Kabanata XVI

858 41 2
                                        

ISA iyong gabi ng mga prominenteng bampira sa kasaysayan.

Hindi siya nararapat dito. Ngunit sa pakiusap ng magiging asawang si Jonathan, hindi na siya nakatanggi pa. Sa gabing iyon, magara ang kasuotan niya, isa siyang prinsesa.

Ang tanging hiling lang niya ay wala roon ang mga bampirang nanggigigil na burahin siya sa balat ng lupa.

"Jonathan!" pagbati ng, marahil, isa sa mga kaibigan ng mapapangasawa.

Buong gabi na silang ganito. Bilang bampirang royal, malawak ang koneksyon ng lalaki. Marami itong kakilala, at sa bawat engkwentro ay ipinakikilala siya nito. Kaya naman wala pang alas dose ay labis na ang kaniyang pagod.

"Tss," anito nang umalis ang lalaking kanina lang ay kasa-kasama sa pakikipagtawanan.

Isa pa iyon sa napansin niya kay Jonathan. Sa kabila ng mga ngiti nito, nagkukubli ang pagkamuhi sa ginagawa. Noon pa man, napapansin na niya na may hindi ito normal na relasyon sa mga kapwa bampira. Sa katunayan, mukhang natutuwa ito sa tuwing nakapananakit ng ibang kagaya niya, katulad na lamang noong tinulungan nila si Millie.

Hindi niya lubos maisip kung paano naaatim ni Jonathan na lokohin ang sarili, at kung ano ang nangyari rito para ganito na lamang ang maging reaksyon sa mga nakakausap. Hindi niya yata kakayanin iyon.

"We should leave," aniya sa kasama.

Bahagya itong tumingin sa kaniya bago muling makipag-kamayan sa ibang bampira.

"Careful, love. They could hear you," bulong nito sa kaniya.

Bago umalis, ipinaliwanag sa kaniya nito ang ginagawa. Pupunta sa kasiyahan ang isang royal na nagsisilbing pinuno ng isang maliit na siyudad. Ang royal na ito ay may isyu na nais itaas, ang kawalan ng suplay ng dugo sa kanilang lugar. Matagal na niya itong inaangal ngunit hindi natutugunan ng mga elders.

Nais ni Jonathan na makausap ito, nang sa gayon, i-resolba ang problema. Matagal na itong nagtitipong ng mga kakampi. Kung para saan, hindi na niya naipaliwanag kay Chloe.

"Ako na lang ang aalis. I'm not a trophy for you to display, Jon."

Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, nakuha niya ang buong atensyon nito.

"Akala mo ba hindi ko napapansin? Kaya nga gusto mong ilabas tayo sa tv, 'di ba?"

Nag-ayos ng kwelyo si Jonathan, tila naninikip yata ito. "I thought we're in this fight together." Pinilit nito ang ngumiti kahit pa namumuo ang mga linya sa noo niya.

"We are. As long as you treat me as an equal, not a pawn."

Huminga ito nang malalim. Hinagip niya ang braso ni Chloe para magtungo sila sa balkonahe, kung saan mas pribado. "You're too clever for your own good, love." Hindi ito sarkastikong pagbitiw. Imbes na magalit, ngumiti ito nang sinsero sa kaniya, na labis niyang ikinagulat. "I'm sorry. From now on, you'll be treated like the queen that you are."

Hinaplos ni Jonathan ang bisig niya. Bumuntong hininga siya sa sarili. Kung makapagsalita siya ay animo'y handa na siya sa mundong hindi kalaunan ay maaaring pasukin.

"Salamat," tugon niya.

Babalik na sila sa loob nang harangin sila ng isang lalaki. Puros itim ang damit. May dating ng isang maharlika. At ang mukha nito'y natatakpan ng anino ng kaniyang sombrerong pang-aristokrato. Ngunit ang mata'y kumikislap sa dilim ng gabi.

"Jack," pagkilala ni Jonathan.

Jack, karaniwan ang pangalan na iyon, ngunit hindi maiwasan na kilabutan ni Chloe nang marinig ito. Na animo'y may panganib na dala maski ang pagbanggit sa pangalang iyon.

Napunta sa kaniya ang atensyon ng lalaki. Para siyang tutunawin ng intensidad ng titig nito. Hindi niya alam kung galit ang nakikita, dahil tiyak siyang ngayon niya lang nakilala si Jack.

"Narinig ko ang pinag-uusapan n'yo," pag-amin nito.

Naglabas ng pagdaing si Jonathan. "May problema?"

"Ikaw si Jonathan Monroe. Hahayaan mo lang ba talaga ang babaeng 'yan na pangunahan ka?"

Hindi na nag-iilusyon si Chloe. Sigurado na siyang may galit nga ang lalaking ito sa kaniya. "Teka, may nagawa ba 'ko sa 'yo?" pagdidiretsa niya rito.

Tinapunan siya nito ng mapangutyang tingin bago muling bumaling kay Jonathan, na parang anino lang siyang napadaan.

Susumbatan na niya ito nang muling magsalita si Jonathan.

"Matagal na kitang kilala. Alam ko ang issue mo sa mga kababaihan. But you're speaking about my future wife, the love of my life. She would not be disrespected." Kalmado ang boses nito.

Sa kabila noon, alam ni Chloe na seryoso ito sa mga binibitiwang salita.

Ang misteryosong dating ni Jack ay gumuho. Nanginginig ito, hindi sa takot, kung hindi sa prustrasyon. "Women are trouble. They're our doom!"

Tinulak ni Jonathan ang kaniyang dibdib, dahilan para tumilapon siya sa salaaming entrada ng balkonahe.

Bumangon ito. Akala ni Chloe ay si Jonathan ang dadambahan nito, nang pumihit ito sa kaniyang direksyon para atakihin siya.

Mabilis na nasalo ni Jonathan ang lalaki at muli itong inihagis sa lapag. Labas ang pangil ng royal, nagbabanta na tumigil na si Jack.

Nagtitinginan na ang mga nasa loob sa eskandalong ginagawa nila.

Muling nag-ayos ng amerikana si Jonathan bagoiwanan ng huling salita ang dating kaibigan. "She's worth the trouble."

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon