CHAPTER 18 - DATE?

10.1K 320 52
                                    

"Mas mabalis pa kumilos 'yung pagong kaysa sayo."

Naiiritang saad ko habang nakatingin kay Tiffany na lumalamon ngayon.

Nandito ako sa condo niya para sunduin itong unano na 'to. Nasiraan daw kasi siya kahapon habang papunta sa mall at mukhang hindi pa niya kinukuha sa shop 'yung kotse.

"Swallow your food first before you speak." I immediately said when she was about to speak while there was food in her mouth.

Ayaw ko talagang may nagsasalita habang may pagkain pa sa loob ng bibig nila. That's disgusting.

Maarte na kung maarte pero puwede naman yata lunukin muna ang kinakain bago magsalita, 'di ba?

Sinunod naman niya 'yung sinabi ko. Uminom na rin muna siya ng tubig bago tumulak.

"Bakit ba nagmamadali ka!? Ang aga pa naman!" pagrarason niya at pagkapatos ay tumusok siya ng hatdog doon at kinagat.

"Anong maaga? Halos trenta minuto na lang at mag-uumpisa na 'yung klase!"

"Malapit lang naman 'yung school dito! Ilang minuto nga lang!"Sigaw niya.

Halos mapapikit pa ako nang may isang butil ng kanin ang tumama malapit sa bibig ko na nagmula sa loob ng bibig niya.

Tangina.

She bit her lower lip to stifle her laugh. Pinunasan ko 'yon at binato sa pagmumukha niya.

Ang babaeng 'to! Napaka dugyot!

Natawa siya noong hindi na mapigilan.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko rin sa pagmumukha niya.

Sinadya ko pang talsikan siya ng laway sa mukha.

"Tangina mo! Ang dugyot!"Natawa ako ng mahina nang punasan niya 'yung mukha na may kasamang pandidiri."Gago! Ang baho ng hininga mo!"

Hindi ko na nakayanan at natawa na ako ng malakas. Gagong 'to! Diring diri. Halos ibuhos na kasi niya 'yung tubig sa mukha para mawala lang 'yung saliva ko.

"Ang arte mo.Bilisan mo ng gumalaw, aba!"

"Oo na! Hindi naman halatang miss mo na siya makita, 'no?"She sarcastically said.

Kumunot naman 'yung noo kong napatingin sa kaniya.

"Pinagsasabi mo?"

"Si Attor-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil binato ko na 'yung kutsara sa gawi niya. Napa-iwas naman siya roon at pagkatapos ay tumawa na parang baliw.

Alam ko naman kung sino 'yung tinutukoy niya pero hindi ko naman alam na sasabihin niya 'yung pangalan! Hindi man lang nagpaligoy!

Atsaka ginawa ko na nga ang lahat para hindi lang siya maalala, e! Tapos sasabihin niya lang 'yung pangalan nong attorney na 'yon ng ganoon lang!?

May' sama pa rin kasi ako ng loob kasi paano ba naman, hinayaan niya lang ako umalis noong sabado! Mas maiintindihan ko pa kung hinatid man lang ako,'di ba? Pero hindi!

Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko siya nireplyan. Hindi ko sinabi na naka-uwi na ako kasi sigurado namang hindi niya hinihintay 'yon.

Baka nga nakalimutan na niya 'yon.

Siguro 'yung sa kiss din...

Napailing na lang ako at hindi na pinansin si Tiffany na nakangisi ngayon habang nags-sipilyo.

Pagkatapos niyang magmugmog ay agad ko siyang nilapitan para batukan lang. Nakita ko namang napahawak siya sa sink dahil yata sa lakas.

"The hell!" sigaw niya habang hindi makapaniwala.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now