Kabanata V

3.1K 175 77
                                    

NAGISING si Chloe sa ingay ng orasan. 6:00 a.m. Maaga pa para sa isang bampira ngunit pinilit niyang patayuin ang kaniyang sarili.

Sinilip niya si Millie na nakahiga sa unan niya. Mahimbing ang tulog nito at mukhang hindi pa babangon kaagad.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili sa banyo ay bumaba siya sa kusina para uminom ng dugo. Namumutla na rin kasi ang mukha niya. Hindi niya inaasahang gising pa ang Papa niya. Naglilinis ito ng iskopeta sa salas.

"Pa," bati nito sabay halik sa pisngi mula sa likuran ni Louis.

"Hmm... Kailangan mo ba ng tulong mag-impake? Gigisingin ko ang mama mo." Natawa nang mahina si Chloe habang patungo sa kusina.

"Kaya ko na 'to," sagot niya nang malakas.

7:00 PM.

Naging madamdamin ang pamamaalam ni Lorna at Louis sa nag-iisa nilang anak. Pinilit ni Chloe na maging matatag kahit sa loob niya ay isang komosyon ang nagaganap. Ayaw niyang mag-alala pa sila lalo.

"H'wag kayong mag-alala, Mr. at Mrs. Donovan. Aalagaan ko si Choe!" pangako ni Millie.

"Kailangan ko na pong umalis. Salamat Mama, Papa." Pagkatapos ng isang huling mahigpit na yakap, kung saan tila ayaw pa nilang bumitiw sa isa't isa, sumakay na si Chloe sa itim na limousine na ipinadala ng kaniyang magiging asawa para ihatid siya sa paaralan. Bumuntong hininga ito na hindi nakatakas kay Millie.

"Simula ngayon, pangangatawanan mo na ang buong pamilya ng Ashbourne."

"H'wag mo nang ipaalala, Mils." Kung noon ay nais niyang lumabas sa kulungan na kaniyang isip, sa takot, ngayon naman ay natatakot siyang mahuli dahil magpapakita siyang muli sa mga kapwa niyang pure-blood.

"Teka, alak ba 'to?" tanong ni Millie ukol sa bote ng red wine na natagpuan niya.

"Hindi tayo p'wedeng uminom. Dapat maganda ang unang impresyon nila sa atin. Puros pure-blood ang makakasalamuha natin sa paaralan na 'yon."

IBINABA ng nagmamaneho sina Chloe sa harap ng Neilson Manor na nagsisilbing tirahan para sa ilan sa mga pure-blood na nag-aaral sa akademya. Nasa tabi lamang ito ng lawa at napaliligiran ng mga puno kaya nahirapan silang ipasok ang sasakyan.

Mula sa labas ay mukha itong abandonadong gusali— nilulumot ang mga semento, namumutla ang pulang pintura. Ngunit sa kinatatayuan din nila ay kapansin-pansin ang lawak at taas ng gusali. Tila ipinatapon sila sa makalumang panahon sa hitsura nito, mala-banyaga ang disenyo.

"Ito na ba talaga 'yon? Nakakatakot naman dito!" sambit ni Millie.

"Tingnan natin." Bitbit ang maleta niya, lumapit sa pintuan si Chloe para kumatok.

Bago pa man niya ito magawa ay bumukas ang mahiganteng pinto. Bumungad sa kanila ang isang buto't balat na lalaking mahaba ang matigas na buhok at nakasuot ng nangungupas na amerikana.

"Chloe Ashbourne?" kumpirma nito.

"A-ako nga..." Napatingin ang lalaki kay Millie na nakatungtong sa maletang dala ni Chloe.

"At iyan ang iyong konsorte?"

"Umm..."

"Oo. Baka gusto mong tulungan ang aking Binibini na dalhin ang bagahe niya?" pagtataray nito na nagpa-arko sa kilay ng lalaki.

"Ako nga pala si Wilson." Kinuha niya bigla ang hawak na maleta ng pure-blood kaya napakapit sa mahabang manggas ni Chloe si Millie. Nilagay niya ito sa balikat niya at nginitian ng pagpapasensya. Umirap siya. "Kasambahay sa Neilson manor. Maaasahan ninyo kapag may kailangan pero nais ko lang ipaalala na hindi ako pure-blood pero hindi rin ako alipin. Aasahan ko ang respeto sa bawat isa sa inyo. Lalo na sa dwende," masungit nitong pagpunto.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon