Nahihiya akong pumasok sa room. Napalingon ang ibang estudyante sa akin. Napansin ko kaagad ang babaeng nakaupo sa gilid, katabi ng bintana. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng sobrang ganda.Umupo ako sa tabi ni Sophia dahil iyon nalang ang bakante. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. Bumaba ang tingin ko sa I.D niya. Ang ganda niya talaga. Kahit sa I.D niya, ang ganda niya. Medyo unfair ang mundo sa part na 'to.
"Third day, may pa-event agad. Ihahalo raw nursing at tourism students. Sophia, p'wede ba maki-group?" Inasar nila ang lalaki naming ka-block dahil do'n.
Lumabas muna ako ng room para mag-ayos sa restroom. Nakasalubong ko ang isang nursing student. Ang angas niyang tingnan kaya hindi ko nalang siya binigyan ng pansin.
Nang makabalik ako sa room, may nag-aaway na. 'Yung maangas kanina at 'yung ka-block namin na babae.
"Ba't ka ba nangingialam? Kaibigan ka ba ni Pia?! Hindi naman, e! Baguhan ka lang dito sa uni, baka nakakalimutan mo?" Nagulat ako nang kuwelyuhan ni Katalina 'yung nursing student. "Wrong move. Wala nang makikipagkaibigan sa 'yo dahil sa ginawa mo sa 'kin. Kapal ng mukha mo."
"Wrong move? You know what's the real 'wrong move'? This.." Napasinghap ang iba nang bumagsak si Katalina sa sahig. Deserve niya naman 'yon... "I hate being touched."
"S-Sigurado akong wala nang makikipagkaibigan sa 'yo!" Tinuro pa siya ni Katalina.
"Sus, dami mo naman salita." Pumasok na ako sa room. Napalingon sila sa akin. "Gusto kitang maging kaibigan! Pati siya! Gusto ka rin niya maging kaibigan!" Dinamay ko na rin si Sophia.
Hinila ko si Sophia at 'yung nursing student palabas ng room. Hindi naman sila umangal hanggang sa makarating kami sa canteen. Iniwan ko sila saglit para bumili ng burger at frappe.
"Ano 'to?" tanong ni Sophia nang ibigay ko sa kaniya ang burger at frappe.
"Burger at frappe?" Bahagya akong napangiti nang mairita si Sophia. "Para sa inyo 'yan. 'Di n'yo kailangan magbayad. Kung gusto n'yong magpasalamat, sa boss ko kayo magpasalamat."
"Boss?" Sabay pa nga sila.
"May work ako. Kayo ba, wala? Suwerte n'yo kung gano'n! Anyway, I just want to make new friends here dahil baguhan ako. Galing ako sa probinsya kaya alam kong medyo imposible na matanggap n'yo ako."
"Galing din ako sa probinsya," sagot ni Sophia. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nakabawi rin ako kaagad at ngumiti sa kaniya.
"Hindi ako laking probinsya pero I can be your f-friend." Sabay kaming napalingon ni Sophia kay nursing student. "I'm Clara Sage Laurel.."
"Qamari Xaia Garcia!" pagpapakilala ko. "Ikaw?" Tumingin ako kay Sophia. "Sophia, 'di ba? Full name?"
"Sophia Ava Zendejas." Zendejas? Pero sa I.D niya... Ah, hindi ko na kailangang itanong.
Nasa iisang grupo kaming tatlo at may kasama pa kaming dalawang lalaki. Akala namin ay nursing at tourism students lang ang magkagrupo. May hinalo sa aming engineering students at aviation students. Hindi ko alam kung bakit nahalo ang nursing...
Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa mukha ni Sophia nang makita ang lalaking hinalo sa group namin. Nang-aasar naman itong ngumiti kay Sophia. May namamagitan siguro sa kanila. Parang mag-jowang nag-aaway.
YOU ARE READING
White Lies and Smiles
RomanceQamari is an innocent girl who just wanted to work for her family. But she fell for a trap. The first born of the owner of Hernandez hospital came to rescue Qamari that night. He became her boss but not just the typical boss. They do things that ar...