1972
"Gusto mong maghiganti?" tanong ni Reina sa nagluluksang si Zachary na nanatili pa rin sa kastilyo. "Kung oo, sundan mo 'ko."
Dala ang katawan ni Marissa, nagtungo ang dalawa sa isang isla sa Pilipinas na nakapangalan sa isang Daniel Ashbourne, ang ama ni Chloe. Doon nagtatago ang natitirang mga tao. Ngayon ay kontrolado na ni Reina ang buong isla at sa panlabas ay aakalain ng iba na isa itong talyer ng barko.
Doon ipinreserba ni Zachary ang katawan ng yumaong nobya at tumulong sa mga nagkakasakit na tao.
Taong 1994, nagsimula ang Project Debonair. Nakumbinse na sa wakas ni Reina ang doktor na gamitin ang katawan ni Marissa para sa isang eksperimento na magbibigay sa mga tao ng kakayanan ng isang taong lobo.
Palpak ang mga naunang test subjects dahil hindi umaangkop ang kanilang DNA. Hanggang sa makakuha sila ng positibong resulta kay Anderson Helix. Nakuha niya ang lakas at bilis ng taong lobo pero may ilan ding hindi. Hindi siya umaasa sa buwan at nakokontrol niya kung kailan siya magbabagong anyo. Nagbunga ang pagmamahalan nila ng asawa niya ng isang sanggol ngunit napag-alaman nilang hindi namamana ang kakayanang ito.
Makalipas ang tatlong taon, ipinanganak si Tristan at ginawa rin sa kaniya ang eksperimento.
ISANG tao lamang ang makasasagot ng mga katanungan ni Chloe. Nag-desisyon siyang tumungo sa mansyon ni Reina. Sana nga lang ay maabutan niya ito.
Wala siyang ibang kasama. Ang pagsubok na ito ay para sa kaniya at para sa kaniya lamang. Ayaw na niyang may iba pang madamay. Masyado nang maraming nasaktan dahil sa kaniya.
Pinagbuksan siya kaagad ng mga bantay sa bahay ng elder. Kilala na siya ng mga ito dahil bata pa lamang siya ay ito na ang mga tapat na bantay rito.
Dumiretso siya sa silid-hintayan. Naabisuhan na niya ang mga katulong na ipagbigay alam kay Reina na naroon siya.
Ngunit nandoon na siya sa silid. Kasama nito si Zachary.
Nginitian siya ng doktor ngunit nag-iwas siya ng tingin dito. "Buti't nandito ka," pambungad niya sa elder.
Tumayo ito para salubungin siya ng yakap. "I'm sorry about what happened, Chloe." Hinaplos nito ang kaniyang likod.
Ibinalik niya ang yapos nito kahit wala na siyang nararamdaman. Kahit may itim na butas na sa kaniyang puso.
"Ayos na 'ko. Gusto ko lang malaman kung may iba pa bang dahilan kaya galit na galit sila sa 'kin." Pumuslit siya ng tingin kay Zachary na tahimik na nakaupo. "Well, sa 'ming pamilya."
"Maupo ka muna."
Sumunod siya sa paggiya nito. "Nainom ni Margeau ang dugo ko. May sinabi siya tungkol sa kakaibang lakas."
Nagpalitan ng tingin sina Reina at Zachary.
"Bakit ka nandito?" Sa unang pagkakataon simula ng kamatayan ng mga magulang niya ay kinausap niya ang doktor. "Nevermind. Hindi na 'ko nagulat. You're one of the most manipulative people I know. Mas malala ka pa kay Margeau kasi pinaniwala mo 'kong may kabutihan dyan sa 'yo. So ano? Anong mga kasinungalingan ang sinasabi mo kay Reina?" Animo'y susugod ito kay Zachary ngunit huminto lamang sa harap niya.
Matigas ang pagkakatingin ng doktor sa kaniya. Hindi ito kumikibo.
"He works for me, Chloe," sabad ni Reina.
"So... hindi mo lang inabandona ang tunay kong pamilya, kasalanan mo rin kaya patay na ang pangalawa kong mga magulang? Wow, Reina. Isa kang bayani!" bulalas niya rito.
BINABASA MO ANG
Bad Blood
VampireEver imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyembro ng angkang Ashbourne, ang nag-iisang pamilyang dumepensa sa mga tao, kailangan niyang magtago mu...