Kabanata IX

1.9K 136 49
                                    

NATAPOS na ang klase at handa nang umuwi si Chloe dahil sa pagod.

"Gusto mo bang sumabay sa amin ni Adolfo?" alok ni Tristan na sinabayan siya sa paglalakad.

"Hindi na siguro. Susubukan ko nang gamitin 'tong susi."

"Saka ang sungit no'n eh!" dagdag pa ni Millie na masigla nang muli.

"Oo nga pala," ani Chloe. "Hindi pa 'ko nakakapagpasalamat sa pag-ligtas mo."

Ngumiti lamang si Tristan. Mas mabuti na rin iyon nang hindi siya tuluyang mahiya. "Ano, susunod ka lang ba sa 'kin? Umuwi ka na."

"Sige po, Ma'am." Sumaludo ito bago umalis.

Lumabas na nga ng paaralan ang pares na bampira at dwende minuto pagkatapos ni Tristan, at lumapit sa katubigan. Hinaplos ni Chloe ang singsing na suot. "Handa ka na ba?"

"Kanina pa!" Akmang tatalon si Chloe nang biglang,

"Chloe! Sandali!"

"Dr. Pierce!" bati ni Millie. Umalik-ik ang doktor.

"Hindi makatatawid sa lagusan basta lamang ang munti nating kaibigan. Lalamunin lang siya nito sa kawalan."

"Talaga?" kumpirma ni Chloe na hindi makapaniwala sa muntik mangyari kung hindi maagap ang doktor.

"Oo. Wala kasi siyang susi. Para sa gano'ng kaso, p'wede lang siyang tumawid kung konsorte mo siya."

"Oo, konsorte ko si Milie."

"Hindi 'yon ganoon kasimple, Chloe. Tiningnan ko ang katawan niya at—" Marahas na napahugot ng hininga si Millie. "Huwag kang mag-alala. Isa akong propesyunal."

"Nagbibiro lang po, Dok."

Tumawang muli si Zachary. "Alam kong hindi pa siya umiinom ng dugo mula sa 'yo."

Nagpalitan ng tingin si Chloe at Millie. "Hindi pa nga. Anong problema?"

"Bukas ko pa ituturo sana sa inyo ito pero sasabihin ko na, karamihan kasi ng pure-blood ay ginagawang pambayad sa mga konsorte nila ang dugo nila. Nakaaadik ang dugo natin para sa ibang mga lahi. Kaya rin dito kaya nagiging tapat sila sa pinagsisilbihan nila. May bond kumbaga. Kaya kadalasan, kapag mas malakas ang bampira, mas maraming konsorte dahil kaya niyang kontrolin ito. 'Pag in-overestimate mo ang sarili mo, baka makain ka lang nang wala sa oras."

"Isang bampira? Makakain? Whoa," bulalas ni Millie.

"Pero teka... isa ka sa instructors namin?" usisa ni Chloe.

Nag-ayos ng kwelyo si Zachary. "Hindi ba halata?" tukso nito. Nang hindi umimik si Chloe ay nagpatuloy ito. "May mga tao nga noon na sobrang naadik nang makatikim ng dugo ng bampira kaya... nalayo na 'ko. Kaya para sa mga konsorte na gustong dumaan sa lagusan, dapat nakainom na siya ng dugo para masigurong may patnubay ito ng master niya."

"Ew. No offense, Chloe, pero ayaw kong uminom ng dugo mo! Ano ako, bampira?"

"Eh, anong gagawin natin?"

Bahagyang ngumiti ang doktor. "May inihanda na 'ko para d'yan. Pero eksperimento pa lang 'to." Inabutan niya ng isang maliit na bote ng kristal na likido si Chloe. "Painom mo sa kan'ya 'yan tuwing dadaan kayo para malinlang ang tubig." Ngumiti siya at tumingin naman kay Millie. "Lasang asukal 'yan."

"Yey!" Natawa ang dalawang bampira.

"Mauuna na kami, Dok. Salamat dito."

"Anytime." Nagtitigan pa sila nang matagal na parang may hinihintay mula sa isa't isa.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon