"Sure."
Napapakurap akong napatingin sa kaniya.
Did I hear it right? Or baka may tutuli lang ako kaya kung ano-ano ang naririnig? Kasi bakit..I mean, hindi siya 'yung tipo ng tao na papayag agad.
Proven and tested.
"H-Ha?"Gulat pa rin na tanong ko.
Nakita ko namang kumunot noo niya habang nakatingin sa akin.
"You heard me."Hmp!
"T-Totoo ba 'yan? I mean..you know, pahirapan ka pa mapapayag."
May nakain ba siya?
She crossed her arms."Ayaw mo ba? Okay lang sa akin."
Nanlaki naman 'yung mata ko nang marinig 'yon. Shit! She misunderstood again! Umiwas siya ng tingin sa akin at tinuon 'yon sa harap.
I took a deep breath.
"It's just..strange." malumanay na saad ko habang nakatitig sa side view profile niya.
Bakit ba ang perfect ng pagkakaarko na panga niya? Halata na mayroon siyang ibang lahi dahil sa sobrang tangos ng ilong niya.
Masiyado siyang perfect para mapunta lang kay Leo—
Joke lang.
"Come on, let's go."I said matapos kong titigan 'yung mukha niya.
Lumingon siya sakin.Napatitig pa siya ng matagal bago unti-unting tumango.
She's really strange right now.Akala ko kasi ay makikipagtigasan pa pero siguro ay gusto niya lang talaga na umuwi.
Halata rin kasi sa mga mata niya ang antok.Masiyadong mapungay.... nakakaakit.
Naglakad kami ng tahimik papunta kung saan nakapark 'yung kotse. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa passenger's seat. Ako na muna ang magd-drive, mukha kasing matutumba na siya ano mang oras.
Pagkapasok sa driver's seat, kinuha ko 'yung panyo para ipampunas sa nabasang braso.
As in, buong braso talaga ang nabasa kasama 'yung kalahati ng balikat ko. Pang-isang tao lang talaga 'yung payong. Pinilit pa kasi ni-
"Arallonzhu! Omygosh!"
Natigil 'yung pagpunas ko sa kamay nang marinig 'yung sigaw niya.Napakunot noo akong tumingin sa kaniya, sa kaniya na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa...braso ko?
"You're wet.."
"M-Ma'am, I —"
"You're wet because of me."
Halos tumalon ako sa gulat nang maramdamang hinawakan niya 'yung kamay ko na may hawak na panyo. Napalunok ako dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin.
Naramdaman kong kinuha niya 'yung panyo sa'kin kaya bumaba 'yung tingin ko sa kamay niya. Kaagad na hinawakan ko 'yung kamay niya noong tangkain niyang hawakan 'yung braso ko.
"M-Ma'am-"
"I insist."
Hanggang kailan mo ako puputulin magsalita, Miss Eira?
Wala akong nagawa noong bigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. Binigay ko sa kaniya 'yung braso para punasan.
Nakatitig lang ako sa kaniya kung paano niya itaas 'yung longsleeve ko para mapunasan. Mabuti na lang at hindi fitted 'yung suot ko kung hindi...baka kanina pa ako pinahubad nito.
"Why didn't you tell me you got wet in the rain?" she asked while still wiping.
"It doesn't matter."
YOU ARE READING
Always Mine [unedited]
Storie d'amoreMONZUNE UNIVERSITY SERIES#01 (COMPLETED) Fabiana is a 4th year law student. All she wants is to graduate and become a lawyer. Everything she would do after graduation was already planned but all that changed when she met a bitch girl at the nationa...
![Always Mine [unedited]](https://img.wattpad.com/cover/305483723-64-k961735.jpg)