CHAPTER 25 - STUFFED TOY

9.1K 284 32
                                    

"Ang sarap mabuhay.."

I said sarcastically while staring at the flat wheels of my car. I was supposed to go to school early today but this caught my eye, the flat tire.

Maayos pa naman 'to kahapon pero siguro ay may nadaanan ako sa daan pag-uwi kagabi kaya ganito?

I sighed as I rubbed my forehead. I even purposely woke up early so I could catch up with Eira at the entrance.

Balak ko kasi siyang kausapin tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko na nga siya pinansin maghapon para lumamig man lang 'yung ulo niya.

Masiyado siyang hot sa akin.Wala naman ako ginagawa.

Atsaka, ako na ang magf-first move kasi mukhang wala siyang balak.

Tumawag lang ako sa kakilalang gumagawa ng sirang sasakyan bago napagdesisyunan na lumakad palabas.

Siguro maglalakad na lang ako papunta sa school? Malapit lang naman 'yon sa condo.

"Ang init.."Pinunasan ko 'yung pawis na tumulo galing sa noo.

Ilang minuto pa lang ako naglalakad pero parang magdamag na ako naglalakad. Nauuhaw na rin ako.

Maglakad ka pa naman sa sikat na sikat na araw plus pa na walang dalang payong.

Free trial sa hell.

Sumilong muna ako sa nakitang pwedeng silungan doon.  I wiped the sweat dripping from my forehead then I took my tumbler and drank it

Maaga pa naman kaya pwedeng magpahinga muna.

"Hindi ka naman marunong, e!"

Napatingin ako sa gilid nang marinig kong sumigaw 'yung bata roon.

Bumungad sa akin 'yung dalawang batang lalaki na nagtatalo.

"'Yung machine iyong hindi marunong!" rebat naman nong isa."Hawak na tapos bibitawan bigla."

I couldn't help but laughed at them. They fight over the machine with the stuffed toy inside. They looked at me, maybe wondering why I was laughing alone.

I faked my cough."Nagtatalo pa kayo. Ang easy lang naman niyan."

Ako na feeling close.

Napatitig sila sa akin ng ilang sandali bago tumingin sa isa't isa at ibalik ulit 'yung tingin sa akin.

"Do you know how to play and get that?" maarteng tinuro ng isang bata,'yung naglalaro kanina 'yung isang stuffed toy doon.

"Of course." mayabang na tugon ko.

"Really?" naniniguradong tanong nong isa.

Tumango naman ako kaya nagtitigan sila bago tumalon doon habang pumapalakpak 'yung kamay.

"Sige nga.."Pang-uuto nila.

Ngumisi muna ako bago maglakad papunta sa harap ng machine. Kumuha ako ng barya sa bulsa at pagkatapos ay inihulog doon.

Maaga pa naman kaya pwede pa ako maglaro?

Sumulyap muna ako sa kanila na mukhang naghihintay din sa mangyayari. Ginalaw ko 'yung controller doon at nang makitang sasakto 'yon sa isang stuffed toy ay pinindot ko na 'yung button....

Napangiwi ako nong hindi nakuha.

"Dumulas 'yung kamay ko.."agad na paliwanag ko nang tangkain nilang mags-side comments.

Gosh, dumulas lang talaga 'yon.

Kumuha pa ako ng barya at inihulog doon bago maglaro ulit. Napangiwi ako nang hindi ulit makuha.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now