Kabanata XIX

1.2K 106 20
                                    

COMPULSION - an irresistible persistent impulse to perform an act because of a vampire's seduction or intimidation. This persuasion technique also comes with mind reading. But the humans have learned for long how to mask their thoughts from vampires, and awareness of a compelling act disables it.

This ability can be used on many creatures depending upon mastery. There are some, for example elves, who are immune to compulsion and mind reading. This was also what Henry Vector used on the students during the orientation. Because of his intense power, he had added yet another layer to this ancient ability.

Sina Ariel at Millie na lang ang kasa-kasama ngayon ni Chloe. Sina Tristan at Joshua ay naging kampon na ni Margeau, ayon sa balita ng una. Paubos na rin ang vial ni Millie ngunit siya na lang din ang pumunta sa doktor para manghingi nito dahil hindi pa rin napapawi ang galit ni Chloe.

Sasanayin nila ang manu-manong pakikipaglaban para sa araw na iyon. Ngunit espesyal ang aralin ngayon dahil gaganapin ito sa gubat sa ilalim ng akademya, battle royale style. Dahil din dito ay tinanggal ang mga hayop na namamalagi rito.

Maganda ang pagtutulungan nina Millie at Chloe. Si Chloe ay ginagamit ang katawan niya bilang sandata at si Millie naman ay ang kaunti at simple niyang alam na salamangka.

Matatalo ang isang bampira kung magtataas siya ng bandila niya o mamamatay siya. Ang pagkatalo ay nangangahulugan ng pagkawala ng limampung puntos na importante para sa huling grado nila.

Nakakuha ng matibay na sangay si Chloe. Binasbasan ito ni Millie para mas tumibay at gabayan ang bampira sa mga kalaban.

Epektibo ito at ilan na ring bampira ang napasuko ni Chloe nang hindi niya maramdaman ang isang kalaban na nasa likuran at pinukpok ng bato ang ulo niya.

Gumapang siya mula sa pagkahilo. Tila gumagalaw ang lupang kinakapitan niya at ang mundo ay umiikot. Ginagabayan siya ni Millie hanggang sa tapakan ng kalaban ang likod niya at namudmod siya sa putik.

Bumaligtad si Chloe para makita man lang ang nakatalo sa kaniya. Hindi niya ito kilala pero sigurado siyang papatayin siya nito dahil malaking karangalan ang mawakasan ang buhay ng natitirang Ashbourne.

Bumalik sa alaala niya ang mga banta sa elders. Nakutya siya sa sarili. Hanggang dito lang pala ang kaya niyang maabot. Sa kabilang banda, mabuti na rin na matapos ang buhay niya, ang paghihirap niya.

May hawak na sibat ang lalaki. Tinutok niya ito kay Chloe—walang alinlangang bakas sa tindig niya.

Nagunita niya ang mahabang panahon na ginugol sa pagtatago at binalot ng pagsisisi ang puso niya. Pati ang mga yumaong Donovans ay muling nagbibigay ng sakit sa kalooban niya.

Nagbibitiw ng kung anu-anong banta si Millie ngunit hindi nito nasisindak ang kalaban. Akala niya ay tapos na ang laban niya sa mundong ito nang humarang si Margeau—ang likod nito sa kaniya.

"Aatras ka, tatalikod at aalis. Tapos iuuntog mo ang ulo mo sa bato hanggang sa mamatay ka," utos nito na may kasamang compulsion.

Namangha si Chloe sa ginawa ng royal at panandaliang nakalimot sa mga bumabagabag sa kaniya.

Unti-unti nang umaatras ang lalaki. Pinipigilan niya ang sarili pero gumagalaw pa rin ang mga paa niya, bagama't mabagal. Tatalikod na ang lalaki nang maitaas pa niya ang braso niyang may hawak ng sibat at naihagis ito kay Chloe bago siya umalis.

Ito na nga ba ang sinasabi niya. May mga bagay na nakatadhana talaga. Tatlompu't tatlong taon na ang nakararaan, dapat namatay na rin siya kasama ng pamilya niya.

Nakita niya ang mukha ng kaniyang ina—isang mukhang akala niya'y nabura na sa isipan niya. Tatlompung taon nang pagpilit itong matandaan at kung kailan pa siya mawawala ito nanumbalik.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon