CHAPTER 30

230 18 9
                                    

Inilabas ko ang cellphone ko at saka nagtype ng message para kay Atreus Ludvik Safronov bago sumampa sa motor ko para umalis.

To: Atreus Ludvik Safronov

Where are you? Come at this street, I have something to tell you.

I didn't get any message so I placed my phone back to my pocket, pinaandar ko ang motor ko papunta sa paborito kong lugar, Gabi na kaya bukas na rin ang mga street and city lights, malamig ang hangin kaya halos lahat ng nadadaanan ko ay naka jacket.

Nagulat ako ng pagdating ko sa lugar ay nandoon na ang sasakyan ni Atreus Ludvik Safronov nakaparada sa may gilid, nasa loob pa ata ito, bumaba ako ng motor ko saka lumapit sa kanya.

"Atreus Ludvik Safronov," Katok ko sa bintana ng sasakyan n'ya.

Dahan dahan itong bumaba, nakita ko agad si Atreus Ludvik Safronov na prenteng nakaupo sa driver seat, naka leather jacket at pants ito ngayon, mukhang may pinuntahan s'ya ngayon base sa suot n'ya.

Ngumiti ito. "Ano pong satin officer? May driver's license po ako, ito rin po ang valid IDs ko," Tumigil s'ya saka tinangal ang shades na suot n'ya. "Pero kung mapilit po kayo pwede nyo na akong ikulong dahil nababaliw na ako araw araw kakaisip sa'yo."

My jaw dropped. "Are you drunk? Diba sinabi ko sa'yo huwag kang mag ddrive ng lasing ka." Binuksan ko ang pinto saka yumuko para amuyin s'ya, hinawakan ko ang panga n'ya, lasing nga.

"Lasing ka nga, anong nangyayare sa'yo Atreus Ludvik Safronov?" Tanong ko saka umayos ng tayo ng bigla ako nitong hinatak.

Niyakap n'ya ako. "Taleigha... B-bakit wala akong regalo?" Basag ang boses na saad nito. "Why did you prepared a gift for Kaito?" His voice was almost low. "What about me?" Doon tuluyang nabasag ang boses n'ya.

Nakayakap s'ya sa'kin at nakasubsob ang mukha n'ya dibdib ko kaya hindi ko makita ang mukha n'ya, Basta ang alam ko lang kaunti na lang ay iiyak na ang batang 'to.

"Did you get drunk because of that?" Lumayo ako sa kanya ngayon ay kita ko na ang itsura n'ya.

Yumuko ito at pinaglaruan ang mga daliri n'ya, kinuha ko ang shades na hawak n'ya saka nilagay sa isang lalagyan sa sasakyan n'ya.

"You don't need to answer that, nagseselos ka ba kay Kaito?"

"Hindi ah... Bakit ako magseselos?"

"Bakit parang iiyak ka na?" Tumawa ako sa pang aasar ko sa kanya, bumusangot ang mukha nito.

Pinaglaruan ko ang magulo n'yang buhok, lumayo ako sa kanya saka hinawakan ang kamay n'ya, pinalabas ko s'ya ng sasakyan n'ya. Naglakad kami papunta sa isang bench pinaupo ko s'ya doon at sinabing antayin ako.

Umalis ako saglit saka pumunta sa motor ko, kinuha ko ang bottled water na lagi kong extra bago lumapit kung saan ko s'ya iniwan.

"Drink this," Binuksan ko ang tubig saka inabot sa kanya. "Huwag kang magmamaneho sa susunod kapag lasing ka."

"Paano ako uuwi?" tanong n'ya habang umiinom.

"Bakit ka maglalasing kung alam mo pa lang uuwi ka pa?" Tumaas ang kilay ko sa tanong n'ya.

"Paano kapag may celebration?" Saad n'ya habang binaba ang bote.

Bumuntong hininga ako. "Magpahatid ka kung sobrang lasing ka na talaga, hindi ka naman tanga para umuwi magisa diba?"

"Paano pag walang pwedeng maghatid sa'kin?" Dagdag n'ya.

Ngumiti ako."Edi matulog ka sa kalsada."

"Paano pag walang kalsada?"

NOBLE SERIES#3: RULING THAT VISCOUNTWhere stories live. Discover now