1

1.3K 27 15
                                    






"Mag-aapply sana ako para sa scholarship. Mas mahal ang edukasyon dito sa Maynila kaysa sa lugar namin. Pero sigurado naman ako na maganda ang kalidad ng edukasyon dito." Tumigil si Ethan sa pagtitipa sa kaniyang laptop upang makinig sa akin.



"You're a 3rd year student, right?" Tumango ako sa kaniya. "Let's see... I'll contact a friend. Baka p'wede ka niyang matulungan sa scholarships."



"Salamat," ngumiti ako sa kaniya. Bumalik ako sa pagguhit ng tanawin na gusto kong mapuntahan. "Swerte mo siguro. Mga magulang mo ba nagpaaral sa 'yo? Sinuportahan ka pa sa pagde-dentista mo. Ang mahal kaya niyan..."



"I'm actually paying for my other expenses. Sa school-related stuff, parents ko gumagastos while personal expenses naman are taken from my own money. I am part of some businesses that may parents own, I have investments." Mas lalo ko siyang hinangaan dahil do'n.



Nagpaalam ako sa kaniya bago lumabas ng mini-office niya sa kaniyang bahay. Nang makarating ako sa kusina, naabutan ko ang tatlong kasambahay na nagkwekwentuhan. Napatigil sila nang makita ako. Ngumiti ako sa kanila at binuksan ang ref.



"Ma'am? Puwede po bang magtanong?" Nilingon ko sila at tumango. Nagsalin ako ng tubig sa basong hawak ko at naghintay sa sasabihin nila. "Asawa po ba kayo ni sir Ethan?"



"Sekretarya niya lang po ako. Naku, parang imposible naman na asawa ako ni sir!" Uminom ako nang mag-init ang mukha ko.



"Seryoso ka po ba, ma'am? Ikaw palang po kasi ang babaeng dinala ni sir dito. Hindi ka lang po bastang dinala rito, pinapatira ka niya rito. Nakakapagtaka po masyado, ma'am!"



Laman ng isip ko ang sinabi ng mga kasambahay habang pabalik ako sa opisina ni Ethan. Baka naman nagkamali lang sila. Baka tulog na sila kapag nagdadala ng babae rito si Ethan. Bakit niya naman ako hahayaan na tumira rito tapos 'yong ibang babae, hindi?



Pagpasok ko sa opisina ni Ethan, nadatnan ko siya na may kausap sa cellphone niya. Malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mag-angat ng tingin. Napatalikod ako at tumama ang mukha ko sa pinto!



"The fuck... I'm sorry, Mr. Recuenco. I have an emergency here. I'll call you later." Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang kamay ni Ethan sa beywang ko. "What were you doing? Let me see."



Hinarap niya ako sa kaniya at sinuri ang mukha ko. Alam ko naman na walang galos. Iniwan ako ni Ethan saglit at pagbalik niya ay may dala na siyang tissue at wet wipes. Kinain ako ng takot nang makita ko ang dugo sa tissue na nagmula sa ilong ko.



Inalalayan ako ni Ethan paupo sa lamesa ko. Inayos niya ang posisyon ko. Kinagat ko ang labi ko habang naghihintay sa gagawin niya.. Takot ako sa dugo... Ayoko sa dugo.



"I will pinch your nose, okay? Breathe through your mouth. Just follow my instructions. Ready?" Tumango ako kay Ethan. Ginawa ko ang sinabi niya nang pisilin niya ang ilong ko. "Takot ka sa dugo... I can see that.."



"Patient's name is... Qamari Xaia Garcia. Such a pretty name. You look like a kid right now, Qamari," pang-aasar ni Ethan sa akin. "You're cute. I'll give you some chocolates if you open your mouth a little wider."



Sinunod ko ang sinabi niya kahit may halong pang-aasar 'yon. Nagulat ako nang tanggalin niya ang pagkakapisil niya sa ilong ko at inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Naramdaman ko nalang ang pagtatagpo ng aming mga labi at dila.



Mabilis kong naitulak si Ethan nang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok ang isang lalaking kamukha ni Ethan. Napatigil siya sa may pintuan at tinuro ako habang nakatingin kay Ethan.



"May girlfriend ka na?!"



"Don't raise your voice at me, you fucking shit. I'm older than you!" Pinulupot ni Ethan ang isang braso niya sa aking beywang at ibinaba ako. "And no, she's not my girlfriend."



"Ohh... Hi there!" Napaatras ako nang kaunti nang lumapit sa 'kin ang lalaki. "Sorry, did I scare you? Don't worry, I don't bite people. I'm Edward... Edward Jayce Hernandez."



"Ako po si Qamari Xaia Garcia, secretary po ni sir Ethan." Tinanggap ko ang nilahad niyang kamay. Ngumisi siya at pasimpleng tumingin kay Ethan.



"Secretary? Bro, you're letting a goddess work, are you kidding me?" Hinila ako ni Ethan, natawa si Edward nang mabitawan ko ang kamay niya. "Ms. Garcia or should I say... Ms. Secretary? Hmm, why were you sitting on my brother's table?"



"Ahh ano po kasi... Tumama po sa pinto ang mukha ko, dumugo po ilong ko. Ginagamot lang po ni sir Ethan."



Nang sumapit ang gabi, umalis si Ethan. May pupuntahan daw siyang party. Hindi ako makatulog. Inayos ko nalang tuloy ang k'warto niya. Malinis naman, sadyang may mga nakakalat lang na mga papel sa desk niya.



Gustong-gusto niya talagang maging dentista. Ang gaganda ng mga drawing niya. Detalyado bawat drawing. Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon. Nakauwi na pala siya. Hindi ko namalayan ang oras...



Niluwagan niya ang necktie niya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang halikan niya ako. Nakagat ko ang labi ko nang bumaba ang mga labi niya sa leeg ko. Binaba niya ang straps ng night dress ko pero dahil hapit 'yon sa katawan ko ay hindi 'yon nalaglag sa sahig. Lumayo ako sa kaniya nang may mapansin ako.



"Bakit amoy babae ka?"



"I came from a party. May mga kaibigan kaming babae." Pagkasabi niya n'on ay hinalikan niya ulit ako. "You're so beautiful." Inayos niya ang mga nakakalat na buhok sa mukha at balikat ko.



"Ethan..." Pumungay ang mga mata niya at bahagya siyang ngumiti nang banggitin ko ang pangalan niya.



"You're a fucking torture, Qamari."



Naalimpungatan ako. Sinubukan kong bumangon ngunit masyadong mabigat ang braso ni Ethan na nakapatong sa tiyan ko. Sumiksik ako sa katawan niya nang lamigin ako bigla. Mukhang umuulan sa labas tapos ang lakas pa ng aircon.



Tumagilid ako at mas lalong sumiksik kay Ethan. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Naramdaman ko ang init na nagmumula sa katawan niya.



"Can't sleep?" Nag-init ang mukha ko nang marinig ang boses niya. "What do you want, Qamari? Anything that will help you sleep."



"Nilalamig lang ako. Naka-bra at panty lang ako, Ethan..."



"I'm sorry. 'Di na kita nabihisan. I was really tired. Wait here, I'll get your night dress." Tumayo ako nang makuha na ni Ethan ang damit ko. Sinuot ko 'yon at ngumiti sa kaniya. "Qamari, is this... okay with you?"



"Ang alin?" nag-angat ako ng tingin.



"Uuwi ako, aalukin kitang makipag-sex sa 'kin. Napipilitan ka lang ba, Qamari?" Umiling kaagad ako. "Are you sure?"



"Oo.. Ethan, patitigilin naman kita kung ayoko na, e. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako napipilitan. Tara, tulog na ulit tayo. Alam kong pagod ka." Tumango siya sa akin at bumalik na rin sa kama.



Sigurado akong hindi ako napipilitan. Ang hindi ko lang sigurado ay ang relasyon na mayro'n kami ni Ethan.



__________________________________

White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now