CHAPTER 20 - CAUGHT

10.7K 321 27
                                    

"Birthday pala ni Sirene bukas. Iniimbitahan tayo."

Napaangat 'yung tingin ko papunta kay Rence nang bigla siyang magsalita. Seryoso naman siyang nakatingin sa cellphone at minsan ay pumipindot doon.

Sino kaya ka-text nito? Si Mika?

Nandito na kaming apat sa loob ng room at hinihintay na lang ang pagpasok ng instructor.

"Talaga!? Bakit hindi ko alam 'yon!?" napangiwi ako nang marinig 'yung sigaw ni Tiffany.

Oa.

"Malamang! Friend kaba niya?" nang-aasar na tanong ni Rence.

Tinaasan naman siya ng kilay nong isa."Of course, friend niya ako. Katulad ninyo ni Mika, FRIEND lang."

Biglang nawala 'yung ngisi ni Rence at  sumimangot. Tumawa naman si Tiffany dahil doon, mukhang nang-aasar.

Napakunot 'yung noo ko habang nakatitig sa kanila na naguguluhan.

Ano ba ang pinag-uusapan nila? Atsaka, si Mika? 'Yung ate ni Marky?

"Who's Sirene?" pagsingit ko sa usapan nila.

Curious ako kung sino 'yon. Tinignan naman nila ako na parang ang laki kong hangal.

Gosh, sino ba kasi 'yon? Blockmate namin?

"Seriously, Fab?" hindi makapaniwalang turan ni Tiffany.

I innocently looked at her."Do you think I would asked if I know?"

Mukha ba akong joke?

She rolled her eyes. I know, there's a hint of sarcastic in my tone.

"Of course, you only have your eye on one person." she said sarcastically.

Narinig ko namang tumawa si Rence dahil doon. Kanina lang ay nag-aaway sila, ah? Tapos ngayon, mukhang pagtutulungan pa ako.

Mabuti na lang talaga at naka earphone si Zoe kaya hindi siya kasama mang-asar sa akin.

Ang hirap pa namang talunin non!

"But sadly, she's already com—"

"I didn't ask." mariing pagputol ko sa 'dapat na sasabihin ni Rence.

Ngumisi naman siya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Ano ba ang problema nila? Bakit napunta 'yung usapan doon? Hindi ko naman tinatanong.

Atsaka, 'yung tanong ko ay kung sino 'yung Sirene at hindi 'yung ganito!

Shit, ang sarap nilang pag-untugin ngayon. Lalo na't nakakainis 'yung mga ngiting nakapaskil sa labi nila.

"Kung ayaw niyo sagutin ay edi don't."

Narinig ko namang tumawa si Tiffany bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Uwu, tampo ang bb na yarn?"

"Isa, Tiffany." naiiritang sinulyapan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya at umakbay sa akin.

"Chill, masiyado kang galit e." inirapan ko lang siya. Nahahawa na talaga ako sa magandang abogada na 'yon. "Pero seryoso, you don't remember her?"

"I don't." seryosong sagot ko.

"She's Mika's friend." napunta 'yung tingin ko kay Rence nang bigla siyang sumingit."Remember, sa restaurant? 'Yung nakikain tayo sa private room ni Attorney Leo."

Right.

Napa 'ah' ako nang maalala.'Yung araw na nakihati kami sa kanila dahil wala ng table. Pito yata sila roon? Kasama si mika.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now