CHAPTER 34

206 18 10
                                    

I stared at Atreus Ludvik Safronov who's also staring at me, his painting, the way his art looks so fine as if he was skilled in this field, I didn't know, none of us speak, both are only staring at one thing, not clueless, only comfortable in silence.

"Magaling ka pala mag drawing, bakit stick nasa poster doon." Sambit ko sabay turo sa kanang bahagi.

"Practice lang 'yon, draft draft lang." He shrugged before looking away.

Umayos s'ya ng upo sa tabi ko, tinangal ko ang floppy hat na suot ko kanina saka nilagay sa may gilid nasa hita ko ang canva, Tinayo ko ito saka sumilip kay Atreus Ludvik Safronov na ngayon ay kumukuha ng mansanas sa basket, unlike yesterday his only wearing sando and pants with his chain necklace.

His tattoos over his body was all visible now, the snake pattern on his right neck, and another symbols on his chest, tumayo s'ya saka kinindatan ako, nagulat ako ng bigla nitong hinubad ang sando n'ya, hinagis nito sa picnic blanket namin ang damit n'ya, pinaglaruan n'ya ang mansanas sa kamay.

"Your tattoo artist seems to be lucky," I muttered as soon as I saw the another pattern of snake in his waist, para itong kakalabas lang ng pantalon n'ya na gumagapang paakyat, it's almost as if the end of that pattern was on his private part.

A sly smirked formed on his lips. "Nag seselos ka noh? Hala ka."

"Tumigil ka." Agad kong sabi. "Your piercings does it hurt?" I carefully asked.

Hinawakan n'ya ang mga bilog na mga hikaw n'ya sa kanang bahagi ng tenga n'ya, it doesn't hurt was it? But it looks painful though, three piercings in one ear.

He smiled. "Hindi naman," Sabi n'ya habang tinatangal ang isa.

"No, don't." Pag pigil ko sa gagawin n'yang pagtangal para ipakita sa akin.

Ngumisi s'ya. "Concern ka na ba sa'kin ngayon, Fbi Agent Taleigha Svetha."

Ngumisi rin ako. "Oo, mukha kasing kagat lang ng langgam iiyak ka na."

"Grabe ka naman, ano pa bang kayang gawin ng bunganga mong 'yan?" Umirap s'ya saka tumingin sa ibang direksyon.

I smiled. "Probably insult you while smiling."

Umirap pa s'ya lalo. "Wala talaga akong panalo sa'yo sige Ikaw na tama." Kaunti na lamang ay papalakpak na ito.

"Kailan ba ako naging mali?" Nagtataka kong tanong.

"Tignan mo oh pr–"

"I advise you to choose your words very very carefully." I interrupted him.

Tumawa s'ya. "Sabi ko nga, Babae palaging tama, ako mali mali, ako sorry sorry, wag na gagalit, ngangagat ka na naman. Ako kawawa, wala laban." Mababang sabi n'ya na hindi ko naintindihan.

"Huh?"

Umiling s'ya. "Wala sabi ko ang ganda mo po, kahit tapakan mo ako, ako pa magsosorry."

I rubbed my forehead. "You're really weird..."

He winked. "Kaya nga bagay tayo." Malawak ang ngiti nito sa labi habag sinasabi 'yon

"I don't get it." Paanong bagay kami? Mas malala pa kay Khaleesi ang isang 'to.

"Matalino ka naman diba, kaya mo na 'yan, hay naku Taleigha." Inayos pa nito ang magulo n'yang buhok.

"Ginagaya mo ba ako?"

"Oo naman, Sabi ko sa'yo idol kita eh."

"Shut it." Asik ko, maski ako ay naguguluhan sa pinag uusapan namin.

This is the first time I had a conversation that even I don't know where it should leads on, or what are we even talking about, I don't get it, why do I feel like I'm flustered over this, this is new. What is this feeling.

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now