That day we started avoiding each other.
Hindi natuloy ang huling pag-uusap namin noon kasi biglang may dumating na mga studyante. Mabuti na lang talaga at walang masyadong tao na dumadaan sa hallway na 'yon.
Ayaw ko pa rin na mapahamak siya..kahit na ako pa 'yung umamin ay mayroong malaking chance na ma-misunderstood nila 'yon lalo na't ilang beses kong sinabi na may nangyari sa amin.
Napabuntong hininga ako nang sumagi nanaman sa isip ko ang nangyari sa amin ng gabing 'yon.
Akala ko talaga ay mayroong magandang idudulot 'yon at may halaga sa kaniya..but that was all I thought.
Nasaktan lang ako.
"Nagugutom kaba, Fab? Libre ko na!"Natauhan ako nang biglang alog-alogin ako ni Tiffany.
Doon ko lang naalala na nasa school pala kaming apat at naglalakad papunta sa..room? Hindi ko na maalala ang mga pinag-uusapan nila dahil sa mga pumapasok sa isipan ko.
Tinignan ko si Tiffany na naghihintay sa sagot ko.
"Ikaw bahala."
Napabuntong hininga silang lahat dahil sa naging tugon ko. Alam ko naman na napapansin na nilang wala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw.
Kapag kinakausap nila ako ay puro tipid na salita lang ang naiibigay ko sa kanila.
Wala kasi talagang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi siya lang.
Napapansin ko pa ang malalim na itim sa mga mata niya.Halata ang pagod sa kaniya kaya hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
There's a time nga na sinubukan kong iwanan siya ng pagkain sa office niya pero hindi na natuloy nang makita kong dinalhan na siya ni Leonardo...
Pagkatapos kasi nong nangyaring 'yon ay palagi na ulit bumibisita si Leonardo rito.
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo, kahit na may hula na kami kung ano 'yon,"Inakbayan ako ni Rence habang nakangiting nakatitig sa akin."We are always here for you.."
Alam ko namang may alam na sila noong pagkakita pa lang nila ng mata ko na namumula noon pero hindi sila nagtanong at bagkus ay nilibre nila ako ng pagkain no'ng lunch break.
Pagkatapos nong araw na 'yon ay palagi ng libre ang pagkain ko.
"Atsaka, wag ka ng malungkot! Tamo, mawawala angas mo niyan." walang kwentang pagc-comfort sa akin ni Tiffany.
Hindi ko mapigilang matawa ng mahina.
"That's how it should be..just smile and laugh. You seem to be good at that."Nakangiting saad ni Zoe kaya lumabas nanaman ang maliit na dimple niya sa ibabang labi.
"Sinasabi mo ba na pangit si Fabiana kapag hindi nakangiti, Zoe!?" overeating na tanong ni Tiffany kay Zoe at pagkatapos ay tumingin sa akin."Payag ka non, Fab? Pangit ka raw! Kapag ako-"
"Guard, may tanga dito."Pagkausap ni Zoe bigla sa guard na nadaanan namin.
Narinig kong tumawa si Rence kaya hindi ko na rin mapigilang matawa.
Nakakatawa pa ang mukha ni manong guard dahil halatang hindi niya alam ang gagawin. Pati 'yung gwardya ay dinadamay nila.
Nagbardagulan pa sila doon kasama si Rence habang naglalakad papunta sa cafeteria. Maaga pa naman kasi kaya sa cafeteria muna.
"What are your plans after we graduate?" Tiffany asked as we sat at the empty table we saw.
Rence ordered for us.
"Review and take the bar exam."Si Zoe habang nakahalukipkip.
"Ako, mamatay."Simpleng saad ni Tiffany. Tinignan pa niya 'yung reaction namin pero nang makitang emotionless ay agad siyang tumawa ng awkward."Joke 'yon! Ang pangit niyo ka-bonding."
YOU ARE READING
Always Mine [unedited]
Roman d'amourMONZUNE UNIVERSITY SERIES#01 (COMPLETED) Fabiana is a 4th year law student. All she wants is to graduate and become a lawyer. Everything she would do after graduation was already planned but all that changed when she met a bitch girl at the nationa...
![Always Mine [unedited]](https://img.wattpad.com/cover/305483723-64-k961735.jpg)