CHAPTER 35 - WASTED

14.4K 352 8
                                        

"Kailan ka pa bumalik?"

Nagtatakang tanong ko kay Corlins. Nagulat na lang kasi ako at pagpasok ko sa office ay nakaupo na siya dito sa couch.

Hindi man lang ako sinabihan na pupunta rito!

He let out a chuckled."Last week."

Hindi ko maiwasang magulat. Last week pa siya nandito tapos hindi man lang niya naisipang sabihin sa akin!?

Natawa naman siya sa naging reaction ko.

"Why didn't you tell me!?"I asked while glaring at him.

"Family bonding muna, Fabiana."His upper lips went up."Masiyado mo akong gustong solohin."

"Sabi ko dapat ay sinabi mo sa akin na nakabalik ka na. Hindi ko naman sinabing sosolohin kita."

"Ganoon na din 'yon." he simply said."By the way, anong oras lunch time mo?"

I leaned my back against the backrest."Marami akong trabaho, Corlins."

He chuckled, mukhang alam na sasabihin ko 'yon."That's the reason why I didn't tell you. Marami kang ginagawa."

I ignored him instead, I looked at my wrist watch to know what time is it na. Pwede naman akong umalis sa office kahit hindi pa lunch time. Marami lang talaga akong ginagawa kaya nagdadalawang isip ako.

I sighed heavily."Fine."

I heard his 'Yes'.

"I know, you can't resist me."

"Alam ko kasi na kukulitin mo ako hanggat hindi ako pumapayag." I rolled my eyes."Wag kang ano."

He just laughed at my remarks. Tumayo na siya at sinuot na 'yung sumbrero at isang mask, so that's the reason why hindi siya pinagkaguluhan ng mga tao sa baba.

"Mabuti at hindi ka pinagkamalang kawatan. " saad ko pagkatapos niyang ayusin 'yung sarili.

"Although, I hid my face, they know na gwapo ako kaya impossible na pagkamalan ako niyan."

Even though, I can't see his face, I know he was smirking.

Humalumbaba ako."Anong konek non? Paki-explain."

I laughed when he rolled his eyes on me.

"Hintayin na lang kita sa entrance. Ang dami mo pang sinasabi."

Natatawang umiling ako noong lumabas na siya.Masiyado talaga siyang pikonin. Na sa dugo na yata talaga nila 'yon.

Niligpit ko muna 'yung mga papel na nagkalat sa desk bago suotin 'yung coat at lumabas na.

Wala naman akong trial ngayon kaya pwede akong gumala kahit ilang oras lang.

Sa susunod na linggo pa 'yung trial about doon sa mga pulis na nag-file ng case sa akin.

Though, I already request a warrant sa judge.

"Ang tagal mong lumabas." bungad sa akin ni Corlins, naka crossed arms pa.

I put my hands inside my pocket. "Wala pa nga yatang limang minuto 'yon, makareklamo ka na agad."

"Joke lang." tumawa siya bago ako akbayan." May susunduin muna pala tayo."

We started to walked.'Yung sasakyan niya 'yung gagamitin namin dahil kakain lang naman kami at ihahatid niya rin ako dito pabalik.

"Sino?" nagtatakang tanong ko.

"Secret." Natawa siya nang makitang nakasimangot ako."Makikilala mo rin siya."

Hindi ko na pinilit kasi alam ko namang hindi niya sasagutin 'yung mga tanong ko. Kung sasagutin man ay alam kong walang kwenta 'yon.

Always Mine [unedited] Where stories live. Discover now