KASALUKUYANG nasa tirahan ni Reina si Chloe na isang mansyon sa tabing-dagat.
Nanghihingi siya rito ng opinyon ukol sa nangyayari ngayon sa buhay niya.
Si Jonathan Monroe ang kaisa-isang anak ni Dylan Monroe. Ayon kay Reina, muntik na itong makaupo sa pwesto ng mga elders kung hindi dahil kay Raphael Ashbourne na tagapagtatag ng angkang Ashbourne kaya masidhi ang galit nito sa kanilang pamilya.
"Mag-iingat ka, hindi lang kay Dylan, kung 'di sa kanilang lahat. May magpapakita sa 'yo ng kabutihan pero h'wag mong ibababa ang iyong depensa."
"Naintindihan ko. Ang hindi ko mawari ay kung bakit tila ang tindi naman ng galit nila sa 'min. Oo, tumulong kami sa mga tao pero matagal na panahon na 'yon."
Hinawakan ng matanda ang kamay niya at pinisil. "Basta mag-iingat ka."
Ngunit nanumbalik kay Chloe ang nangyari noong huling beses siya nitong hinawakan kaya siya'y bumitiw nang pasimple. "Kailangan din kitang bigyang babala— malaki ang tsansa na sabihin sa 'yo ni Jonathan na pumasok sa Lochan Academy. Pumayag ka. Pero mag-iingat ka dahil doon, mas dadami ang pagkakataon ng mga kalaban na alisin ka sa landas nila."
"Bakit mo sinasabi sa 'kin ang mga ito? Hindi pa ako pumapayag sa alok ni Jonathan."
Ang Lochan Academy ay isang prestihiyosong paaralan para sa mga pure-blood na itinatag noong unang panahon pa. Ang layon nito ay hindi lang hasain ang abilidad ng mga bampira, ngunit pati na rin ang magamit ito para mabuhay sa mundong puno ng tao. Ngayon, epektibo pa rin ang pagtuturo nila para malinang ang kakayanan ng pure-bloods at mabigyan sila ng papel na angkop sa kanila para magsilbi sa lipunang kinabibilangan nila.
Nabulabog ang kanilang pag-uusap nang bumalikwas ng tayo si Chloe. Naningkit ang kaniyang mga mata sa matinding pag-iisip. Tensyonado ang bawat parte ng kaniyang katawan.
Tumayo rin si Reina at tumango sa kaniya, senyal na alam niya ang nangyayari. Bahagya siyang kumalma ng pagkakatayo ngunit nakatutok pa rin sa pinto na nilalapitan ni Reina.
Pumasok mula roon ang isang bampira na mukhang nasa sisenta na niya— nangungulubot ang pisngi at halos hindi na makita ang mata sa pagkakapikit nito ngunit nakapaninindig balahibo pa rin.
Awtomatikong humakbang paatras si Chloe. Kakaiba ang pakiramdam niya sa bampirang ito. Bumigat ang atmospera ng silid sa pagpasok nito.
Nang itinutok ng bagong dating ang atensyon sa kaniya, halos hindi siya makagalaw. Bahagyang lumaki ang mata ng bampira, tila nakikilala siya.
"Is that..."
"Maupo ka, Bruce," alok ni Reina.
"Chloe Ashbourne," pakli ni Bruce, tila nalimutan na ang pakay sa lugar na iyon. "You shouldn't be here."
"Here meaning... in earth? I shouldn't exist, is that it?" pagmamatapang niya. Nahihinuha na niya kung sino ang kaharap.
"Chloe," mariing banta ni Reina. "This is Elder Bruce. I'm sure you remember him."
Nagngangalit ang mga ngipin ni Chloe sa halo-halong emosyon. Takot, galit...
"You know the consequence of being in my presence. The world should be rid of the likes of you." Kalmado lamang ang matanda ngunit bawat salitang nanggagaling sa kaniya ay asido. Delikado.
"Bruce, the kid didn't know."
"No, Reina. In the first place, there shouldn't be any of them left!"
Ipagtatanggol pa siya ni Reina nang nag-boluntaryo na siya. "Aalis na 'ko, Reina."
Tumango ito sa kaniya. Tahimik ang kaniyang paglisan ngunit ramdam niya ang nakapapasong titig sa likuran niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/37448298-288-k815672.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad Blood
Про вампировEver imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyembro ng angkang Ashbourne, ang nag-iisang pamilyang dumepensa sa mga tao, kailangan niyang magtago mu...