"Pasalubong ko, Ma'am?"
Tanong ko kay Eira habang sinasabayan siyang maglakad papunta sa room namin. Ngayon pa nga lang siya nakauwi dahil nag-extend siya nang mahigit anim na araw doon.
"I didn't buy anything." She answered in a monotone after turning her gaze on me.
Napakamot ako sa ulo." Wala? Kahit isa man lang?"
"Yes, so don't bother to ask me again." walang pusong sagot niya bago buksan 'yung pintuan nang room at maglakad papasok doon.
Hindi ko maiwasang mapasimangot. Akala ko pa naman ay nagdala siya nang kahit isang bagay lang pauwi para sa akin!
Hindi ko na rin muna ibibigay 'yung binili ko sa probinsya para sa kaniya.
Bahala siya!
"Are you just going to stand there, Miss Arallonzhu?" natauhan ako nang marinig 'yung seryosong boses niya.
Oh 'di ba, Arallonzhu nanaman. Ngumiti ako nang pilit bago humingi ng pasensya. Nakita ko pang halos lahat ng blockmates ko ay nanonood sa amin kaya hindi ko maiwasang mahiya.
Mukha siguro akong tanga roon.
Hindi na ako nagtaka noong magpa-recitations siya nang sandamakmak dahil nga medyo nahuhuli na kami sa lessons.
Sakto pa na examination na next week kaya masiyadong hassle. Nagbibigay lang kasi si Eira nang mga readings and some cases noong wala siya. Kaya kung magtanong siya ngayon ay akala mo end of the world na. Pansin ko rin na parang masama 'yung mood niya? Well, seryoso pa rin naman 'yung mukha pero parang may kakaiba lang talaga sa aura niya.
Ewan ko ba kung bakit ang dami kong napapasin sa kaniya. Katulad na lang ngayon na mukhang nagpa-bangs siya. Hindi naman ganoon kaiksi at hindi rin gaanong halata.
"Miss Arallonzhu."
Napaayos upo ako noong dumapo 'yung tingin niya sa akin. Damn, mukhang nakita niyang nahuhumaling nanaman ako sa kaniya.
Hindi naman niya kasi ako masisisi, she really looks so fine right the fudge now. Her suit fits her well-shaped body. It was a white fitted long sleeve with a black necktie and a pair of black slacks.
YOU ARE READING
Always Mine [unedited]
RomanceMONZUNE UNIVERSITY SERIES#01 (COMPLETED) Fabiana is a 4th year law student. All she wants is to graduate and become a lawyer. Everything she would do after graduation was already planned but all that changed when she met a bitch girl at the nationa...