CHAPTER 12

270 25 12
                                    


Nasa ganoong posisyon kami ng dumating ang mga pulisya, binitawan ko s'ya at saka itinulak papunta sa leader ng grupo sa kaso na 'to agad naman nilang pinosasan ito.

Nakita ko rin ang mga kasama n'ya, ang mga tauhan ng gang na 'to na nakadapa habang nasa likod nila ang mga pulis, Inisa isa kong tignan ang mga ito, sabay sabay kaming lumapit sa kanila.

Nang sinubukan tumayo at manlaban ng lalaking nakadapa sa gilid ni Izan ay agad n'ya 'tong hinampas ng baril.

"Tatayo pa nga,"

Lumapit sa'kin silang apat, nag apir sina Khaleesi, Izan at Annistyn, lumapit naman sa'kin si Kaito, he scanned my body.

"Are you alright? You should have told us that you're handling a big case," Puno ng pagaalala ang boses ni Kaito.

"It's nothing," I shrugged. "It was urgent, that's why I called you four for back up." I replied.

Iniwan ko na si Kaito saka lumapit kay Khaleesi na ngayon ay papasok na sa kanyang sasakyan, huminto s'ya ng makita ako.

"Sasabay ka sa'kin, Tal?" She offered.

I shake my head. "Naiwan ko 'yong motor ko, malapit lang dito." Sagot ko.

"Ah, sabay na tayo uwi? O mauuna na ako?"

"May kaso ka ba tomorrow?"

Tumango s'ya. "Oo, may hearing ako tomorrow, 6 am."

Ako naman ang tumango. "Mauna ka na, tapusin ko lang 'to." Saad ko.

Pumasok s'ya sa kanyang sasakyan, pinaandar n'ya 'to at ng humarurot s'ya ay kumaway ako sa kanya ng mahagip ng mata ko na nakatingin s'ya sa sa mirror ng sasakyan n'ya sa gilid.

Nang makaalis s'ya ay sakto namang paglapit sa'kin ni Izan at ni Annistyn.

"Both of you, thanks for your help tonight,"

Ngumisi si Izan. "Wala 'yon boss, duty ata natin 'to."

"That's right, Igha, Mamaya ka pa ba uuwi? Mauna na rin kami sa'yo?" Tanong ni Annistyn sa'kin.

Tumango ako. "I need to finish what I need to," I paused. "Where's my Aegan?"

"Hinatid na namin ni Khaleesi sa apartment mo kanina, nasa apartment mo na 'yon inaantay ka." Annistyn said, a relief flashes in my face.

Nauna na silang dalawa, sabay pa silang umalis, kumaway pa sa'kin si Izan bago humarurot ng takbo napailing ako sa kulit ni Izan, tumalikod na ako sakto namang nasa harapan ko si Kaito.

"You'll still stay here? It's already midnight,"

I almost let out a laugh. "Kaito, I am an agent, I am no lady something who need to get home before midnight."

"Oh, right I almost forgot, what time you will go home?" He averted the topic.

I glance at my wrists watch. "I don't know, I think maybe around one, after this."

Sakto ring pagsabi ko nun ay tinawag ako ng mga kasama kong pulis marahil ay babalik na kami sa presinto.

"I'll go with you,"

I turned my gaze at him if he's serious or what, He looked at me like he wouldn't take no as an answer.

"Okay," I shortly replied after a second.

Sumakay ako sa motor ko na kadadating lang, mabuti na lang talaga at high tech and advance ang motor ko, Hindi na ako nahihirapang iwan ito dahil kahit nasaan s'ya ay nattrack ko pa rin pabalik.

Sumampa ako roon, saka naman pumasok sa sasakyan n'ya si Kaito ng makitang nakasakay na akong muli sa motor ko.

Humarurot ako ng takbo papuntang presinto, sampung police cars din ang nasa harapan ko, mga nahuli namin ngayong gabi, binasa ko ang labi ko ng biglang umihip ang malakas na hangin, nadama ko 'to kaya napapikit ako saglit at agad ring nagmulat ng mga mata.

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now