22

468 11 20
                                    






"Bakit nandito si Ethan?" bulong ko kay Clyde. Nagulat ako nang pumasok ako dahil nakita ko si Ethan na nakaupo sa visitor's chair!



"He's a client," Clyde whispered back. "I'm sorry, I cannot disclose his case to you."



Tumango nalang ako. Inalalayan ako ni Clyde hanggang sa makaupo ako sa couch. Nakatingin lang sa amin si Ethan. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiwas na siya ng tingin. Malaya kong nasuri ang kabuuan niya.



He's wearing a business attire. His suit and slacks hugged his body perfectly. Nakita ko rin ang mamahaling relo sa palapulsuhan niya. His hair was fixed in a brush up. His short stubble looked fine. Ethan's more mature-looking than Clyde. I diverted my attention to Clyde who is now talking to Ethan while sitting on his chair.



"I'm sorry for taking up too much of your time, attorney. Your girlfriend seems bored and tired... I'll get going." Thank God! After an hour, natapos din sila.



"Babawi nalang ako sa girlfriend ko, Mr. Hernandez. Thank you for your time."



Tumayo na ang dalawa at nagkamayan. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Nilingon ako ni Ethan. He gave me a polite nod. I gave him a nod as well.



Clyde looked at me to check if I was okay. I gave him a thumbs up when Ethan left the office. Lumapit ako kay Clyde at humalik. Kaagad namang pumulupot ang kaniyang braso sa aking beywang. Sinandal niya ako sa kaniyang lamesa. His kisses became more aggressive.



"Atty. Rivas- I'm sorry." I pushed Clyde when a man spoke. We glanced at the door and saw Ethan standing there. "You may continue."



"What is it, Mr. Hernandez?" Clyde fixed his suit and wiped the sides of his lips. I fixed myself too as Clyde talked to Ethan.



"I just received a message from my bodyguard. Diana..." Nilingon niya ako saglit. Diana... Alam kaya ni Diana na nambababae ang tatay ng anak niya? "Diana was brought to the hospital. She had bruises all over her body and she's saying that I beat her up."



Kumunot ang noo ko sa narinig. Tumalikod na ako at nagpanggap na walang narinig. Nag-usap sila ni Clyde saglit. Nang sabihin ni Clyde na kailangan niyang pumunta sa hospital kasama si Ethan, nag-ayos na ako. Didiretso na kami ni Clyde sa kainan pagkatapos nito.



Nang makarating kami sa hospital, nagtungo na kami sa palapag kung nasa'n ang kuwarto ni Diana. Nag-uusap lang ang dalawa tungkol sa kaso ni Ethan. Hindi ko na 'yon binigyan ng atensyon dahil personal iyon. Nasa likod ko ang dalawa habang nasa elevator kami. Nagulat ako nang humatak sa akin. Sa pag-aakalang si Clyde lang 'yon ay hinawakan ko ang kamay niya na nasa siko ko. May pumasok na tatlong babaeng nurse at napalingon sa kamay ko at sa kamay ni Clyde. May pumasok pa na isang nurse at may kasamang pasyente. Umatras pa tuloy ako.



"Good afternoon po," bati ng mga nurse kay Clyde.



Sandali... Bakit naman nila babatiin si Clyde? Lumingon ako sa taong nakahawak sa akin. Agad kong binawi ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang magtama ang paningin namin ni Ethan. Mukhang hindi naman 'yon napansin ni Clyde dahil abala siya sa pagdi-discuss ng kaso kay Ethan.



Tinanggal ni Ethan ang pagkakahawak niya sa siko ko at ipinasok na sa bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang kamay. Namumungay ang mga matang nakipagtitigan siya sa akin. Nilabanan ko ang mga titig niya. Tingnan natin kung sino ang apektado pa.



"Ano?" I mouthed.



He slightly shook his head. His index and middle fingers played with his lower lip. He was stopping a smile, I'm sure! Pagkalabas namin ng elevator, nagtungo na kami sa kuwarto ni Diana. Huminto kami ni Clyde saglit. Humarap si Clyde sa akin.



"We're going to meet Diana, ayos lang?" Tumango ako kay Clyde. "Sasama ka ba sa loob? It's okay if you can't... or if you don't want to."



"Ayos lang." Papasok na sana ako nang hawakan ni Ethan ang braso ko. Pinigilan niya ako. "Bakit?"



"Will you be okay?" Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Wow, the world is healing! Nagtanong ang nanakit sa akin!



"Why wouldn't I be?" Nilagpasan ko na siya at nauna na kami ni Clyde sa loob.



Diana looked shocked when our eyes met. I almost rolled my eyes. Ayokong maging masama. Pero nang makita ko ang mga pasa sa katawan niya, parang gusto kong sabihin na deserve niya 'yon. Sariwa pa sa aking isipan ang nangyari noon. Kung paano ako sinabunutan, tinuhod, sinampal, at hinila ni Diana. Hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.



Lumapit sa kaniya ang dalawang lalaki. Samantalang ako ay nanatili lamang sa gilid. Titig na titig sa akin si Diana. Hindi ko alam kung natatakot siya sa akin o nagpapaawa lang kay Ethan. Tutal doon naman siya magaling. Sa pagpapaawa. Alam ko ang ginawa niyang pagpapaawa noon.



"Hindi ko 'yon magagawa, Ethan.. Kilala mo ako. Nauna si Qamari... Sinampal niya ako. Sobrang lakas ng mga sampal niya. H-hindi lang 'yon, kung ano-ano pa ang sinabi niya sa 'kin. Ang sakit sakit ng mga salita niya nung araw na 'yon. Nanakit lang ako kasi sinasaktan niya ako. Self-defense 'yon.. Matindi 'yung galit niya, 'yung tipong kaya niyang pumatay-"



Hindi ko kinaya, umalis na ako no'n. Pagod na pagod na ako at ang tanging nasa isip ko na lamang ay ang magpakalayo-layo. Wala akong pakialam kung sino man ang paniwalaan o pinaniniwalaan ni Ethan. Kung naniniwala siya kay Diana, magsama sila.



"Diana, I wasn't the abusive one. I don't know why you're trying to tell the people that I did this to you. Where's your law-"



"Let's just meet in court, Ethan. You have to pay for the damages. You were always abusive! Physically, mentally, and emotionally! The only thing that you can do is provide me and our kid our needs... I need a compensation-"



"Ang dami mong sinabi but you just want his money, right?" Hindi na ako nakatiis. I know this is a personal matter but I'm sure that she's doing this to get some money.



"Qamari," pagsaway sa akin ni Clyde. "Don't get yourself involved." He's right. Baka kung ano pa ang mangyari. I cannot conclude things even if everything's obvious. I don't have a solid evidence for that.



"Bakit nandito 'yan?" Nilingon ako ni Diana. Inirapan ko naman siya. "Personal na bagay ang pinag-uusapan natin dito, bakit may sumisingit? Attorney, baka puwede mong pagsabihan 'yang girlfriend mo-"



"Excuse me? I'm not here to make singit. I'm just here to see you. I forgot to bring a basket of fruits, I'll just do it next time. Kumusta ka, Diana? Alin ang masakit?" Plastik akong ngumiti sa kaniya.



"Ikaw? Kumusta ka?" I saw amusement in her eyes. This demonic creature! "Hindi ka ba nasasaktan ngayon? Oh, oo nga pala. Hindi ka masasaktan kasi may pamalit ka na sa boss slash kliyente mo. May trabaho ka na ba? 'Yung disenteng trabaho. Disenteng tao ka na ba?"



"I'm a flight attendant. Ikaw? Pabigat pa rin kay Ethan? Ako, I can provide for myself. I don't need to depend on someone, unlike you who's depending on someone's riches. How ironic! You're talking about decency but you're not even a decent person." Lumapit na sa 'kin si Clyde. Hinawakan niya ang balikat ko, pinapakalma ako.



"Qamari's right, Diana. I hope you stop all your bullshits because I'm already tired of everything that you do," Ethan said.



__________________________________

White Lies and SmilesWhere stories live. Discover now