CHAPTER 23 - STALKING

8.6K 291 73
                                    

"Happy birthday, Marky!"

Magiliw na bati ko kay Marky pagbaba pa lang niya sa kotse. Halos mapatalon naman siya sa gulat.

Hindi pa talaga birthday ni Marky ngayon. Sa susunod na araw pa.

Sinundo niya ako sa unit para makapag-advance celebrate. Sa ibang bansa raw kasi gusto i-celebrate ng mama niya 'yung birthday niya. Sakto pa na last na pasok na namin bukas bago mag-sem break.

We have a two weeks break para makapagpahinga at para makapag-ready sa second semester.

"Ma-haheart attack pa yata ako ng wala sa oras dahil sa'yo." bungad niya pagkalapit sa akin, nakahawak pa sa dibdib.

"Hindi ko naman kasi alam na magugulatin ka."Pang-aasar ko."Hinay hinay rin kasi sa kape."

"I can't do that.."Rason niya. These past few months ko lang din nalaman na adik rin pala 'to sa kape."Kape is life."

Kape hanggang mamatay.

"Hala, same tayo ng motto sa buhay..baka tayo talaga?"

I grinned when his ears suddenly turned red. It got worse when I grabbed one of his hands and squeezed it.

And I have to admit, he is very adorable in my eyes now.

"Sa tingin m-mo?"Namumulang tanong niya.

I mentally laughed because of that. Mukhang paniwalang paniwala kasi talaga.

"Syempre...."Nakagat ko 'yung labi nang biglang lumiwanag 'yung mukha niya and he even bit his lower lip to stopped himself from smiling."..syempre joke lang! Tropa tayo, e!"

Hindi ko na nakayanang matawa ng malakas dahil biglang lumukot 'yung mukha niya pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Ang epic ng mukha mo!"I told to him while still laughing.

Pinanood niya lang ako habang masama 'yung timpla ng mukhang nakatingin sa akin.

"Masaya kana niyan?"Sarkastik na tanong niya pagkatapos kong tumawa.

"Super.."Napangisi ako."..'cause you really like me, e?"

Aware naman ako sa nararamdaman ni Marky para sa akin. Sa mga galawan pa lang ay mahahalata na tapos pinatunayan naman ng mga salita niya noong umamin siya sa akin.

And trust me, at that time I didn't know what I should react or answer. I was surprised to the point that I just stared at him for a long time.

It was just a few days after I confessed tapos siya naman 'tong aamin!? Ano to, sunod-sunod rejection?

Yes, I rejected him. I told him that I loved someone else but I didn't say na ni-reject din ako katulad ng ginawa ko sa kaniya.

Gosh, baka pagtawanan pa niya ako.

Alam kong nasaktan siya dahil doon pero sinabi pa rin niyang naiintindihan niya and after that, sinimulan na niya akong iwasan to move forward pero dahil marupok siya ay bumalik siya sa akin at sinabing kahit kaibigan na lang daw.

Of course, tinanggap ko 'yon pero medyo nagka-ilangan pa kami noong una.Hindi rin nagtagal ay naging komportable na rin kami sa isa't isa.

Naging komportable na rin ako sa nararamdaman niya.Minsan nga ay ginagamit ko pa iyon na pang-asar.

"Paasa."I heard his mumble before opening the passenger's seat door.

Napangiti ako sa kaniya pero 'yung siste ay inirapan lang ako.

"Taray.."Pang-aasar ko bago pumasok at isarado 'yung pintuan.

Hindi naman niya ako pinansin at umikot na lang para makapasok sa driver's seat.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now