Kabanata III

4.4K 214 129
                                    

A/N May nilagay ako sa external link na pwedeng pakinggan habang nagbabasa. ^^

-----

"ANO?" narinig ni Chloe na pagbulyaw ng kaniyang ina mula sa salas at bumuntong hininga. Siya ay nasa kusina, naglalagay ng dugo sa baso para sa kanilang bisita.

"Ano sa palagay mo, Chloe? Ang cute niya, 'no?" kinikilig na komento ni Millie na nakatayo sa tabi ng baso sa lababo.

"Cute?" Sumilip siya sa salas nang bahagya. Hawak ni Louis ang iskopeta niya.

Nagmamadaling lumabas ang bampira ngunit hindi bago bumulong ng, "Asa pa siya." Dala ang bandeha ng mga basong may dugo at kung nasaan nakapatong si Millie, sumunod siya sa salas at pinagsilbihan ng dugo ang mga naroon bago tumabi sa kaniyang ina sa sopa na kaharap ni Jonathan.

May bakas ng pag-aalala sa mukha ni Lorna habang ang ama niya ay tila sasabog na kung hindi lamang royal ang binatang kasama nila.

"Mawalang galang lang pero na kay Chloe pa rin ang desisyon," daing nito saka inabot ang kamay ng dalaga na nakapatong sa lamesa. "Will you marry me, Chloe Ashbourne?"

Hinila niya ang kamay at kumunot ang noo rito. "Para ano, magamit mo 'ko sa pang-iinis sa tatay mo?" Sumilay ang ngiti sa labi ni Jonathan. Tama si Millie. Cute nga ito, bagama't nakakairita lamang.

Nang mahawakan siya sa unang pagkakataon ni Jonathan ay naramdaman nito na hindi siya isang ordinaryong bampira. Nakatulong na rin ang kwintas na sa kaniyang leeg ay nakasabit. Kinompronta niya si Reina tungkol dito na isa sa mga elders na alam niyang matalino't mapagkakatiwalaan, kahit pa hindi sila madalas mag-usap. At dahil isang pure-blood ang dalaga ay ayon sa binata, she's a very eligible candidate as his bride.

"Napakababaw naman 'atang rason no'n para pumayag ako. At hindi tayo tao, kung magpapakasal man tayo, napakahaba ng panahong gugugulin natin nang magkasama. Ni hindi nga natin gusto ang isa't isa!" Napansin ni Chloe mula sa kaniyang periperalya ang pag-ismid ng lalaking Donovan, nagmamalaki sa tapang na pinamamalas ng nag-iisang anak. "Alam mo rin namang nagtatago ako. Ngayon pa ba 'ko lalabas? Ngayong nakabuo na ako ng bagong pangalan, ng bagong buhay?"

Inamoy ni Millie ang mga walang lamang baso at nangasim ang mukha rito. Pumunta siya sa kanlungan ni Jonathan, na nagtaas ang perpektong kurba ng kaniyang kilay. "Ito na lang ang sasabihin ko sa 'yo; pagkakataon mo na 'to, Chloe. Ang angkang Ashbourne ay isang maringal na pamilyang maraming naiambag sa kasaysayan. Ikaw na lang ang natitira rito. Hahayaan mo bang maglaho na lang sa hangin ang legasiyang ito? Dahil sa kaduwagan?"

"Wala kang alam—" Ang pahayag ng dalaga ay naputol nang manguna si Louis.

"Hindi sapat na dahilan 'yon para itaya ng anak ko ang kaligtasan niya."

Sa isang iglap, tumayo si Chloe at tila naglaho para lamang lumitaw sa paanan ng hagdanan. "Matagal na 'kong hindi isang Ashbourne. Gaya ng pagtakwil nila sa lahi nating mga bampira, iwinawaksi ko na rin ang apelyidong 'yon." At tuluyan siyang nawala, umakyat pabalik sa kaniyang silid.

Nagsimula siyang maglinis ng kuwarto, ibinabalik ang mga gamit mula sa maleta. Ngunit kahit umalis na ay dinig pa rin niya ang usapan sa ibaba dahil sa malakas niyang pandama.

"Hindi ko pababayaan si Chloe. She's my bride. Parang sinaktan na rin ako kapag sinaktan siya," turan ni Jonathan na muntik niyang ikaduwal. Ang determinasyon sa tinig nito ay nagpapahiwatig na tila pinal na ang pagpapakasal. Napahawak siya sa buwan sa kaniyang dibdib, isang manerismong hindi niya maiwanan. "Wala kang muwang sa mga nangyari kaya wala kang karapatang manghusga." Hindi hamak na mas lumakas ang boses ng binata.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon