Kabanata XIII

1.3K 115 40
                                        

"AHH!" Nagising si Chloe sa pagkakahimbing sa kama niya. Si Millie, na nasa dibdib niya, ay nalaglag sa kandungan niya dahil sa pagnikmat niya paupo. Maging si Ariel ay nagising.

"Anong problema mo, Babae?!" sigaw ni Ariel sa kaniya sabay higa uli at talukbong ng kumot.

"Sabihin mong panaginip lang 'yon! Panaginip lang 'yon, 'di ba?!' tanong ni Chloe kay Millie na nagkukusot pa ng mata.

"Anooo?" naiirita nitong inkwira.

Hinihimas nito ang kaniyang sentido na parang malulunasan nito ang nadarama. "Ang sakit ng ulo ko. Pero ang naaalala ko. Parang naaalala ko na naglalapit ang... mukha namin... ni Tristan?"

Napaupo si Ariel. "Vampires don't dream, Chloe."

Tinitigan niya lang ang kaibigan. "Panaginip lang 'ata 'yon. Okay! Almusal na!"

Pagkatapos mag-almusal ay umalis na sina Chloe. Naimbitahan siyang muli sa mansyon ng mga Monroe. Sumama si Millie sa kaniya dahil gusto niyang bumisita muna sa punso nila at humingi ng pabor kay Jonathan para ipahatid siya. Ngunit may bumabagabag pa rin sa nauna, walang kapasidad managinip ang mga bampira.

"Wala ang papa mo?" pagbukas ni Chloe ng pag-uusapan habang naglalakad sila sa hardin ng mansyon. Ayaw na ayaw ni Jonathan sa parteng ito ng mansyon dahil sa sensitibong pang-amoy ng mga bampira pero gusto pa rin ni Chloe na manatili rito.

"Umalis. Nakikipag-pulitika na naman. Kumusta pala sa Academy?"

"H'wag na nating pag-usapan."

"Hmm... may nagpakita na ba ng interes sa mapapangasawa ko?" tukso nito habang nakataas ang mga kilay.

Tumawa siya nang mahina. "Asa pa 'ko."

"Alam mo, wala akong tiwala sa mga ituturo nila sa 'yo. Dapat siguro magkaroon tayo ng one-on-one session. O, 'di ba? Makakapag-bonding pa tayo at malay mo, mapa-ibig mo pa 'ko." Pinalo siya sa braso ni Chloe. "Pero pwera biro. Gusto kitang i-train nang personal. Ayos ba? H'wag kang tatanggi! Masasaktan ako." Ngumuso ito na parang bata.

"Baka naman gusto mo lang akong tsansingan, kamahalan."

"H'wag kang pakasisiguro. Nakatikim na 'ko ng mas masarap pa." Kumindat siya.

"Ang gwapo mo kasi talaga eh, 'no. Pero siguro tama ka. Sa tanda mong 'yan, tiyak marami kang nalalaman," ganti nito ng asar na nagpahinto kay Jonathan sa paglalakad.

"Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong maparusahan," seryoso nitong pahayag.

Nagpipigil ng ngiti si Chloe habang nakatalikod dito. "At ano naman ang gagawin mo? Papatayin ang natitirang Ashbourne?" hamon nito.

"Hindi. Halika sa kuwarto ko nang malaman mo." Ngumiti ito nang pilyo. Nagusot ang mukha ni Chloe at muli siyang tinalikuran para maglakad. Humabol ang binata.

"Alam mo ba na partner ko si Margeau Vector?"

"Si Margeau? Kapatid ni Henry?" May bahid ng pagkagulat sa tono niya.

"Oo. Bakit?"

Napawi rin ang pag-aalala niya at ngumisi siya nang palihim. "Wala naman. Nagkataon lang kasing ex ko siya at kaaway ako ng kuya niya. Mapaglarong sadya ang pagkakataon."

"Ex mo?" Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang braso ni Jonathan para pigilan din ito. Humarap sa kaniya ang royal, ang pilak na mata ay nakatuon lamang sa kaniya. "Jon, itutuloy pa ba natin? Mukha namang walang epekto sa ama mo." Bakas sa tono at mukha niya ang pagkabahala.

Ngumiti naman si Jonathan nang may yabang at hinawakan ang pareho niyang balikat.

"Maniwala ka, apektado 'yon. Sigurado ako dahil sa mas napapadalas niyang pag-alis ng bahay. Siguro nababahala siya dahil baka agawin ko na ang pwesto niya lalo na't magiging asawa na kita." Bumitiw siya rito at umabot sa likod niya na ikinagulat ng dalaga. Kumuha si Jonathan ng pulang rosas at inilagay ito sa tainga niya. "Tara?"

"Bakit ka nga ba galit sa kan'ya? Ako siguro, may dahilan, pero ikaw? Ama mo pa rin siya."

"Sasabihin ko sa 'yo," inilapit ni Jonathan ang makisig niyang mukha sa mas maliit na dalaga. Namula ito, "Kapalit ng matamis mong halik." Nagising si Chloe sa mapang-hipnotismo nitong boses, at itinulak siya sa dibdib saka mabilis na naglakad palayo, papunta sa direksyong tatahakin nila kanina.

Natawa ang binata at mabagal na sumunod sa kaniya. "You seem down, princess. Akala mo ba hindi ko mapapansin?"

Akala ni Chloe ay sapat na ang alkohol sa kaniyang sistema para maging manhid siya ngunit mali pala siya. Hindi umaalis sa isip niya ang mga nangyari.

"Mali ka yata sa pagpili sa 'kin. Mahina ako," konpesyon niya.

"No, Chloe. Sila ang mali tungkol sa 'tin. Which is why we must fight and show them they can't bully us into submission."

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon