Kabanata XVII

1.6K 106 28
                                    

"SINO 'yang ka-text mo?" tanong ni Jonathan kay Chloe.

Nasa bahay siya ng mga Monroe para magsanay kasama si Jonathan. Nasa isang silid sila na puno ng kasangkapang pang-ehersisyo. Napag-isip-isip niya na masyadong mahirap ang mga aralin sa akademya para sa bampirang walang karanasan kagaya niya. Naroon na rin ang mga kamakailang tangka sa kaniyang buhay.

Bumalik si Jonathan mula sa pagtawag sa telepono. Wala siyang pantaas at nakasuot lamang ng pantalong pang-takbo kaya kita ang alaga niyang katawan.

"Wala."

"Handa ka na?" muli nitong tanong.

"Han—" Sumuntok sa mukha niya si Jonathan ngunit hindi ito umabot. Tumawa siya sa biro niya. "Jon!"

"Hindi maghihintay ang mga assassins, Chloe."

"Sabi ko n—" Sumipa naman si Jonathan. Kaunti na lang at tatamaan na siya. Natigilan sa pagkilos si Chloe.

"Ganito na lang. 'Di ba tinatanong mo kung bakit ako galit kay Dad? Talunin mo 'ko at malalaman mo. Mag-focus ka. Hanapin mo ang weak points ng kalaban. Halimbawa na lang noong una tayong nagkita at inatake mo 'ko sa ilalim ng tainga. Bukod sa maraming nerves sa parteng iyon ay nawala rin ang equilibrium ko nang tamaan do'n."

Rumolyo ang mata ng dalaga mula sa mga siyentipikong tinuturan nito. "Gano'n? Kala mo naman—" Isa pang suntok malapit sa mukha niya. Ramdam niya ang pwersa mula rito. "Ah gano'n? H'wag kang iiyak 'pag nasaktan ka ha."

Natapos ang pagsasanay nang hindi man lang natamaan ni Chloe si Jonathan kaya humiga na lamang siya sa kawayang lapag. "Next time. Next time talaga!" pangako niya sa sarili nang nakataas ang kamao.

Hinaltak siya ni Jonathan hanggang sa mapatayo siya ngunit nawala ang balanse niya kaya natumba siya sa royal at napasandal sa dibdib nito. "Hindi mo naman kailangang mag-kunwaring natumba para mahawakan ako." Tinapakan siya sa paa ng dalaga. "Ahh!"

"Hindi talaga kita type eh. Sorry!" Binelatan niya ito.

"Lokohin mo ang sarili mo."

Tumungo si Chloe sa kaniyang bag. May mga damit siya roon at pamunas. Napansin niya ang isang kulay rosas na kahon at inangat ito. Napangiti siya nang maalala kung kanino nanggaling ang pabango.

Nabalik siya sa realidad sa mga brasong pumulupot sa kaniyang baywang mula sa likuran. Binaba niya ito at bumuntong hininga.

"'Yung totoo, bakit ang landi mo?"

"In general, o sa 'yo?"

"Both?" Tinanggal niya ang matipunong mga braso at umiling sa lalaki.

"Fyi, hindi kita nilalandi. Naiwan lang ang mga salita sa lalamunan ko nang yakapin kita."

"Okay? So ano bang sasabihin mo?"

"The most important tip of all. I told you to exploit your enemies' weakness, right? Pero ano ba ang common weakness nila?

To humans, blood is life. Kahit nga sa bibliya, 'di ba? To vampires, blood is everything." Muli niyang inabot ang kamay ng dalaga. "So... kung gusto mong lambingin ang fiancé mo halimbawa, target his cro—"

Sumunod na alam ni Jonathan ay nakahiga na siya sa sahig mula sa pagkakasipa ni Chloe sa kaniyang mukha.

"Pero magiging ex-fiancé ko siya kung hindi niya 'ko titigilan sa panlalandi."

Pumalahaw ang tawa ni Jonathan sa silid.

Nasa limousine sila patungo sa mga magulang ni Chloe habang hindi pa nakababalik si Millie mula sa punso.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon