CHAPTER 21 - SIRENE'S PARTY

9.2K 304 89
                                    

"Do I look good ba?"

Tanong ni Tiffany habang umiikot sa harapan namin. Nandito kaming dalawa ni Rence sa condo niya para sunduin siya.

Ngayon na kasi 'yung punta namin sa birthday party ni Sirene at napag-usapan namin na mag-isang kotse na lang.

Kaming tatlo lang 'yung aattend kasi may family dinner daw si Zoe. Kahit naman wala ay hindi pa rin 'yun aattend.

Tamad 'yon gumala.

Napatingin ako sa suot na gown ni Tiffany at sinuri. She was wearing a red strapless gown with matching make up.

Halatang pinaghandaan.

"You look like..a pale minion."

Nakangising lumayo ako nang aambahan niya sana akong sapakin.

"Ang tagal kong naghanda tapos ayan lang ang sasabihin mo!" Nanggagalahiti niyang saad.

Narinig kong tumawa si Rence dahil doon.

"Agree ako sa sinabi ni Fab. Ganiyan pala 'yung itsura ng isang pale na minion na naka-dress."

I put my hand in my mouth to stopped myself from laughing.

Nakakatawa kasi 'yung mukha ni Tiffany! Pikon na pikon.

"Napaka panget ninyong dalawa!" Sigaw niya."Lumayas nga kayo sa kwarto ko!"

Doon na namin hindi mapigilang matawa. Napaka pikon talaga ng unanong 'to! May sasabihin pa sana ako nang itulak na niya ako palabas kasama si Rence na tumatawa rin sa kagagohan.

I chuckled." Ang lakas kasi ng trip mo. Nagalit tuloy."

"Hey! Ikaw kaya nauna,'no!" rebat niya.

"Suyuin mo na lang mamaya. Marupok naman 'yon sayo."

"Why would I do that? Jowa ko siya?"

Napangisi ako nang sabihin niya 'yon na may halong pagkadigusto sa tono. Pero pustahan ay susuyuin niya 'yan mamaya kasi kahit ganiyan si Rence ay nanunuyo 'yan.

Pero 'yung suyo niya ay uutuin ka.

"Una na ako sa baba.I'll just wait for you'll na lang doon." tinapik ko 'yung balikat ni Rence.

Tumango naman siya sa akin at sinabing magkita na lang daw kami sa baba.

Hindi din sana ako pupunta sa party pero ginambala ako at kinulit nina Rence. Ewan ko ba roon at sinama pa nila ako sa kalokohan.

Hindi ko naman sinasabi na kalokohan 'yung party ni Sirene, ah? Medyo nahihiya pa rin kasi ako sa kaniya lalo na 'yung nakita niya sa office ni Eira kahapon.

Sigurado ako na na-interrogate rin si Eira ni Sirene na katulad ng ginawa sa akin nina Tiffany.

Pagkakita kasi namin ay agad nila akong tinanong kung may ganap na ba. Hindi ko alam kung anong ganap ang pinagsasabi nila kaya hindi na lang ako umimik and they respect my personal life naman kahit papaano kaya hindi na nila pinilit.

Naisipan kong tumambay sa labas ng entrance. Dito ko na lang din sila hihintayin.

Naka formal dress lang ako na pinatungan ng coat kasi nga gabi na kaya siguradong malamig 'yung simoy ng hangin.

Nagmuni pa ako ng ilang sandali bago bumaba sina Rence at Tiffany. Mukhang nagkabati na rin sila kasi nagtatawanan na sila habang bumababa.

"Akala ko hindi na kayo bababa."I sarcastically said.

"Akala mo lang 'yon." pangbabara ni Tiffany.

Umiling na lang kaming dalawa ni Rence bago namin tinahak kung saan siya nag-park.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now