyang coat.

Lumapit ako sa kanya, pumasok kaming sabay sa loob ng Van, nang makaandar ang Van ay sinundo na namin sina Izan, Annistyn at Khaleesi, inabot kami ng dalawang oras sa pagsundo sa kanilang tatlo, mabuti na lamang ay mahaba ang pasenya ng driver ng van sa amin.

Napailing iling ako ng magkakatabi na sila sa likod tatlo, Todo reklamo pa si Izan na ang dala lang ay isang bag pack dahil pinadala sa kanya nila Khaleesi at Annistyn ang kanilang mga bags, s'ya rin kasi ang nag alok, nasa tabi ako ng driver umupo, sa may shot gun seat, sila Kaito at Izan ang magkatabi habang sina Khaleesi at Annistyn naman ang magkatabi.

Umabot ng isang oras ang pagbyahe namin, sumakay kami ng eroplano bago kami nakarating sa resort na sinabi sa amin ng head namin ay mag gagabi na, bumaba kami ng Van na sinakyan namin mula airport papuntang resort.

Pumasok ako sa loob at ako na ang kumausap sa receptionist, pinakita ko rin ang aking saang invitation card, may nag asikaso sa amin ng mabilis nang makita ang dala ko, tinulungan ko si Khaleesi sa kanyang dala na apat na bag, hindi ko na tatanungin ang laman nun, si Izan naman ang bumuhat ng ibang gamit ni Annistyn paakyat, si Kaito ang bumuhat ng ibang gamit sa van na dala namin.

Hinatid ko si Khaleesi sa kanyang kwarto bago ako pumunta sa room number ko, Iniswipe ko ang aking card na hawak bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang magandang loob, Mula sa labas ay dama na agad ang malakas na aircon sa loob, pumasok ako at sinara ang pinto.

Nilapag ko sa may table ang aking traveller bag na dala, nilabas ko ang aking laptop, tinext ako ng aking head nag reply naman agad ako na nakarating na kami sa resort, Magpapahinga muna kami ngayong gabi dahil bukas magaganap ang kasal.

Binasa ko lamang ang mga dinala kong Importanteng mga cases na ako mismo ang may hawak, mga bandang eight ay may naghatid ng pagkain sa'kin, nagpasalamat ako at sinara ang pinto, matapos kumain ay nagbasa akong muli, bandang ten ay nag half bath ako bago sumampa sa may malambot na kama at natulog.

Kinabukasan ay bumaba ako para puntahan silang apat, nasa likod na ako, tanaw ko na ang dagat mula rito, napakalinaw at napakalakas pa ng hangin, isa isang dumating sila Khaleesi, Izan, Annistyn at Khaleesi.

Napailing ako ng makita ang kanilang mga suot, Kaito is wearing a beige colored tuxedo suit set, he's standing manly behind the ladies, Izan is also wearing a classic blue and white tuxedo suit set, Annistyn is wearing a pink halter sequin dress with a purse in her hand, while Khaleesi beside her is wearing a Floor Length Emerald dress, hugging their curves paired with a stiletto, while I on the other side choose to wear a chiffon long sleeve and a white wide leg high waist jeans, I paired it with a chain necklace.

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now