MULING kumalembang ang pultahan sa pagkakabukas nito.
Tumambad sa kanila ang isang motorsiklong may dalawang sakay. Ang isa'y isang nakasuot ng kupyang lalaki at ang isa nama'y si Joshua na angkas nito.
Nawala ang tapang ni Joshua nang dumapo ang tingin sa nanggagalaiting si Margeau na handa nang atakihin si Chloe pero humugot pa rin siya ng mga salita na may halong nginig pa, "P-pinapasundo na siya!"
"Nino? Ni Jonathan?" tanong ni Dean na naaasiwa sa tunog ng pangalang nasambit.
Ngumisi ang kapatid ng elder. "Sa isip mo siguro, ako ang sinisisi mo kaya kami naghiwalay," turan niya sa asawa ng dating nobyo. "Do'n ka nagkakamali. We broke up because of his anger issues. Hindi siya gano'n ka-perpekto gaya ng iniisip mo at tiyak, pagsisisihan mo 'to."
"Alam ko namang 'di siya perpekto e. Kaya nga kami bagay sa isa't isa," balik niya sa babaeng may pulang buhok na mas nagpaigting ng inis nito.
Bago pa siya makagawa ng hakbang ay nagtanggal ng helmet ang isang lalaki. Seryoso si Tristan na nakatingin sa kanila.
Hindi na ni Chloe napigilan ang ngiti sa labi.
"Hindi si Jonathan ang nagpapasundo sa kaniya. Ako."
"Well, well." Mula sa likuran ay tumabi si Dean kay Margeau. "How about we settle this like men?"
Nabura ang ngiti ni Chloe.
"Hindi kayo makaaalis dito nang hindi namin pinapayagan. Sa tingin n'yo ba kaya n'yo kaming tatlo?" dagdag ni Dean.
"Actually, I have a better idea," sabad ni Margeau. Base sa ngiti nito ay hindi maganda para kina Chloe ang ideya na iyon. "Seeing as Chloe is being selfish, bakit hindi na lang si Tristan ang makipaglaro sa atin?"
Awtomatikong inabot ni Chloe ang braso ni Tristan at hinawakan ito nang mahigpit. Animo'y mawawala ito sa kaniya ano mang oras.
"How important is Chloe for you, Tristan?" tusong tanong ni Schuck. Kaagad itong nakasabay sa nais ni Margeau.
"Ipinanganak ako para sa kan'ya. Iginugol ko ang labing walong taon ng buhay ko para sa kan'ya," diretsang sagot ng taong lobo.
Halos mag-humarentado ang puso niya sa narinig. Isang bagay ang malaman na ganoon nga ang layunin ni Tristan, iba pa rin kung marinig ito mismo sa bibig niya. At ang paraan ng pagkakasabi niya... Hindi mawari ni Chloe kung bakit nahihiya pa siya sa pagkakakataong ito gayong maaari silang mapahamak.
Ngunit ibang bagay ang namayani kay Margeau. "Labing walong taong gulang? Shit, Tris. Ang bata mo pa." Dinilaan nito ang sariling labi.
Naka-ngiting aso si Dean. "A hundred cuts for your freedom."
Bago pa sila makatugon ay naglabas ng kani-kaniyang patalim ang mga bampirang naroon.
Narito na naman sila, naiipit sa delikadong sitwasyon. At dahil ito sa kaniya.
Hinarangan ni Chloe si Tristan. "Ako ang tatanggap."
"Chlo—"
Pinutol ni Dean si Tristan. "Hindi. Gusto namin si virgin boy."
"Virgin?" napatanong si Joshua.
"Nababasa ko ang isip niya, at naaasar ako rito," paliwanag ni Dean. "He's so... pure. So dedicated to you, Chloe. For that reason, I want to break him."
Pinatong ni Tristan ang kamay sa balikat ni Chloe. Nang lumingon ito sa kaniya'y ngumiti siya, saka tumango. Tila pinapangako niyang magiging ayos ang lahat.
"Naiintindihan ko ang galit mo, Dean," ani Tristan.
"Chloe, baka malaman nila ang balak natin," bulong ni Joshua.
BINABASA MO ANG
Bad Blood
VampireEver imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyembro ng angkang Ashbourne, ang nag-iisang pamilyang dumepensa sa mga tao, kailangan niyang magtago mu...
