CHAPTER 32

209 16 8
                                    


Hinawakan ni Atreus Ludvik Safronov ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa n'ya, ngumiti s'ya saka ako hinila papunta sa may tabing dagat, malakas ang hangin kaya saglit akong napapikit.

Magkawahak kamay kaming tumatakbo sa gilid ng dagat, sa gitna ng malakas na simoy na hangin na sumasabay sa bawat yapak namin, sa ilalim ng tirik na araw nasisilayan ko ang malawak na ngiti ni Atreus Ludvik Safronov sa kanyang mga labi.

Tumigil s'ya saka ako nilapitan, pinagsiklop nito ang aming mga palad, nakakatuwa isipin kung bakit hinahayaan ko s'ya na gawin ang mga 'to, mga bagay na walang nakakagawa sa'kin, tila kumportable ang katawan ko sa kanya.

"Taleigha, we're going to the my city."

I glanced at him. "Your city?" Tanong ko.

Tumango s'ya. "Yes, my city, pero if gusto mo pwede namang our, sabihin mo lang, alam mo namang your wish is my command. Ma'am." Natatawa n'yang saad.

"Hmm, pag isipan ko." Balewalang sagot ko.

Huminto kami sa isang yacht, tumingin si Atreus Ludvik Safronov sa'kin, nakatitig ako sa yacht na nasa harapan ko, sasakyan ba namin ito papunta sa kabila? O kung saang lugar man ni Atreus gusto pumunta?

Atreus Ludvik Safronov cleared his throat to get my attention. "Hindi tayo sasakay d'yan, Wala na akong pera, ang toto n'yan Taleigha mahirap lang ako," naiiyak na sabi nito.

Tumingin ako sa kanya. "Umiyak ka lang, aantayin kitang matapos."

Umasim ang mukha n'ya. "Hindi mo man lang ako icocomfort?"

"Hindi mo kailangan nun, malaki ka na."

Ngumuso s'ya. "Sabagay. What you said is true but don't say it again, masakit sa heart." Saad n'ya saka umayos ng tayo.

Naglakad kami palapit sa isang bangka, tinignan ko si Atreus Ludvik Safronov, Kumunot ang noo ko, kaya ba n'ya sumakay sa ganito? Sa kinis ng balat n'ya at sa tikas ng katawan n'ya parang hindi ata nito kayang sumakay sa ganito.

"Sasakay tayo here," tinaas nito ang mga kamay ko saka pinaglaruan.

"Ikaw?" Kaagad na lumabas iyon sa bibig ko.

Bumagsak ang balikat n'ya. "Marunong ako,"

"Hindi halata." Sagot ko, pinanood ko s'yang maunang sumakay sa loob.

Nakatayo s'ya sa loob ng bangka, binabalanse ito, tinitigan ko s'ya, pinag iisipan ko pa kung safe ba na sumakay ako dito kasama s'ya. Inilahad n'ya sa'kin ang palad n'ya, tinangap ko naman 'yon saka sumampa sa bangka, umalog ito pero hawak ako ni Atreus at agad n'yang nabalanse ang bangka.

Umupo ako sa dulo, habang s'ya ay nasa harapan ko sa isa pang dulo, may isang table sa gitna namin na may inumin at saka pagkain, lumapit sa amin ang isang lalaki na kanina pa nakamasid sa amin kasama ang mga kasamahan n'ya.

"Ma'am, do you need parasol?" Magalang na tanong n'ya.

Tumingin ako sa langit, iniangat ko ang palad ko sa silaw nito saka umiling sa lalaki. "No need, thank you."

"Are you sure ma'am? Your skin might get burned,"

"No, Thank you." I said not bothering to look at him.

Atreus Ludvik Safronov give the man a look that I don't know what it means, nakayukong umalis ang lalaki saka naman kinuha ni Atreus Ludvik Safronov ang mga pang sagwan.

"Kapit ka Taleigha baka mafall ka sa'kin."
Nakangising saad nito.

"Ingat ka Atreus Ludvik Safronov baka magulat ka nasa ilalim ka na ng tubig."

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now