CHAPTER 49

207 18 1
                                    

In life we only regret something after we've done an action, and the outcome was what we didn't expect to.

Nothing in this world can fullfil someone's greed, unless they know what satisfaction really means, in life we need to set our greed in order to live a peaceful life, if we keep craving something that is out of our control we will only act unruly.

Recklessness can lead to death.

And death can lead to regret.

That's human nature.

Biglang may kumatok sa harapan, nag angat ako ng tingin agad kong nakita ang mga mata ng isang pulis na mas matalas pa sa kutsilyo, Tumayo ako at lumapit doon, binuksan n'ya ang rehas.

Lumabas ako kasama s'ya naglakad kami sabay sa hallway sa pagitan ng mga rehas, maraming nakatingin sa'kin, maraming nakangisi na tila gusto akong sakmalin kung lalaki lamang ako ng kaunti.

Hindi na ako nagulat ng may biglang tumayo sa isang nadaanan namin agad nitong nilabas ang kanyang kamay sa maliit na butas at saka diretso akong sinakal, nataranta ang pulis na kasama ko.

"Mamamatay ka na!" Sigaw nito sabay diniinan ang pagkakasakal nito sa'kin.

"Lahat naman." Walang kagana gana kong sabi, ngumuso ako saka tinangal ang kanyang kamay sa'kin ng walang kahirap hirap kahit pa nakaposas ako.

Hinarap ko ang pulis na nabitin ang kamay sa ere, I tilted my head left and right, pinatunog ko ito saka s'ya pinasadahan ng tingin bago humarap at nagpatuloy sa paglalakad.

"You can't even do something, yet you call yourself a police, pathetic." I said as we continued walking, mukhang may nandito na naman para sa'kin.

Umirap ito. "Natural lang sa presinto ang mga gan'yan, ano bang inaasahan mo magiging prinsesa ka ri–"

"Oo." Humarap ako sa kanya saka ngumiti.

"Ikaw–"

"Ano ba 'yan ang tagal n'yan, kanina pa nag aantay 'yong lalaki sa labas!" Sigaw ng mas mataas ang rango sa kanya.

Napayuko ito, ngumisi ako saka nagpatuloy sa paglalakad sa likuran n'ya, dumiretso kami sa labas, nakita ko agad ang maraming table kung saan may mga kausap ang bawat detainees, mukhang mga dalaw nila.

Saglit akong nagtaka ng umikot pa kami at huminto sa isang pintuan, pinaharap ako nito sa kanya saka may gigil na tinangal ang posas ko bago ako pinapasok sa loob, pinatunog ko ang mga daliri ko saka inunat ang mga kamay ko bago pumasok sa loob.

Natigil ako saglit ng natanaw ko ang isang pamilyar na bulto sa may 'di kalayuan.

"Atreus," I called.

Nakayuko ito sa nakatukod n'yang mga siko agad itong tumayo saka tumakbo papunta sa'kin, agad ako nitong inamba ng yakap, natulos ako sa kinatatayuan, nanginginig ang kanyang katawan ng niyakap n'ya ako.

Nangangatog pa ang kanyang mga kamay ng umalis s'ya ng yakap saka hinawakan ang aking mga balikat, inikot n'ya ako ng dalawang beses, tinignan nito ako mula ulo hangang paa, tila sinusuri kung may mga sugat ba ako.

"Let's sit down." I started as I am out of words to what to say.

"O-okay..." Mahina nitong sagot.

Umupo ako sa upuan na kaharap lamang n'ya, bawat galaw ko ay nakatitig sa'kin si Atreus, walang pinapalampas ang mga mata nito, nang makaupo ako ay tinignan ko s'ya.

"How are you?"

"How are you?"

Magkasabay naming sabi, I smiled a bit as he's still the same the caring one, I leaned my back on the chair, putting my palm on my thigh and on the table.

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now