Kabanata VII

2.8K 144 56
                                    

CANADA

Inihinto ng nagmamaneho ang sasakyang kulay itim sa harap ng mansyon ilang metro ang layo rito. Lumabas ito at kaagad binuksan ang pinto ni Reina para siya naman ang bumaba. May ilan pang sasakyang dumating sakay ang ibang mga elders.

"This is what I've been warning you about," hayag ng isang matandang kayumanggi ang kulay at may hawak na payong na sumisilong sa kanila ni Reina. "There are those who will oppose our reign."

"And who might those be, Christopher?" tugon naman nito.

"Other clans," sabad ng isa pang babaeng may malaking sombrerong tumatakip sa kalahating parte ng kaniyang mukha. "The fairies. Chloe Ashbourne." Sumisilip sa palamuting ito ang isang kulay gintong mata, matalas ang tingin, tila parating may inaabangang kalaban. "Bruce informed us of her return."

"Chloe Ashbourne had absolutely nothing to do with this, Monica!" pasigaw niyang depensa.

"The point is," balik ni Monica na tumaas na rin ang boses, "there are endless possibilities and we are completely defenseless."

Nag-muni sila habang nakasilay sa mansyon na pinagdadaluhan nila kapag kailangang magpulong ng mga elders. Nasusunog ito. Nasusunog pero hindi nasusunog. Mayroong puting apoy na dapat kumakain dito pero ang gusali ay tila hindi naaapektuhan. May mga guhit-guhit sa pader na tila kalmot ng isang mabangis at malaking hayop. Ang mga poste sa labas na may disenyong griyego ay nangangalahati na habang ang iba'y mga tipak na lamang ang natira. Ang palanguyang noo'y asul, ngayon ay kulay pula, kulay dugo.

"Really symbolic, whoever they were who trashed our compound," komento ng isang lalaking nakasuot ng pulang kimono at nakatali ang mahabang buhok na parang namamangha pa base sa kaniyang ngiting labas ipin. May mala-Españyol itong dating—bronse ang balat at mataas ang tindig.

"I'm calling the others for an emergency meeting. We have a lot to talk about," huling sinabi ni Reina bago siya muling sumakay sa sasakyan.


SUMINGHOT nang bahagya si Chloe sa direksyon ng lalaking nasa tabi niya. Tila nag-iba ang amoy nito, amoy bampira.

"May problema ba?" usisa nito sa kaniya. Naramdaman naman niya ang sarili niyang mamula sa kahihiyan. Kahit si Ariel ay tinititigan siya nang kakatwa.

"Wala!"

"Wala ka na bang ibibilis, kaibigan?" tanong ni Millie sa tikbalang na humaluyhoy naman sa kaniya. Bumalik siya sa binti ni Chloe mula sa likod ng tikbalang, maingat dahil baka malaglag siya sa tubig mula sa lumulutang na karwahe.

"Ako nga pala si Tristan. Tristan Helix."

"Ariel Fuller!" Kaagad inabot ni Ariel ang kamay sa binata na nakipagkamayan sa kaniya. Pupungay-pungay ang mata niya nang bumitiw sa lalaki. Inilahad din ni Tristan ang kamay kay Chloe ngunit hindi siya pinansin nito. "M-mag–aral ka rin dito?"

Naiinis si Chloe sa mainit na pagtanggap ng roommate sa binata. Noong una ay akala niya mailap si Ariel sa kaniya dahil mariin siyang kompetensya sa paaralan, kaya rin madali itong nakipag-kaibigan kay Millie. Ngunit tila hindi ito ganoon dahil isa rin namang pure-blood si Tristan ayon sa kaniya, at maayos naman ang pakitungo ni Ariel dito.

"Oo," maikling sagot nito at sinulyapang muli si Chloe. "Taga-saan ang mga Fullers?"

Nagsimulang mag-usap ang dalawa habang si Chloe ay tahimik na nasa gitna nila. Masyadong maayos kung tutuusin.

Inobserbahan ni Chloe si Tristan Helix. Dahil ba ito sa sopistikado nitong dating sa kaniyang asul na v-neck long-sleeved shirt? Maamo nitong mukha kahit sila ay mga bampira na hindi niya maiwasang pagkatiwalaan? Mabait nitong pakikitungo sa kanila?

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon