Kabanata XXII

1.2K 109 24
                                    

A typical vampire wedding requires a blessing from at least one of the elders. He/she will serve as the acting priest or head of the sacred ceremony. Vampires are sensual creatures-that could be accredited to their undead nature-and as such, weddings are unusual and usually only takes place to unite families. Typically, a divorce is prohibited, unless an elder endorses it for trial amongst the other elders.

SA loob ng tatlompu't limang taon niyang pagkabuhay, hindi pumasok sa isip ni Chloe ang pagpapakasal. Napapanood niya ito sa mga pelikula ng mga tao ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi kumpleto ang pagkatao nila kung wala ito. Ganoon na lang ba kahalaga ang pakikipag-isang dibdib?

Sa kasalukuyan ay nag-aayos na siya para sa espesyal na araw niya sa tulong nina Ariel at Millie sa bahay ng mga yumao niyang magulang kamakailan.

Kinulot nila ang buhok niya sa dulo, pinagamit siya ng pulang pampakulay sa labi at ginuhitan ng itim ang paligid ng kaniyang mga mata na mas nagpatingkad sa asul nito sa gitna. Nilagyan din siya ng kolorete sa pisngi. Kung hindi lamang sa itim niyang bestida na abot tuhod ay maniniwala na siyang ikakasal siya sa isang tao.

Tumayo siya para humarap sa mga kaibigan.

"Ang ganda mo..." puri ni Millie. Binalikan niya ito ng sinserong ngiti. Peke man para sa kaniya ang magaganap na kasal, totoo naman ang galak sa loob niya na hindi siya nag-iisa.

"Patawad, Chloe, pero hindi ako makadadalo. Hindi ako sanay sa mga seremonyang gan'yan e," paalam ni Ariel.

"Ayos lang. Salamat." Lumabas sila kung saan may naghihintay na itim na sasakyan na hula ni Chloe ay padala ng royal na mapangangasawa. Binigyan niya ng huling tingin ang mga kaibigan. Niyakap siya ni Ariel, at hinalikan naman ni Millie sa pisngi. Tumango siya sa mga ito bago tuluyang umalis.

Bumaba ang bintana sa pwesto ng tagamaneho. Naroon si Tristan na nakabihis ng itim na amerikana at amoy bampira.

"Hindi ka ba sasakay, Binibini?" bati nito. Kaagad napangiti ang dalaga.

"Hindi ko naaalalang inimbitahan kita," biro ni Chloe.

"Ako pa ba, mawawala sa espesyal na araw mo? Sakay na!"

"At na sa'n ang driver ng asawa ko, Mr. Helix?" Naglahong bigla ang ngiti ni Chloe nang bumungad sa likuran ng kotse na pupwestuhan niya si Sabrina.

"Hello, Chloe," panimula pa nito na may mapaglarong titig. "Nakalimutang sabihin ni Tristan na ang ganda mo ngayon," sabi nito.

Sumakay na lamang siya sa tabi nito. "Salamat," sagot niya bagama't hindi sigurado kung para kanino.

Dumating sila sa isang lumang templo na pagmamay-ari ni Reina. Siya ang naunang piniling tagapangasiwa para sa kanilang kasal ngunit hindi pumayag si Dylan at iminungkahi si Bruce.

Hindi pumasok sina Tristan at Sabrina, at nagpaalam na bago siya bumaba. Sa kaniyang pagtataka ay maliwanag sa loob ng templo-maliwanag dahil wala ang bubong na sana'y humaharang sa bilog na buwan. Bukod dito, naiilawan din ng mga kandila ang gilid ng dadaanan niya.

Nasa gitna sina Bruce at Jonathan na naghihintay. Nakasuot ang huli ng puting tunika at pambaba. Gumanda lalo ang kutis at tindig niya dahil sa epekto ng kandila. Ngunit imbes na amoy ng mahalimuyak na bulaklak ay amoy ng kalawang at bakal ang tumambal sa kaniya.

Tumingin sa paligid si Chloe sa kaniyang paglalakad. Naroon si Dylan, pati na rin si Margeau at ilan pang bampirang hindi niya namumukhaan. Baka mga kamag-anak ni Jon.

Nakita niya ang sarili na may hawak na palumpon ng rosas. Ang tumutugtog sa paligid ay hindi ang nangangaing katahimikan kundi taimtim na himig. At sa kaniyang tabi ay ang mga magulang-sina Lorna at Louis. Pinigilan niya ang sariling maluha.

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon