CHAPTER 19 - TEASE

8.8K 315 117
                                    

Humalumbaba ako habang naboboring na nakatitig sa harapan kung saan nagtuturo 'yung huling professor namin ngayong araw.

Kanina ko pa gustong umuwi.Feeling ko kasi ay pagod na pagod 'yung katawan ko at ang gusto ko na lang ngayon ay umuwi at humiga sa kama.

Siguro miss na miss lang ako ng kama kaya ganito 'yung nararamdaman ko.

Oo, walang konek 'yung pagod at kama.

"Miss Arallonzhu!"

Napaayos upo ako nang marinig 'yung sigaw na 'yon. Shet! Doon ko lang din namalayan na 'yung professor pala ang tumawag sa akin!

"A-Attor—"He immediately cut me off.

"'You were not listening."

Napayuko ako sa hiya.Ramdam ko rin 'yung titig ng mga ka blockmate ko.

Lalong lalo na 'yung nanliliksik na tingin sa akin ng professor!

"I-I'm sorry.."I muttered apologetically.

"What are you thinking?"Mariing tanong niya.

Pati ako sir, hindi ko alam kung ano 'yung iniisip ko.

"Nothing, sir."

I heard him sigh disappointedly.

"Right. Discuss all the information about the case I was talking about. "

Doomed.

Wala akong nagawa kung hindi sumagot at sa mga follow up questions na hindi maubos ubos!

Alam kong naiinis pa rin sa akin si attorney dahil nga ayaw niya talagang may nahuhuli siyang hindi nakikinig.Mabuti na lang talaga at medyo mayroon akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

I mentally sighed in relief when he finally released me.Deym! Nakakaubos 'yon!

He gave us an assignment and some readings and cases before he left.

He bidded his goodbye and that was my cue to packed my things. Sinuot ko na rin 'yung backpack at handa na sanang maglakad palabas nang biglang may umakbay sa akin kaya halos masubsob 'yung mukha ko sa semento dahil sa lakas!

"Shit!" humawak ako sa malapit na upuan para kumuha ng support. Kumawala ako sa akbay at inis na kinutusan 'yung taong bigla na lang umakbay sa akin." Problema mo nanaman!?"

Tumawa si Rence habang lumalayo sa akin.Nakataas pa 'yung dalawang kamay na parang sumusuko.

"Chill, masiyado kang hot e."

Umirap ako."I know, I'm hot you don-"

"Masyadong mainit ulo mo, I mean."I slapped his arms kaya natawa ulit siya.

Ang kapal! Ang hot ko kaya!

Hotdog.

"Bakit tuwang tuwa ka nanaman, Clarence?"Singit ni Tiffany.

Nakita ko rin sa gilid ng mata ko na naka crossed arms lang si Zoe na mukhang hinihintay matapos 'yung away namin.

"Nakakatawa kasi mukha mo."Pangbabara ni Rence.

"Ikaw, ang pangit ng mukha mo!"Ganti ni Tiffany.

Here we go again..

"Lagi na lang kayo nag-aaway, baka magkatuluyan kayo niyan."Napangisi ako nang biglang parehas na umasim 'yung mukha nila.

"Yuck! Kung si Tiffany lang naman? Hard pass, pre."Diring diri na saad ni Rence with matching pasuka pa.

"Hoy! Baka hindi mo alam na maraming nagkakagusto sa akin!"Sigaw rin niya sa pagmumukha ni Rence.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now