CHAPTER 47

181 18 8
                                    

Ready to say goodbye?
____________________________

Pinaharurot ko ang motor ko at saka pumantay sa Tesla ni Atreus, tumingin kami sa isa't isa, ngumisi ako ng makita ko ring nakangisi s'ya, mukhang matapang ang bata n'yo ngayong gabi.

We counted to three before beginning to race, nasa tab ko na ang location, mabilis pa ang pagpapaandar namin ni Atreus na halos magitgitan na ang motor namin, muntik na akong mapamura ng may biglang sumingit na sasakyan sa harapan ko.

Hindi pa ako nakakaurong ng may sumingit na motor sa harapan ko, tatlong sasakyan na ang nasa harapan ko nasa unahan si Atreus, Mula rito kitang kita ko ang ngisi ni Atreus sa salamin ng kanyang sasakyan habang nakatanaw sa'kin.

You left me no choice.

Binagalan ko ang pagpatakbo ko saka hinigpitan ang hawak sa grip, humarurot ako papunta sa likuran ng dalawang sasakyan, Mula roon ay pinalipad ko ang pagpatakbo ko sa kanilang mga bubong,  binalanse ko ang katawan ko saka pinaikot ang motor ko sa ere para mas mabilis akong lumanding sa harapan ng Tesla ni Atreus.

Tinaas ko ang window ng helmet ko saka lumingon sa likod kita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Atreus, he wasn't insulted he was even amazed, nginisian ko s'ya saya binaba ang window ng helmet ko at humarurot ng takbo nauuna sa kanya.

Nagigitgitan kami sa gitna ng daan, para kaming nag aaway, naghahabulan sa gitna ng malawak na kalsada, madilim at street lights lamang ang ilaw, Tama lamang para makita ang nasa unahan, may mga Ilan na tinitignan kami akala ata ay nag aaway kami.

Napapailing na lamang ako saka humarurot ng takbo nauuna muli kay Atreus, nakaabot agad s'ya sa'kin, bumukas ang isang gate ng mansyon, sabay kaming nag u turn papasok, sabay din naming itinigil ang kanya kanyang sasakyan sa gilid ng red carpet, umupo ako ng maayos, tinangal ko ang helmet ko saka nilapag sa hita ko.

Sumulyap ako kay Atreus na pababa na sa kanyang sasakyan, hinagis ang susi sa lalaking nasa gilid, bumaba na rin ako saka binigay ang susi sa nakaabang din sa'kin, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri, sabay kaming naglakad ni Atreus sa gitna ng carpet.

Kitang kita ko ang pagkamangha at pagkunot ng noo ng mga nasa labas kanina na nakita ang pwersa ng pagpasok namin, mukhang ngayon lamang sila nakakita ng ganoong pangyayari.

Binigay ni Atreus ang invitation sa lalaki saka kami tuluyang pumasok sa malaking pinto, pagtapak ko pa lamang sa loob ay nakakuha na agad ako ng maraming mga mata, nilagay ko ang mga kamay ko saka lumapit sa tabi ni Atreus.

Parehas kaming naka suit, natanaw ko ang lalaking papalapit sa gawi namin, ito ata ang kaibigan na sinasabi ni Atreus, bumati sila sa isa't isa, sakto ring may dumaan na waiter sa tabi ko, kumuha ako ng isang wine glass ng hindi nito namamalayan pag lingon ko ay nakatingin na sa'kin ang dalawa.

"Is this... Her?" The man examined my body like a scientist in the midst of experimentation.

"Yes, Taleigha Svetha, my girlfriend." Atreus' said smiling.

The man offered a handshake which I gladly took. "Octavian Kafile, Count's son."

Tinangal ko ang kamay ko na nasa bulsa  saka tinangal ang pakikipag kamay n'ya nakangiti ito na tila namamangha sa nakikita.

"Taleigha Svetha, FBI agent." I said and released his hand.

"Do you know Atreus? This man is a womanizer. Sure ka bang gusto mo 'tong lalaki 'to? Marami pang iba d'yan baka namali ka lang ng bingwit, friendly advice ha." Bigla nitong sabi.

"I can hear you." Atreus replied.

"Atreus is a womanizer? Never heard of such thing." Sumimsim ako sa rim ng wine glass na hawak ko.

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now