Kabanata XVIII

1.2K 105 21
                                    

NALUNOD si Chloe sa matamis at malalim na halik ni Zachary, at nakalimot sa mga nangyayari. Ayaw niya nang huminto. Ayaw na niyang bitiwan siya ng doktor. Matagal rin ang naging paghihintay nila para sa sayaw na ito na walang koreo, sinusundan lamang nila ang hiyaw ng damdamin at pagnanasa. Ngunit may isa pang bagay na pumukaw ng atensyon ng pure-blood dahilan para manguna siya sa paghinto.

"Bakit kaamoy mo si Tristan?" Napatulala ang doktor at hindi nakasagot. Bakit ngayon lamang niya napansin?

"Dr. Pierce!" sigaw ng isang nars na papalapit sa kanilang direksyon habang tumatakbo. "Narinig ko mula sa mga kawal na ipapakuha na ang mga Donovan!"

"Bakit daw?" kalmado niyang itinanong.

"Alam na raw ng mga elders kung sino ang may pakana sa likod ng paglalason. Ipinatawag pala nila ang may-ari ng pabrika."

Tiningnan muna ni Zachary si Chloe habang nag-iisip—tila may gustong sabihin dito pero pinipigilan ang sarili. Tumakbo siya papalayo at kahit tinawag pa siya ni Chloe ay hindi siya lumingon kaya sinundan siya nito.

Pagkarating nila sa elders' chamber ay kumpleto ang mga pinuno. Nandoon din sina Jonathan; Dylan, na masigla nang muli; at ang mga magulang niya.

Humalakhak nang malakas si Halo nang makita sila. Napansin ni Chloe na namumuti ang kamao ni Zachary sa higpit ng pagkakasara nito.

"You came just in time, Doctor," bati ni Halo.

"Why are my patients here? I thought I made it clear that they are not ready for interrogation," aniya, mababa ang boses, madilim ang tingin.

"Silence, imbecile!" bulalas ni Henry. Tinabihan ni Jonathan si Chloe na hindi lingid sa mga bampirang naroon. "The elders demand. Ordinary vampires answer to our call. And today, the culprit to the mass poisoning shall face death a second time around."

"My parents have nothing to do with this!" Pinigilan siya ni Jonathan ngunit mapilit siyang nagpupumiglas. "It was a frame up."

"That much is clear to us, Ashbourne," paliwanag ni Christopher. "They will be released."

"Then why are they here?" Walang sumagot sa kaniya. "Reina?" Sa katahimikan ay napaatras ang doktor, bakas ang takot sa kaniyang mga mata at nakaawang na bibig.

"We have evidence pointing to the true culprit of this crime," sagot ni Reina. "Someone has to pay."

Hindi mawari ni Chloe ngunit tila hindi siya ang sinasabihan ni Reina—hindi kagaya ng inaakala niya. Tumayo si Monica na may hawak na espada na animo'y doble ang bigat sa kaniyang katawan ngunit walang hirap niya itong binubuhat ng isang kamay sa ginto nitong hawakan.

"This is the Rojas handed down from generation to generation to execute those who have wronged our kind," paliwanag niya habang bumababa ng pedestal. "Its tip shall bring forth justic—"

"It was us!" pag-amin ni Louis na ikinabigla maging ni Lorna. "We put the poison on the bags to eradicate our daughter's enemies but she has nothing to do with this! When Jonathan whisked her away, we feared she'll attract too much attention. It will only be a matter of time before... before she is killed. We had to do something! We drank the poison ourselves so—" Bago pa siya matapos ay napugot na ni Monica ang ulo niya. Pumulandit nang isang talampakan mula rito ang dugo mula sa kaniyang katawan na patuloy binobomba ng kaniyang puso.

"Wahhh!" sigaw ni Lorna. Ito ang tanging ingay na maririnig doon. Bukod sa kaniya, walang ibang umimik—masyadong nagulat ng mga nangyayari. "Hayop—"

Sumunod siyang inulos ng walang awang espada. Mariin na pinikit ni Reina ang mga mata niya.

"Hindiiii!" Tumakbo papunta sa mga katawan nila si Chloe. Tuluy-tuloy ang bagsak ng luha niya. "Hindi! Hindi! Hindi! Hindi!" Paulit-ulit niyang sambit na para bang magbabago ang nangyari. Pinunasan ni Monica ng puting tela ang espada bago siya bumalik sa kaniyang trono.

"It is done. You are all hereby excused," anunsyo ni Bruce. Nilapitan ni Jonathan si Chloe upang akayin. Walang tigil ang kaniyang paghagulgol, paghingi ng pakiusap sa mga yumaong magulang na manumbalik.

"My, my, what a mess you've made," turan ni Halo sa kung sino mang hindi pinangalanan.

Ngunit hindi ito naririnig ni Chloe. Siya'y nakakulong sa isang bangungot. Alaalang binubuo ng pulang pader na nakapalibot sa kaniya at nagtatangkang lunurin siya.

"Chloe!" Narinig niya ang boses ni Jonathan. Yumayanig ang silid. Unti-unting nababasag... hanggang sa tumambad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng mapapangasawa.

Sa mga kamay nito ay kumapit siya.

"This isn't over," bulong niya habang dahan-dahang tumatayo, ang suot na kamiseta ay nabahiran ng pulang dugo.

"Say what?" tanong ni Halo na animo'y nahanap itong interesante. Nakatulala si Chloe sa kaniyang palad na nanginginig at kagaya ng kaniyang damit ay may marka ng dugo ni Lorna. Puno at sukdulan ang kaniyang pagkamuhi. Napapalagay na ni Reina ang itim na awrang pumapalibot sa dalaga sa kaniyang isipan.

"This isn't over. I may not understand much about the system... but you, elders, have ruled for far too long," banta niya nang mahina. "You've dictated me for as long as I can remember! I'm coming for you. I WILL end you, even if it's the last thing I do!" pagduduro niya sa mga ito.

Tumayo si Bruce—nanggagalaiti sa dalaga. Nagtaas siya ng braso nang harangan siya ni Reina.

Bago pa magkaroon ng gulo, naghagis ng hiringgilya si Zachary kay Jonathan. Itinurok niya ito kay Chloe na bumawi sa kaniyang kamalayan.


NAGISING si Chloe sa bahay ng mga Donovans. Nasa tabi niya sina Tristan at Millie na binabantayan siya. Naalala niya ang mga nangyari dahil sa kuwarto at napaluhang muli. Niyakap siya ng mga kaibigan.

Hindi niya alam kung paano pa magpapatuloy. Hindi niya alam kung may lakas pa siya. At lalong hindi niya na kaya pang tumaya. Kaya naman umiyak siya. Umiyak nang umiyak hanggang sa maubos ang kaniyang luha. Sana nga ay kasabay niyon ay ang pag-agos palayo ng sakit na nararamdaman niya.

Lumabas muna si Millie para tawagan si Jonathan at balitaan na ayos na si Chloe. Nakatulala lang sa bintana ang dalaga habang nakaupo. Nadudurog ang puso ni Tristan sa nakikita at dahil wala rin siyang magawa para pagaanin ang saloobin ng dalaga.

"Isa kang tao, hindi ba?" bigla niyang tanong nang hindi lumilingon. "Sigurado na 'ko ngayon. Isa kang tao. Hindi ko alam kung paano pero nililipat ni Zachary ang dugo niya sa 'yo para hindi ka namin maamoy."

Tumingin si Tristan sa sapatos niya. "Oo, gano'n na nga. Kaya nakakasama n'yo lang ako nang limitadong oras. Dumarating sa punto na hindi na kinakaya ng katawan ko ang dugo ng isang patay at itinatakwil ito. Sobrang sakit. Pero kailangan, kung gusto kong mabuhay sa mundo n'yo."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit gusto mong mabuhay sa mundo namin? Sa mundong... bumawi sa pamilya ko nang dalawang beses." Malat na siya. O marahil ay maging ang magsalita ay inaayawan na ng puso niya. Hindi niya alam.

"Kasi... sa 'min ang mundong ito. Hindi sa mga bampira."

"Sa 'min?"

"Hindi lang ako nag-iisa. Nagtatago kaming mga tao sa tulong ni Reina, gaya n'yo noon. Nagtatago hanggang sa dumating ang tamang panahon."

"At kailan ba 'yon?" sarkastiko niyang usal.

"Kung kailan ka babangon." Hinawakan ni Tristan ang pisngi niya at sigurado siyang naamoy niya ang tunay nitong amoy, amoy tao, at magsisinungaling siya kung itatanggi niyang nakaaadik ito. "You're the last of the Ashbourne clan. Our last hope." Nilabas ni Chloe ang pangil niya sa pagtitimpi. "Dapat matuloy ang kasal mo kay Jonathan para maibalik ka sa kapangyarihan. Paiikutin natin sila. Pag-aawayin. Bandang huli, uubusin."

Inilayo ni Chloe ang mukha niya sa kamay ni Tristan, naalala ang mga nakalipas na araw at naliwanagan sa unang pagkakataon. "Gano'n din ba ang ginagawa n'yo sa 'kin? Pinapaikot?"

"Hindi—"

"Ikaw, si Zachary, Reina. Sino kayo para diktahan ako?" namumuhi niyang bitiw bago dumating si Millie. "P'wede ka nang umuwi," malamig na utos niya kay Tristan. Tumango lamang ang binata at umalis.

"Anong nangyayari rito?" walang malay na tanong ni Millie.

"Babalik na tayo sa Lochan Academy."

Bad BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon