"NOONG nakaraang aralin, naging diskurso ang pagmamanipula ng mga paniki. Bilang pagbabalik-tanaw sa ating tinalakay, p'wede itong gawing mensahero o mga mata. Ngayon araw ay field work ulit tayo.
Nais kong bigyang linaw sa inyo, kung sakaling hindi n'yo pa alam, ay hindi tayo nakapagpapalit anyo bilang paniki. Ginagamitan lang ito ng bilis at talino na tinatawag na Vanishing Effect kaya inaakala ng mga tao noon ay kaya natin itong gawin pero ang totoo ay nagkukubli lamang tayo at ang paniki ay distraction lamang," paliwanag ni David. "Kaya naman sa pagbaba natin sa kagubatan ay magkakaroon tayo ng laro. Isang klasikong laro sa panahon ng mga tao—hide-and-seek. Simple lamang ang gagawin. Magtatago kayo ng iyong parner at kapag natagpuan ko kahit isa sa inyo ay out na kayo. Maliwanag?"
"Okay class, dismiss," ani David, isa sa kanilang mga guro.
Sabay-sabay na bumaba sa gubat ang klase sa pangunguna ng kanilang guro. Kagaya ng dati ay magkakasama sina Chloe, Tristan, Joshua at Ariel. Si Margeau ay kasama nina Dean at Stella.
"Sana lang hindi sila mahanap kaagad. Kailangan ko ng points para sa nabagsak kong test kahapon," pagmumuni ni Chloe patungkol sa kapareha.
"Kailan ba nahuli si Margeau sa mga itinatago niya?" biro ni Tristan na nagpa-ngiti sa kaniya.
Nang magsimula ang laro, nagtakbuhan ang mga estudyante sa iba't ibang direksyon sa kagubatan.
"Malakas ang mga binti ko. Gusto mo buhatin kita?" seryosong alok ni Tristan.
"Salamat pero kaya ko ang sarili ko," hinihingal na tugon ni Chloe.
"Guys!" tawag ni Joshua. Umakyat siya sa isang matayog na puno.
"Dyan?" kumpirma ng dalaga sa kasamang si Ariel. Kibit-balikat ang sagot nito sa kaniya bago mauna sa pag-akyat.
"Ano, bukas pa ang offer ko," hayag ni Tristan na inilingan niya bago sumunod sa dalawa.
Nakarinig ng palahaw ang binata mula sa malayo. Umiiling siyang umakyat ng puno.
"Dapat binebenta ni Dr. Pierce ang mga pabango niya e 'no," anas ni Ariel nang makatayo sa tabi ni Joshua.
"I don't think so, man," responde ng lalaki. "Malalaman pa rin na nandito tayo dahil sa amoy."
"Stupid. Ang ibig kong sabihin, ikakalat ang amoy sa lugar para malinlang sila."
"No need," usal ni Chloe pagkarating sa sanga. "Mukhang may mas magandang strategy sina Dean."
Yumuko si Ariel para kunin ang braso ni Tristan at tulungan ito. "Hindi naman specific sa rules si Sir David," dagdag ng binata.
Kinikilabutang bumulong si Joshua. "You mean... ang mga sigaw na 'yon..."
"Inaatake sila ng classmates natin," pagdidiretsa ni Chloe. "Para mapabilis siguro ang laro. Mali yata ang concern ko kanina."
"Tutulungan ko sila."
"Sandal—" Bago pa man matapos magsalita si Chloe ay nakatalon nang pababa sa lupa si Tristan.
Wala namang pag-aatubiling sumunod sa kaniya si Chloe at ang dalawa pa nilang kaibigan. Hindi kalaunan ay nahanap nila ito sa gitna ng gubat—nakagapos at maraming sugat. Sa gilid ng binata ay ilang walang malay na mga bampira.
"Look who's here." Dumating si Dean at tinapakan ang isa sa kanilang kaklase. "Ano, ililigtas mo boy toy mo?"
Sunod na pumaroon ang ibang alagad ng lalaki. Hindi bababa sa labing lima ang bilang nila. Isang leon ang umatake kay Joshua. Nahuli naman ni Stella si Ariel.
BINABASA MO ANG
Bad Blood
VampireEver imagined a world run by vampires? Stop imagining. Dahil sa mundong ginagalawan ni Chloe, wala nang taong nabubuhay. At bilang nag-iisang miyembro ng angkang Ashbourne, ang nag-iisang pamilyang dumepensa sa mga tao, kailangan niyang magtago mu...