Taleigha Svetha
Everything was black in my vision, nothing was worth living.
I was born from grief and lived for revenge. I didn't expect how life will blew me away, i didn't stray path I can sense that somehow life is finally worth living.
A small smile formed in my lips as I saw Atreus in my living room, nakakatawa kasi I've been at his house at masasabi kong triple ang laki nito sa bahay ko, baka nga hindi pa triple sobra pa, sobrang laki na kapag binenta mo makakabili na rin ako ng mansion, Hindi ko alam bakit mas pinipili n'yang matulog dito kesa sa bahay n'ya.
"Atreus, what are you doing?" I asked as soon as I entered the kitchen.
Atreus was wearing an apron while being shirtless, his well toned back was clearly exposed on my eyes, while he is busy and very focused on cooking, masarap na naman ata ang niluluto n'ya, nagkalaman din ang refrigerator kong dog food at processed food, kaunting gulay at puro tubig, ngayon ay dalawa na ang ref ko sa hindi ko malamang dahilan, sabi n'ya para busog daw s'ya habang nandito pero sa'kin lang naman n'ya pinapakain lahat.
"Hello, CS, did you sleep well? Kiss mo ako rito." Saad n'ya saka nginuso ang labi n'ya.
Tinitigan ko s'ya na awang ang labi. "Focus on your work."
"Ay ganoon, sige tapon ko toh maglalayas na lang ako, pabayaan mo na lang ako." Nakasimangot na sabi n'ya sabay pairap na tumalikod sa'kin habang hinahalo ang niluluto n'ya.
"Hmm, okay." Sagot ko saka sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay bago ako naglakad papunta sa table.
"Tignan mo 'toh hindi mabiro," Kabadong saad n'ya saka ako pinaghila ng upuan. "Parang jokie jokie lang, parang 'di nagmamahalan eh, biro lang 'yon syempre kasi paano ako pag wala ka na, edi namatay ako ng maaga." Mahabang litanya n'ya na may kasamang hand gestures sa dibdib n'ya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Sino ba nagsabing pinapalayas kita, nag volunteer ka."
Lalong bumagsak ang balikat nito. "Oo na nga po, kasalanan ko na po, tatake back ko na po," parang bata n'yang sambit habang hinahalo ang kape ko at saka inabot sa'kin na agad ko namang kinuha.
"Bakit?" Tanong ko saka sumimsim sa kape na tinimpla n'ya.
"ehh ayaw ko ng wala ka eh," pasad n'ya. "Naplano ko na buong buhay natin 'do ako papayag na wala ka, kahit pumayag ka pa na wala ako, ako hindi." matigas n'yang sabi.
"Hmm, okay." Sagot ko saka nagsimulang kumain isa lang ang familiar ako na pagkain which is pandesal, hindi ko alam kung salad ba ito or what, masarap naman lahat ng luto ni Atreus .
Umupo na rin si Atreus sa harapan kong upuan, kagaya ng palagi naming gawi, na parang nakasanayan ko na rin, gigising ako sa amoy ng niluluto ni Atreus , sabay kaming kakain, ihahatid nya ako, saka sya papasok sa work tuwing lunch ay kukunin n'ya ang mga ASO ko saka dadaanan ako ng pagkain sa work at saka babalik sa office n'ya minsan ay sa bahay na lang n'ya ginagawa ang mga trabaho n'ya lalo kapag sabado, sinasabay n'ya ang iba n'yang paperworks sa paglalaba.
Kahit gusto kong tumulong ay hindi ako pinapayagan ni Atreus , sa groceries lang ako nakakatulong hinahayaan n'ya akong ilagay ang mga pinamili namin sa ref at saka minsan ay ako na rin ang naghuhugas, pinipilit ko namang hayaan n'ya ako pero mas matigas tallaga ang ulo ni Atreus kesa sa kalaban.
Inaya ko na rin s'yang mag hire ng maid, dahil nakakahiya ng parang ginawa kong kasambahay ang isang viscount ng royal palace, libre at walang bayad ko pang nakuha araw araw nga lang humihirit ng mga corny n'yang linyahan.
"Maaaga ka ba uuwi?" Tanong n'ya sa'kin.
Umangat ang tingin ko. "Why?"
Umiling s'ya. "Wala lang, gusto ko lang malaman, namimiss agad kita wala pa isang oras na 'di kita nakikita."

YOU ARE READING
NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNT
Random''Don't play games with a girl who can play better or you'll end up crying." -Teleigha Svetha