"TINGNAN mo nga naman kung sinong nandito."
Lumingon sa boses sina Ariel at Chloe. Nasa labas ng pader ng akademya, kasama nila ang lalaking humipo ng pang-upo niya kanina at nagdala pa ito ng tatlong bampira.
"Ang ganda mo naman, Miss. Anong apelyido mo?" tusong inkwira ng isa.
"Huwag kayong umatras. Gusto lang naman naming makipagkaibigan. Bakit kasi kayo umalis sa Assembly? Buti na lang napansin nitong si Mark." Naghagikhikan ang apat na tila nanunuya.
"May importante kaming gagawin. Mabuti pa't bumalik na kayo," usal ni Chloe na nag-iipon ng lakas ng loob.
"Whoa. Hindi lang maganda, matapang pa!" Nagtawanan silang muli at nagpalitan ng high five. Naglahong bigla si Mark. Biglang may yumakap kay Chloe mula sa likuran. Ngunit pinalo ni Ariel si Mark ng bato sa ulo kaya nabitiwan niya ang dalaga.
"Aba, 'eto ang gusto n'yo ha," pagbabanta ni Mark na sinundan ng mga kaibigan niya habang papalapit sa mga babaeng bampira. Susuntukin sana niya sa mukha si Chloe nang may pumigil sa braso nito.
Nalukot ang mukha ni Chloe sa matapang na amoy. Nakatayo sa harapan niya si Zachary na pumipigil sa kamao ni Mark. Inikot ng doktor ang braso nito na astang babaliin.
"Kung ako sa inyo, tatakbo na 'ko," sabi ni Zachary sa tatlo pa.
Tatakbo na sila nang humarang sa daan si Tristan. Sinuntok niya ang isa sa mukha na ikinatumba nito sa lapag at inangilan ang dalawa pa, labas ang matatalim na pangil. Kumaripas paalis ang mga ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zachary kay Chloe habang nakapatong ang mga kamay sa balikat nito.
"O-oo. Pero ang kaibigan ko." Ipinakita niya ang mga palad kung na saan si Millie.
BINABANTAYAN ni Chloe si Millie sa pagkakatulog nito sa unan nang abutan siya ni Zachary ng tasa.
"Kape?" alok ng doktor.
"Salamat." Kinuha niya ang tasa ngunit inilapag lang ito sa lamesa.
"Pahinga lang ang kailangan niya. Masyadong malakas ang ginamit ni Henry na-" Natigilan siya nang makita ang kamay ni Chloe na mas namutla pa sa higpit ng pagkakakuyom niya.
"Wala siyang konsiderasyon." Hinawakan siya sa kamay ni Zachary. Kahit pa malamig ito ay may kung anong kuryenteng dumaloy mula sa doktor papunta sa kaniya. Inisip niya na baka imahinasyon niya lang ito at hindi ininda.
"Sabi nila, ang mga pure-blood daw ay mainit pero syempre, hindi rin 'yon totoo. Ang ganda mo sa dress na 'yan. Kaya pala nakuha mo ang atensyon ng lahat ng naroon." Tila naparalisa siya at hindi makakilos, ni makasalita pero dahil ito sa angking kagandahan ni Zachary, hindi lang sa panlabas na kaanyuan ngunit pati sa loob. Bumukas ang pinto at binawi kaagad ni Chloe ang kamay mula sa doktor.
"Ang ipinagtataka ko ay kung bakit may mga naka-puting babae na nagbabantay sa labas ng Academy. Hindi ba natatakot ang pamahalaan ng eskuwelahang ito sa magiging reaksyon ng magulang ng mga batang 'yon?" pag-iwas ng dalaga sa komento.
Nakatitig lamang ang doktor sa kaniya na parang isa siyang kakaibang nilalang.
"Chloe, narinig mo na ba?" Si Tristan iyon. Napansin niya ang ilangan sa dalawa at tumabi kay Chloe habang ang doktor naman ay kunwa'y tinitingnan ang temperatura ng dwende gamit ang isang maliit na instrumento.
"Ang alin?"
"Si Margeau Vector, na kapatid ng pinakabatang elder, ang magiging partner mo buong taon."
"Teka, ano? Partner saan?" naguguluhan nitong tanong.
"Chloe," singit ni Zachary, "ang susi mo." Hinawakan niyang muli si Chloe para isuot ang isang itim na singsing dito. May naka-ukit na mga esmeraldang bato sa gilid nito. Malaki ito noong una pero nang suotin niya ay kusang nagbago para magkasya sa dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/37448298-288-k815672.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Blood
VampireEver imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyembro ng angkang Ashbourne, ang nag-iisang pamilyang dumepensa sa mga tao, kailangan niyang magtago mu...