Kabanata XIV

1.5K 117 29
                                    

PABALIK na ng Neilson Manor si Chloe at Millie nang harangin sila ng grupo ng mga bampira na may kung anu-anong dalang instrumento para sa pagkuha ng panayam sa dalaga. Nakatapat ang kamera sa babaeng naka-asul na blusa at palda na tumabi kay Chloe habang may hawak na mikropono.

"Ito na nga siya, mga kapatid, si Miss Chloe na natitira sa angkang Ashbourne!" Napapikit ang dalaga mula sa ilaw na itinapat sa kanila dahil malalim na ang gabi. "Kung maaalala ninyo ay naparusahan ang pamilyang ito dahil sa pagkampi nila sa mga tao noong giyera. Miss Chloe, ano pong masasabi n'yo rito?" inkwira ng babae sa naiinis nang pure-blood.

"No comment! Mga echosera!" tugon ni Millie habang pinipilit ni Chloe na makisiksik sa nakapaligid sa kaniya pabalik ng manor.

"Ito po ba ang konsorte n'yo? Isang dwende para sa isang Ashbourne? Tama nga ang sabi nila tungkol sa iyo, Miss Chloe," dagdag pa ng babae.

Dito napalingon ang dalaga na nanlilisik ang mata, tiim ang labi, at ubos na ang pasensya sa paghahalungkat sa nakaraan niya. "Ano naman ho ang sabi nila tungkol sa akin?"

"Please, Miss Chloe, Shezarine na lang," alok nito na labas ang mala-perlas na mga ipin.

"Hindi ba sinabi ko nang hindi ako magpapa-interview?"

"Oo nga, p-pero! Nakarating sa amin ang balita ukol sa nalalapit mong kasal sa royal na si Jonathan Monroe kaya napasugod kami kaagad! At least tell us about that! Bukod do'n, sa pagbubukas ng panibagong taon sa tanyag na Lochan Academy, mayroong bagong panuntunan kung saan pinagpapares ang mga estudyante." Hinawakan niya ang malamig na braso ng dalaga na pilit silang tinatakasan. "Anong masasabi mo sa 'yong partner na nakababatang kapatid ni Henry Vector?"

"Margeau," dagdag ng bagong sali. Nilingon nila si Margeau na nakapamaywang sa entrada ng manor. "Ang pangalan ko ay Margeau. Hindi nakababatang kapatid ni Henry," mataray nitong paglilinaw.

Sa paglabas ng royal ay nakuha niya ang atensyon ng media kaya naman iniwan ng mga ito si Chloe na manghang nanonood sa mahinahong pagtanggap ng kapareha sa mga tanong na ibinabato rito.

"Isa ang inyong pamilya sa bumoto para sa asasinasyon ng angkang Ashbourne—" panimula ni Shezarine nang putulin siya ni Margeau sa pamamagitan ng pagtaas ng kanang kamay nito, hindi nawawala ang dingal sa bawat kilos.

"Ang nakaraan ay nakalipas na. Maaaring iba ang naging paniniwala ng mga magulang namin ngunit kami ni Kuya Henry ay naniniwala sa pangalawang pagkakataon. My partner deserves it as much as anyone else." Sa pagbanggit sa dalaga ay nalipat ang tingin dito ng royal habang isang pilyang ngiti ang nakapaskil sa labi.

Sa isang iglap ay nasa likod na ni Chloe si Margeau na banayad na hinipan ang batok niya, dahilan para magtayuan ang mga buhok niya rito. "A-ano ba..." asik niya sa royal na tumatawang naglalakad palayo. Nagmamadaling humabol ang press sa kaniya na parang mga tuta. "Wala talagang magawa ang babaeng 'yon," komento niya sa kasama pero walang natanggap na sagot. "Millie?"

Nawala na ang kaibigan sa balikat niya. Nawala na rin ang mga namemeste sa kaniyang mga tagapagbalita na sumunod sa kapareha niya, ang partner niya na nanggaling sa likuran niya kanina.

"Margeau!"

"Hindi ko alam na mukha na pala akong babae ngayon." Halos mapatalon si Chloe sa malamig na boses sa likod niya.

Mabilis niya itong nilingon at natagpuan si Zachary—halos ilang pulgada lang ang layo sa kaniya. Narinig niya ang pag-galaw ng lalagukan nito at napaatras.

"Dr. Pierce," halos hinihingal niyang pagbati. Lumabas sa likuran ni Zachary si Delphine at kumapit sa braso ng lalaking bampira. "Madame."

"Chloe, mabuti't napaalis mo na ang mga pesteng 'yon," tugon ni Delphine sa kaniya.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon