"Saan kayo sa November one?''
Bored na tanong ni Tiffany sa amin. Nandito kaming apat sa loob ng room habang hinihintay 'yung pagpasok ng susunod na prof.
Kanina pa nga kami nandito. Halos trenta minuto na kaming naghihintay. Ewan ko kung papasok pa si Attorney.
Pero siguro ay ayaw na rin pumasok ni Attorney sa university kasi malapit na ang november one.
May two days vacation kami. Pagkatapos kasi ng dalawang araw na iyon ay exam na kasi papalapit na ang finals.
And guess what? Graduation is coming! Whosh!
Kung papalarin.
"Sa cemetary kami."Sagot ni Rence habang nakatutok sa cellphone.
Ano kaya ginagawa nito? May pangiti-ngiti pa kasi.
"Bakit? Bibisitahin mo 'yung namatay ninyong convo?" nang-aasar na tanong ni Tiffany.
Ngumisi si Rence." Hindi mo lang alam..."
I can't help pero tumawa. Mukhang nagkakaroon na ng score. Gusto ko sana tanongin but I don't want to interfere their relationship.
Magk-kwento rin naman 'yan soon.
"Ikawz saan ka pupunta?"Tanong ko kay Zoe.
May sariling mundo nanaman kasi siya habang nagbabasa sa gilid.
Binaba niya 'yung libro na binabasa at pagkatapos ay sumulyap sa akin.
"Going to spain and visit the memorial of my grandfather and grandmother."
Napatango ako. Pure spanish kasi itong si Zoe.
Sanaol may ibang lahi, 'no? Kaya nga magpapalahi ako kay miss Eira-charot!
"Ako, sa probinsya lang tapos dalaw na rin sa puntod nina Lolo." sagot ko habang nakahalumbaba.
"Walang nagtanong." pang-babara ni Tiffany.
"Sher mo lang 'yan." hirit pa ni Rence habang nakangisi.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa natatawa nilang mukha. Mabuti na lang at walang pakialam si Zoe! Kasi hindi ko alam ang gagawin kung pati siya ay sumali.
Babatukan ko na sana sila nang biglang pumasok na 'yung prof kaya wala akong nagawa kung hindi samaan sila ng tingin.
Ang lalakas ng trip!
Nakinig lang ako the entire time kasi nga malapit na 'yung finals. Siguradong bugbog sarado nanaman kami nito.
'Yung mga exams pa naman nila ay nakakadugo ulo. Napaka hirap! Akala mo wala ng bukas e.
Baka humimlay muna ako bago grumaduate.
"Fabi-hoy! Saan ka nanaman pupunta!?"
Natatawang tinaas ko na lang 'yung isang kamay at kinaway 'yon bago tumakbo palabas.
Pagkaalis pa lang kasi ng professor ay agad kong inayos 'yung mga gamit at naglakad na lang bigla paalis.
Pupunta ulit kasi ako sa office ni Eira—Oo, ulit.
Naging routine ko na kasi ang pagpunta roon pagkatapos ng klase o kaya mayroon akong vacant time.
Minsan sinasaway niya ako dahil wala akong ibang ginawa roon kung hindi kausapin siya.
Usap lang talaga na mayroong kasamang harot.
Dumaan muna ako sa Cafeteria para bumili ng makakain namin.Alam ko kasing maraming ginagawa si Eira ngayon dahil malapit na nga ang finals, plus pa na mayroon siyang mga hearings.
YOU ARE READING
Always Mine [unedited]
CintaMONZUNE UNIVERSITY SERIES#01 (COMPLETED) Fabiana is a 4th year law student. All she wants is to graduate and become a lawyer. Everything she would do after graduation was already planned but all that changed when she met a bitch girl at the nationa...
![Always Mine [unedited]](https://img.wattpad.com/cover/305483723-64-k961735.jpg)