Kabanata XXIII

1.4K 65 17
                                        

"NAALALA ko tuloy noong Assembly. Isa ka sa mga lumutang talaga, Chloe," papuri ni Joshua sabay kindat habang nakasandal ang ulo sa mga binti ni Tristan.

Nasa likod sila ng isang trak na umaandar sa kalagitnaan ng bilog na buwan. Nagkangitian sina Millie at Chloe. "At bakit mo naman nasabi 'yon?" pagpatol ni Chloe. "Hindi naman ako nakakalipad."

"Ang ganda mo kaya! Usap-usapan ka kaya sa Academy!"

Umikot naman ang mata ni Tristan kung saan natawa ang magkaibigan. "Sorry, Pare, pero kasal na 'yan."

"Ay, oo nga pala. Kumusta pala ang honeymoon, ha?" pilyo nitong usisa.

"Alam mo ang kulit mo, Josh!" natutuwang komento ng dalaga.

"Oo nga, Joshua. Nagseselos na ang partner mo o," biro ni Millie.

"Oo nga, Joshua. Ako naman kasi ang interview-in mo," sakay naman ni Tristan kaya nagkatawanan sila.

"So babe, ready ka na ba?" tanong ni Jonathan sabay taas ng dalawang kilay. Binato siya ng unan ni Chloe na nakaupo sa kama.

"Ang bastos mo talaga, 'no," nakangisi niyang remarka.

"Joke lang!" Natatawa itong tumungo sa banyo.

"Jon, ano nang mangyayari ngayon?" pahabol niyang tanong.

"Buong akala ko ay ayaw mo ng honeymoon?"

"Urgh! Jon! Seryoso!"

Narinig niya ang paghalakhak ng binata mula sa banyo. "Ipagdasal na lang natin na makuha ko pa rin ang korona." Lumabas ito na ang tanging saplot ay tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya. Butil-butil ng tubig ang nag-uunahan sa maputla niyang balat.

Hindi na lang siya pinansin ni Chloe at nagpatuloy sa pagbabasa ng librong iniregalo sa kaniya ni Tristan, It ni Stephen King, isang tao na namuhay bago sila manalo sa giyera.

Ang natanggap naman niya mula sa bampirang doktor ay isang bronseng susi na sa ngayon ay hindi pa niya naiintindihan ang ibig sabihin.

"Sa tingin mo susunod talaga ang partner mong maarte?" ani Joshua.

"Sabi niya eh. Ayaw naman siguro niyang mabagsak itong proyekto."

"Kung bakit kasi kailangan n'yo pang kumuha ng bagay na iyon!" reklamo ng dwende.

"Huwag kang mag-alala. Madadaan naman 'yan sa usap. Saka mababait naman ang mga 'yon," paliwanag ni Tristan.

Tumaas ang kilay ni Joshua saka siya umayos sa gilid ng isa pang binata. "Whoa. May kilala kang mga gano'n? Iba talaga kapag kaibigan ng chosen one!"

"Kaya nga sabi ko sa inyo na ako na ang bahala eh," nakangiti niyang tugon dahilan para mang-aglahi naman si Chloe.

"Chosen one?" pag-uulit ng bagong kasal.

"Oo! 'Di ba nerd ka? Chosen one! Parang si Neo!"

"Neo? Sa The Matrix? Hindi naman libro 'yon a."

"Ewan. Malay ko kung film adaptation ba 'yon o original."

"Kung makapagsalita ka, parang naniniwala ka sa tadhana," sabad ni Tristan. "Kung ano man tayo, 'yon ay mula sa mga actions natin."

"Aw. Deep."

"Malayo pa ba, Tristan?" inkwira ni Chloe.

"Dapat nagpahatid na lang tayo kay Adolfo. Mas mabilis pa. Hmp!"

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon