"Sana lahat minamyday."
Pang-aasar na saad ko kay Rence. Nakita ko kasi sa myday niya 'yung picture ni Mika tapos may sounds pa na kasama.
Pero sigurado naman ako na naka-hide 'yon kay Mika. Torpe rin kasi 'tong kaibigan ko.
"Kung i-krushback mo kaya si marky?" balik asar niya.
Alam kasi nilang umamin sa akin si Marky. Kinasabwat kasi sila ni Marky para umamin kaya alam din nila na nireject ko 'yung tao.
"Kung i-myday mo rin si Tiffany?" my lips rose when he gave me a confusing look." Kasi FRIEND mo rin naman siya, 'di ba? FRIEND lang."
Natawa ako nang biglang lumukot 'yung mukha niya. Kapag talaga sa gan'to ay palagi siyang talo.
Ewan ko ba kasi sa kaniya kung bakit ayaw pang umamin. Mabuti pa ako nakaamin na.
Nireject nga lang.
Pighati, lodi!
"Hoy! Bakit narinig ko 'yung pangalan ko diyan?!"
Parehas kaming napatingin ni Rence sa bagong dating. Si Tiffany kasama si Zoe.
Napag-isipan kasi namin na magkita at kumain sa labas kasi bukas ay pasukan na ulit. Hindi ko nga alam kung para saan pa 'to dahil magkikita rin naman kami sa school bukas.
Gosh, hindi ba sila nauumay sa mukha ng isa't isa?
"Guni-guni mo lang 'yan." baliwalang saad ko.
"Nag-order na kayo?" napatingin ako kay Zoe noong umupo siya sa tabi ko, si Tiffany ay sa tabi ni Rence.
"Oo. Gutom na raw kasi si Rence."Sagot ko.
"Hoy! Ikaw nagsabi na um-order na! Sinisi mo pa ako." he frowned.
I just chuckled at his remarks. Nag-kwentuhan pa kami ng ilang sandali kung ano 'yung nangyari sa amin sa loob ng dalawang linggo.
Wala namang exciting na nangyari sa two weeks ko. I just went to my parent's house and all I did there was do the house chores.
Gosh, pinapunta lang yata ako roon ni mama para paghugasin, pagwalisin, and so on.
Ginawa lang akong yaya!
"Pagkatapos niyang baliwalain ay siya naman 'tong naghahabol.." seryosong pagkukwento ni Rence.
Kinukwento niya kasi 'yung storyang nabasa niya kagabi.Mahilig kasi talaga siyang magkwento ng kung ano-ano.
"..pero sa huli ay hindi sila 'yung endgame. Wala e, kapag talaga 'yung puso na 'yung sumuko ay wala ka ng magagawa."
"That's a sad story." komento ni Zoe.
"Ano ba 'yan! Bakit ganon? Bakit kasi sa huli na narealize nong babae na gusto n'ya rin 'yung lalaki?! Ang pangit!" reklamo ni Tiffany."..kaya ikaw, Fabiana!?"
Bigla akong nasamid sa pag-inom nang masama 'yung pangalan ko.
Shuta, ano nanaman 'yon!? Nananahimik na nga ako!
"Bakit nanaman ako!?" takang tanong ko, tinignan pa siya na hindi makapaniwala.
"Baka kasi gusto mo talaga si Marky pero hindi mo lang narereliaze kasi masiyado kang nakatutok sa professor natin."
Narinig ko namang tumawa sina Zoe dahil doon.
I frowned. "Kakabasa mo 'yan. Atsaka, bakit nasama 'yung professor natin dito!?"
Hindi ko pa nakukwento sa kanila 'yung nangyaring pag-amin ko kay Eira pero mukhang alam naman nila na may nararamdaman ako sa abogada.
"Totoo naman, ah? Siya 'yung dahilan kung bakit nireject mo si marky." ngumisi siya nang makitang nagulat ako dahil doon." Alam namin 'yan, Fab."
YOU ARE READING
Always Mine [unedited]
RomanceMONZUNE UNIVERSITY SERIES#01 (COMPLETED) Fabiana is a 4th year law student. All she wants is to graduate and become a lawyer. Everything she would do after graduation was already planned but all that changed when she met a bitch girl at the nationa...
![Always Mine [unedited]](https://img.wattpad.com/cover/305483723-64-k961735.jpg)