Kabanata VI

2.5K 155 77
                                    

10:00 P.M. LOCHAN ACADEMY.

"Has everything been prepared?" tanong ng isang matandang babae kay Zachary. Nasa isang madilim na kuwarto sila, nakasilip sa bilog na buwan mula sa nakasarang salamin patungong balkonahe. Ang kanilang mga anyo ay nakikipag-talik sa kanilang mga anino.

Tumayo si Zachary mula sa pagkakaluhod. "Yes, Elder." Nagsuot siya ng kapang pang-doktor at pinaliguan ang sarili niya ng pabango. Napalabas ng pangil ang elder sa sangsang nito. "Apologies."

"It's quite alright. Just make sure to keep an eye on her. Always."

"As you wish."

NEILSON MANOR

Namulat ang mata ni Chloe sa narinig na pagkalembang ng kampana. Hindi siya gaanong nakatulog dahil hindi sanay sa lugar na ito. Nagbasa-basa na lamang siya upang paliparin ang isip.

Umupo siya sa parte niya ng kama at nakitang nakabihis na ang kasama sa kuwarto sa kaniyang harapan; nababalot ng kasuotang itim.

"Hello?" bati ni Chloe sa babaeng nagtatali ng buhok nang dalawang pusod sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo. Tinitigan siya nito nang masama.

"Ang kampanang 'yon ang senyales na magsisimula na ang academic year. Kung ako sa 'yo, mag-aayos na ako dahil may sampung minuto na lang tayo para makapunta do'n bago nila tuluyang isara ang daanan."

"Shit." Kaagad tumayo si Chloe at naghanap ng ipamamalit na damit sa bagahe niya na hindi pa rin niya naisasalansan. Kumuha siya ng itim na kamiseta at pantalon na aayon sa korte ng katawan niya ngunit sa pagmamadali ay nabunggo niya ang iniinom na dugo ng kasama sa kuwarto, na nagresulta sa pagkabuhos nito sa kaniyang dibdib.

"What the—" Napasinghap siya sa sariling kapabayaan at halos lampasan ang bilis ng tunog palabas ng kuwarto upang pumuntang banyo at mag-ayos ng sarili.

"Chloe, Chloe, h'wag!" Napahinto sa pagtakbo si Chloe at tumingin sa paanan niya. Kaunti na lamang at natapakan na niya si Millie.

"Whoa. Sorry," usal nito, "At nagmamadali na 'ko kaya bye!"

"Hoy, anong susuotin mo?" Napakamot na lamang sa ulo si Millie habang pinapanood tumakbo palayo ang kaibigan. "Akong bahala sa 'yo."

Nang makaliko sa pasilyo kung nasaan ang banyo, si Chloe ay nabigla sa haba ng pila rito. Napakagat siya sa labi. Hindi niya inaasahang ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng mga pure-blood na ito sa pagligo.

Sa amoy na dala niya ay napukaw ang atensyon ng mga babae at nanlilisik ang matang tumitig sa kaniya. Hindi na siya puwedeng maghintay o makipagkilala pa. Tumakbo siyang muli para maghanap ng ibang magagamit. Kahit hindi nasabi ni Delphine, umaasa siyang mayroon pa naman sa dami ng naninirahan sa manor.

Sa ikatlong palapag ay may nahanap siyang bakanteng banyo. Pumasok siya rito at nahalina ng samyo nito. Malamlam na imahen ang maaaninag sa loob dahil sa ulap na pumapalibot dito. Hindi ito kagaya ng nasa ibaba na may kani-kaniyang sulok ng kubeta sa loob; tila ba pang isang tao lamang.

"Bahala na," bulong ni Chloe sa sarili saka naghilamos. Nagsimula na siyang magsipilyo nang mapansin sa salamin na may anino sa likod ng shower curtain.

"Sinong nand'yan?!" pasigaw na tanong ng isang babae. Lumingon siya rito ngunit nawala na ang anino. Pagtingin niya muli sa salamin ay may babae sa likod niya na nakatapis ng asul na tuwalya.

"Ahh!" Napaatras siya sa pagkabigla at natumba sa babae kaya dalawa silang nasa sahig sa kasalukuyan. Matingkad na pula at maalon ang mahaba niyang buhok na hindi nabasa sa pagbabad niya sa banyera. Maganda ang mukha niya ngunit tila galit siya habang patayo—ang pulang mata ay nagliliyab habang nakatitig sa kaniya.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon